Dalawang araw simula nang dumating sila Alona sa hospital -parang hindi naaksidente ang ama nito -masigla at maliksi na uli ito -kaya pumayag naman ang mga doctor na lumabas na ito -kasabay ni atty. Lagdameo -plano ng mag-asawa na manatili nalang sa hotel kung saan sila unang nag check in nang dumating sila -pero mariing tumangi ang ama ni Alona -malaki naman daw ang bahay nito kaya hindi na nila kailangan na mag hotel -pumayag naman sila para maka bonding din nila ang ama nito
Nadatnan nilang aliga-ga ang mga tao sa loob ng bahay -tay ano pong meron bakit parang nagkaka gulo sila? -tanong ni Alona nang makababa ng sasakyan -agad ipinalibot ni Alona ang paningin sa kabuuan ng bahay ng ama -hindi man ito kasing laki ng mansion ng mga Pantaleon sa Batangas pero malaki din ito kaysa sa normal na bahay -at nasa isang exclusive subdivision pa ito naka tayo -sino po ang kasama mo ditong tumira tay? -patuloy na tanong ni Alona
Pinaghanda ko sila anak -dapat kasi noong pagdating nyo kaso nasa hospital naman ang tatay kaya ngayon nalang ito -bahay ito nang taong pinagtrabahoan ko dati -iniwan nya sa akin -kasama ko si Lucing ang taga luto at taga laba -si Cardo ang driver at si Minda anak ni Lucing at Cardo tumutulong sa kanila
Pero bakit po ang daming pagkain tay? -muling tanong ni Alona -tsaka di ba nasa hospital pa ang driver nyo -sino po ang nagbantay sa kanya kung nandito yung pamilya nya
Yung mga doctor at nurse na muna ang tumitingin kay Cardo anak -pero hwag kang mag-alala baka bukas din pwedi nang makalabas si Cardo -agad silang sinamahan ng ama sa magiging kwarto nilang mag-asawa habang nandoon sila -tinuro naman nito ang kwarto nya at pati na rin ang kwarto ng mag-asawang kasamahan nya dito sa bahay pati ang kay Minda at may dalawa pang guest room sa taas --sige na magpahinga na muna kayo ipapatawag ko nalang kayo kapag handa na ang lahat -sabi pa nito bago akmang isasara ang pinto
Tay dapat ikaw ang nagpapahinga eh -sansalang ni Alona sa ama
Naku anak okey lang si tatay 2 linggo din akong namahinga sa hospital kaya tama na muna iyon -nakangiting turan ng ama -hinalikan muna sya sa noo bago tuluyang lumabas ang ama
Halos isang oras din palang nakatulog si Alona katabi ang asawa nang makarinig sya ng mahihinang katok -agad naman nya itong pinakbuksan -mam pinapatawag na po kayo ni tatay Art kakain na daw po -magalang na saad ng dalaga -ikaw ba si Minda? -tumango naman ang dalagang kausap -hwag mo na ako e mam ate Alona nalang okey? -nahihiyang tumango naman ang dalaga na sa tingin nya ay kasing edad ito ni Paulo -sige Minda susunod na kami ha -gisingin ko lang ang asawa ko -agad na siyang iniwan ni Minda -pagbaba nila Alona nadatnan nila ang pamilya ni Atty. Lagdameo -masaya naman silang sinalubong ng ama -at agad na pinakilala sa mga naroon
Masaya silang nagsalo sa isang masarap na pananghalian -panaka-naka naman ang pagtatanong ng ama ni Alona ng mga bagay bagay simula umalis sya sa kanila -halos bandang alas tres na nang magpaalam ang pamilya ni Atty. Lagdameo sa kanila dahil kailangan nang magpahinga ng abogado -Paulo anak lets go -tawag ni Atty dito -kaya napalingon si Alona sa kung nasaan ba naka pwesto si Paulo -at ganon nalang ang pagngiti nya nang magtama ang mata ni Alona at Minda nakita nya kasi ang paglapat ng labi ni Paulo sa labi ng dalaga
Pagka-alis nang pamilya ni atty Lagdameo -nagpaalam din si Aling Lucing at Minda na babalik sa hospital -nagsabi naman ang ginang na bago maghapunan ay makabalik na sya -pero si Alona na ang tumangi -samahan nyo nalang ho si Mang Cardo sa hospital hangang bukas Aling Lucing ako na ho bahala sa pagkain ni tatay -susunduin din namin kayo bukas sa hospital
Naku mam Alona hindi na ho -mag taxi nalang kami
Naku Alona nalang Aling Lucing hindi ho ako sanay na tinatawag na mam kapag wala ako sa school e
BINABASA MO ANG
Madilim na Kahapon (Completed)
Non-FictionLahat ng tao may pangit na nakaraan -may sekretong pilit kinukubli -at lahat sila hangad ay ang maintindihan na kahit isang tao lang -yung hindi ka huhusgahan at tatanggapin ka kahit na sino at ano ka man. Sa sitwasyon ni Alona may tao kayang handan...