CHAPTER 0008
Mark's POV
December 24, 11:13 am dumating kami sa Korea. 10:51 yung original arrival time namin kaso hinintay ko pang lumabas ng Comfort Room si Mr. President bago ako bumaba ng eroplano, ayoko kayang mapagalitan. Ewan ko, pero sa tuwing sumasakay kami sa eroplano hindi siya agad bumababa. Tumatae muna siguro. Hahaha ^0^
Sa tuwing birthday niya palagi siyang dumadalaw sa Korea, ewan kung bakit pero dinig ko dinadalaw daw niya yung Lola niya. Ewan ko kung san eksaktong nakitira yung lola niya pero dinig ko hindi naman daw yun kalayuan sa bahay niya. 2 years na akong nagtatrabaho kay Sir, kaya medyo may alam na ako sa kanya, hindi ako nakasama sa kanya last Christmas dito sa Korea kasi nakiusap akong magpasko kasama ng pamilya ko, at pumayag naman siya.
Walang red carpet na naganap pag lapag ng mga paa niya sa lupa, hindi niya pinaalam ang pagdating niya. Secret nga diba? May sumundo lang sa amin, kung sino hindi ko kilala. May edad na yung lalake, siguro matagal na siyang nagsisilbi kay Sir. Wala siyang dinalang damit kaya pumuta kami sa isang sikat na sikat at super mamahalin na Clothing Store, naghintay lang yung driver sa labas, sabi kasi niya dun sa driver hindi naman daw kami magtatagal, siguro may kakatagpuin siya sa loob.
You see, although we are in a clothing store, he is not the type of guy who buys something on rush or on the spot. His clothes are specially made just for him. He receive bunch of deliveries every month.
Pagdating naming dun nagtinginan samin yung mga tao. Bakit ganun ba ako kagwapo? Pati yung mga sales lady ang lagkit ng tingin sakin. Sorry Girls, pihikan ako!
Nagikot ikot kami ni Sir sa loob nung Clothing store. Bawat taong dinadaanan ko, este namin eh napapatingin. Nakalagay yung kamay niya sa likod niya, ginaya ko naman siya. ^_^
Tinitignan niya lang yung mga damit na dinadaanan niya, hindi niya hinahawakan. Ako naman siyempre nagkasya na ako ng mga damit, hehe. Nagsuot ng shades at kung ano ano pa. Pagkakataon ko na yun!
Pagkaraan ng ilang minuto pinuntahan niya yung cashier.
Well it looks like may nagustuhan siyang damit. This is new. As I mentioned, he never buys something on a rush. Pero naisip ko, kaya siguro siya bibili ay dahil sa sobrang busy niya these days, he did not have the time to attend his clothing appointments. You see, he really spends time on picking the design for his suits. He is a perfectionist.
As he approach the cashier, siyempre sumundo ako sa kanya. Baka sigawan pa niya ako pag nakita niya ang pinag-gagawa ko.
Tumayo ako sa tabi niya. Nginitian ko yung babae, cute siya. Pero hindi ako pinansin, kay Sir lang nakatingin. Tssss.. ¬_¬
"Ye..yes Sir?" Sabi nung babae? Nabubulol pa siya. Bakit ganun ba kami kagwapo? Tinignan ko si Sir, ni hindi man lang ngumiti.
"Secretary Lopez?"
"Sir?"
"Give me a creadit card." He said nang hindi ako nililingon.
"Sir?"
"Did you not hear me?"
"I did Sir." I said habang nagtataka kong kinuha ang credit card niya sa bulsa ko, so he is really serious on buying. Lumapit ako sa kanya. "Eto na po." I showed him his credit card, pagkatapos, linapag ko iyong credit card niya sa front desk ng cashier.
"A..ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" Asked by the cashier.
"The credit card.. is the payment for all the clothes."
"Siiiiiiiiiiiirrrrr?" Sabay kaming nagsalita nung cashier!
WTH!
Alam kong hindi niya tipo ang magtanong kung wala naman siyang balak bilhin ang isang bagay, pero grabe na siya! Sigurado ba talaga siyang bibilhin niya lahat ng damit na nasa loob!? Goodness! He lost his mind! Kailan pa siya natutong bumili ng damit sa labas!? And most importantly, he did not even touch a single thing and now he's buying everything!?
BINABASA MO ANG
The Rose: Mistaken Identity (Book 1 of THE ROSE Pentalogy) COMPLETED
Hài hướcHello Roses! After a three year hiatus, I am finally back! To the readers of The Rose, I apologize for the not updating the story for a long time - really long time. I was busy at work and school, and so I had to postpone updating it. A family memb...