CHAPTER 0094
Amy's POV
"Sige. UULITIN KO SAYO SA PANG PANG DALAWANG-PUT-LIMANG BESES. Para naman hindi mo sabihing bumubulong ako sayo kaya nagbibingi-bingihan ka. SINO. YUNG. LALAKENG. KASAMA. MO. SA. ZEFFA. CORPORATION?"
Gigil kong tanong habang pinipigilan ko ang sarili kong hindi siya sigawan! Kanina ko pa siyang paulit-ulit na tinatanong pero sa tuwing tinatanong ko siya, nag-iiba siya nang topic! At ang mas nakakainis, iniiwas niya ang mukha niya sa akin na akala mo talagang gulity siya!
Naiinis ako! Talagang naiinis ako! Bakit!? Dahil dineny niyang kakilala niya si Prince Charming, pero kitang kita ng dalawang mata ko, isama mo pa ang camera nang cellphone ko, na magka-holding hands sila! At hindi lang yan! Nakita ko kung paano siya tignan ni Prince Charming ko(ouch), na akala mo eh siya lang ang babae sa mundo, kaya wag na wag siyang mag-dedeny sa akin na hindi sila magkakilala!
Naku..! Ang simple lang nang tanong ko, iniba ko nanga eh! Hindi ko naman siya tinanong kung boyfreind niya si Prince Charming, ang tanong ko lang kung sino siya! Naisip ko rin kasi, malamang na hindi niya boyfriend si Prince Charming dahil sa wala naman talaga siyang boyfriend! Ang gusto ko lang malaman talaga.. ay kung NANLILIGAW BA SIYA SA KANYA!!! Kaya, kahit na deadmahin niya ako! Hinding hindi ko siya titigilan!!!!
"Andie! Uulitin ko! Sino---"
*Phone ringing*
Hindi ko naituloy ang pagtatanong ko sa kanya nang biglang may tumawag sa cellphone ko! Aba.. timing nga naman! Tinignan ko siya at nakita kong bahagya siyang napangiti nang narinig niyang may tumatawag sa akin! Kita mo! Hindi naman talaga siya bingi!
Tinitigan ko lang siya nang masama sa pag-aakala niyang sasagutin ko yung tawag, ano siya sineswerte!? Hindi ko siya tatantanan! Importateng malaman ko kung sino siya sa buhay niya! Dahil kung sasabihin niyang kamag-anak niya, eh di... Hihihi! Chance ko na to!
Ano ba, bawal muna kiligin! Dapat serious mode ako!!!
"Ano, sasagot ka, o hihintayin mo munang ma-lowbat itong cellphone ko, bago mo tanggalin yang mata mo sa cellphone ko!?"
"Ate kasi.."
At sa wakas nagsalita na siya!
"Ano!?"
"Naalala mo nung sinabi kong may bago akong billboard na ipapatayo?"
"O ngayon!? Anong kinalaman ng billboard mo sa topic ko!? Naku Andie, kung balak mong iwala ang usapan, pwes, manigas ka! Hinding hindi tayo aalis dito sa harapan nang billboard natin hanggat hindi mo ako sinasagot!"
"Nag-aalala lang kasi ako.."
"At ano ang mas inaalala mo bukod sa kanina pa nagdurugong lalamunan ko!?"
"Kasi, baka si Director Choi ang tumatawag."
"At bakit naman niya ako tatawagan!? Naku wag kang gagawa nang kwento ha! Hoy para sabihin ko sayo Andie Lee, ang huling beses niya akong tinawagan ay nung sinabi niya na ako ang kukunin nang kumpanya na model para sa billboard kasama mo!"
Ngumiti siya. At anong nginingiti-ngiti niya!?
"Di ba nabanggit ko sayo na sa bagong itatayong billboard ko, naghahanap sila nang partner ko?"
"..SO!?"
"So.." Sambit niya habang nakatitig sa cellphone ko. At ano naman ang gusto niyang ipahiwatig... sa...
(ToT)
OMG!!!!!
"W..wag mong sabihing..."
"Uh-huh."
Siyang tunay!
Dali-dali kong inunlock ang cellphone ko, sa sobrang exitement! Ito na! Ito na ang sagot! Pag ako ang nakuha nilang model, siguradong may pera na ako para makauwi sa probinsya!!!!
Sinagot ko ang telepono!
"Hello!?"
"Am I talking to Amy Ha? I work for Zeffa Corporation. I have something to discuss with you." Sagot nang nasa kabilang linya.
Pagkadinig ko sa sinabi niya, bigla akong na-excite! Tuwang-tuwa ako, hindi ako agad nakasagot! Naglulundag pa ako sa loob nang kotse ko! Tinignan ko si Andie at tumatawa lang siya! Iiiihhh.. Andie!!!!
Agad ko siyang yinakap at hinalikan sa pisngi!
"Hulog ka talaga nang langit!!!"
"Sige na Ate! Kausapin mo na yang nasa kabilang linya, sige ka baka mag-bago ang isip nila."
"Hindi! Hindi rin! Kaibigan ko si Andie Lee eh!"
"Oo na.. Alam ko na. You're welcome!" Sagot niya. Habang ako naman ay maluha-luha sa nangyari. Kanina lang iniisip ko kung kaylan kaya ako makakauwi sa probinsya, tapos eto na, agad-agad binigay. Hulog talaga siya nang langit!
Lumabas ako nang kotse para sagutin yung tawag. Nakahinga narin ako nang maluwag. Pinakalma ko muna ang puso ko bago ako sumagot, dahil kung hindi, paniguradong tameme nanaman ako, gaya nung una.
"Hello? Miss ha?"
"Hi, hello po. Pasensiya na po kayo ngayon lang ako nakasagot, medyo may nangyari po kasi." Sagot ko sa lalakeng kausap ko sa kabilang linya, na mukhang hindi si Director Choi. Bata ang boses niya, at mukhang praktisadong-praktisado. Hmm, okay na yun, kahit hindi si Director Choi ang makausap ko. Choosy pa ba ako?
"That's okay. Pwede na ba tayong mag-usap?"
"Opo, sino po pala ito?"
"..My name?" Tanong niya na may kasamang pag-aalinlangan.
"Opo." Simple kong sagot.
"I am.. the Executive Secretary to the C.E.O and President of Zeffa Corporation. My name is, Mark Lopez."
"P..PO!!!???
BINABASA MO ANG
The Rose: Mistaken Identity (Book 1 of THE ROSE Pentalogy) COMPLETED
UmorismoHello Roses! After a three year hiatus, I am finally back! To the readers of The Rose, I apologize for the not updating the story for a long time - really long time. I was busy at work and school, and so I had to postpone updating it. A family memb...