CHAPTER 0012

1.1K 50 20
                                    

CHAPTER 0012

Mark's POV

Sinundo ko si Sir, gaya ng sabi niya. Mukhang maganda ang mood niya. Ano kayang nakita niya sa loob ng building? At ang weird niya ha, nakangiti pa siya. Eh kung palagi sana siyang ganun, eh di masaya ang buhay.

Tumigil kami sa isang Car shop, ayan nanaman nagtitinginan nanaman yung mga babae. Augh! Ganun ba talaga ako kagwapo!? Pag pasok namin sa car shop may lumapit agad sa amin para i-assist kami. Bakit? Kasi nga ho, VIP kami, este si Mighty Zeffa. Although I hate everything about him. I allow myself to mention his name sometimes.. in a sarcastic way.

Well, yung kotseng pinatingin niya sa akin. Hindi niya yun bibilhin. Libre ba? Hindi no, hindi niya yun bibilhin kasi nabayaran na niya. Siya ba ang nagbayad? Hindi, nag-utos ng ibang tao. Maniwala kayong maglalabas ng cash yun eh malaki ang tama niya sa ulo. To make it short, sabihin nalang natin na that car was kept for him. It was delivered from overseas. Kaya eto sinusundo na namin yung kotse niya na siyempre mamahalin. The manager assured him na siya lang ang may ganitong kotse sa Korea bago niya iuwi yun. Bakit? Kasi once na sinabi nilang meron. Kahit na nabayaran na niya yun, naku, hindi niya kukunin. Ipapasoli niya kung sang lupalop man ng mundo nila kinuha. Pasalamat panga sila kung yun lang ang gagawin niya at hindi niya ipapasunog!

Ferrari yung kotse, Ferrari 458 Spider to be exact. Maganda yung kotse niya! Grabe! Nakaka-ingit! Kailan kaya ako magkakaroon ng ganung kotse!? Kailan kaya magiging piso sakin ang isang libo? KAILAN!? KAILAN!!!!!!!!!!

Pagkalabas namin ng Car Shop, sinakyan agad niya yung kotse niya! Tsk, excited pa naman ako, kasi akala ko isasakay niya ako sa kotse niya! Ni hindi niya ako pinansin, basta nalang siyang sumakay sa kotse tapos umalis na siya agad! Ni hindi man lang siya nag-paalam! Kahit man lang sana pamasahe binigyan niya ako! Alam naman niyang wala akong dalang kotse! Argg! Kahit kailan talaga napakasama ng ugali!

Dumeretso ako sa bahay niya. May meeting pa sila ni Director Choi mamaya, kaya kailangang nandun ako. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot. Asan nanaman kaya siya? Alam ko namang naka uwi na siya kasi naka park na sa labas yung kotse niya.

Tinatawagan ko siya, kaso cannot be reached yung phone niya. Pano ko sasabihin sa kanyang nagpapasundo yung kapatid niya kung wala naman siyang balak magpakita sakin!? Alangan namang libutin ko ang buong subdivision para lang makita siya!? Oh yes, you guessed it right. Pag aari niya ang buong subdivision na kinatitirikan ng bahay niya. He is just that arte!

Kanina pa ako pabalik-balik sa loob at labas ng bahay niya, pati sa labas hinanap ko na rin siya, pero hindi ko pa rin siya mahagilap.

Pabalik na ako sa bahay niya.

"Dun ko nalang siya hihintayin tutal wala pa naman siya." I said to myself. Pero nagulat nalang ako ng pagpasok ko sa bahay niya, nandun na siya naka upo!

As usual, naka cross nanaman yung arms niya. Parang ang lalim lalim nanaman ng iniisip niya, may tinitignan siyang papel na nakalapag sa table. Ewan pero parang picture!

Pagka sineswerte kanga naman. Mamaya pagalitan nanaman niya ako sa pag-aakalang naglakuwatya ako!

"Sec. Lopez?" Napapitlag ako ng tinawag niya ang pangalan ko. Naku.. Ayan na! Magdadahilan na lang ako kung bakit ako late. Okay lang yan Mark, sanay ka naman na sa sermon.

Lumapit ako sa kanya.

"Sir, sorry kung huli akong dumating kasi---"

"Sectary Lopez." He interrupted. "What possible reason can make a woman cry after being happy?"

"Wo..woman!?"

Bahagya kong nalakasan ang boses ko! This is the greatest shock of my life! Tama ba yung narinig ko!? Wo..man daw!? This is terrifying! Kailan pa siya natutong banggitin ang salitang woman!? Ano nang nangyari sa a person who wear skirt!? Why is he so weird!? Baka naman nilalagnat siya!? O baka naman, binawi ni Madam yung promotion niya kaya biglang nag-iba ang ihip ng hangin!?

The Rose: Mistaken Identity (Book 1 of THE ROSE Pentalogy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon