Epilogue

13K 213 28
                                    

Nanlalaki ang mga mata ni Alona sa narinig -at bago pa sya makapag salita ay may pumasok nang tatlong taong hindi nya kilala sa loob ng kanilang kwarto at agad namang lumabas si Brian bago sya nitong halikan -nakatulala pa rin sya habang nakatitig sa mga bagong pasok na panauhin na hindi nya talaga kilala

Hi Maam Alona ako po si Benjie ang wedding planner nyo po -ito naman si Marilou at Eunice kami ang mag-aasikaso sayo para mas lalo kang pagandahin -kaya tumayo na po tayo mam para makaligo na -parang robot na sumunod si Alona sa mga sinasabi ng nagngangalang Benjie

Nang matapos makaligo ibinalot ni Alona ang katawan sa roba at lumabas -nang makita sya ng mga bisita agad na syang hinila nito paupo sa harap ng kanyang vanity counter at sinimulang ayusan -tama nga pala si sir Brian nang sabihin nyang ang ganda ganda nyo po -hindi napigil ni Eunice na magkumento habang sinisimulan sya nitong make-upan -agad naman syang pinandilatan ni Benjie nang mga mata kaya itinikum din nito ang kanyang bibig at muling pinagpatuloy ang ginagawa

Halos dalawang oras din ang iginugol ni Marilou at Eunice para lalo syang pagandahin -nagpapalam na ang dalawa na lalabas ng bumukas naman ang pinto at iniluwa noon si Benjie at isang tao na familiar sa kanya -pero hindi nya maalala kung saan nya ito nakita -mam Alona ito po si madame Zandra Lim ang gumawa ng iyong wedding gown -isang tipid na ngiti lang ang binigay ni Alona sa mga ito -dahil kahit anong pilit nyang ibuka ang kanyang bibig para magpasalamat ay hindi nya magawa

Iha you are so lucky to have a husband who is so loving and so thoughtful as your's -and you are indeed one lucky princess to have a father that is willing to lost his fortune just to give her daughter a surprise wedding -a wedding that is one of a kind -and ang swerte-swerte mo dahil mahal na mahal ka nilang lahat -dahil sa narinig hindi mapigil ni Alona ang maluha -hindi nya lubos maisip na kayang gawin ng asawa at ama ang ubusin ang yamang pinaghirapan para sa kanya -oh god I am so sorry -agarang saad ni Zanrda Lim nang makitang hilam na sa luha ang mukha ng ikakasal

Eunice retouch please -sigaw ni Benjie -agad namang bumukas ang pinto at nagmamadaling pumasok si Eunice para iretouch sya

Sorry -mahinang saad ni Alona nang mag-umpisang ayusin ni Eunice ang kanyang mukha -isang tipid na ngiti ang binigay ni Eunice sa kanya -nang matapos ay agad na syang hinatak ni Zandra Lim para ipasoot ang kanyang gown -mam paano nyo po pala nakuha ang sikat ko -wala naman pong nagpunta dito para sukatan ako

Iha your husband has his own way of finding it -makahulugan nitong saad at tinaas-taasan pa sya nito ng dalawang kilay -alam ni Alona na namumula sya sa tinuran ng ginang -pero dahil naka make up naman sya kaya hindi na siguro mapapansin iyon 

Bago tuluyang ilagay ang veil sa ulo ni Alona pumasok si Almira na may dalang pagkain at gatas -excuse me lang pwedi ko ba munang pakainin ang aming buntis -naka ngiting saad ni Almira -mabilis namang sumang-ayon ang mga naroon -kayo don magsipagkain na muna kayo baka magutom kayo sa simbahan nyan -pagbibiro pa nito -lahat naman sila lumabas na maliban kay Zandra Lim -maraming salamat sa pagpapa unlak mo sa hiling ng mga anak ko na ikaw ang mag rush na kanilang mga kasuotan Zandra ha

Ano ka ba Almira wala yun -aanakin ko sila sa kasal kaya responsibilidad kong bigyan ng maganda at kumportableng kasootan ang mga ikakasal

Mama alam nyo po ba ang plano nato ni Brian? -tanong niya sa ginang na may hawak ng kanyang pagkain

Noon nalang din anak pagka-uwi nila galing Maynila ng tatay mo -magaang saad ni Almira -tumango tango naman si Alona -kaya pala puyat masyado ang asawa at ang ama dahil sa pinaplanong kasal ngayon  -na-e-excite tuloy sya sa kung ano pa ang magaganap sa araw ng kanyang kasal

Madilim na Kahapon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon