CHAPTER 0016
Andie's POV
Pagbaba ko kanina ng hagdanan nakita ako ni Ate, nagulat pa ako kasi akala ko si Mr. Hoodie yung humawak sa balikat ko. Kumain kami sa isang tent restaurant, then after eating, we toured for a while to check stuffs, we went in an accessory store. When I was checking out the accessories, I saw a beautiful keychain. It was so cute I bought two of it(well okay I was exaggerating, It was custom made for me). >.<
Tinanong ako ni Ate kung kanino ko ibibigay yung isa, I said to my dog, but of course I was only joking. I'd like to keep two copies for myself.
Pagkatapos naming naglibot-libot, umuwi na agad ako. Tinawagan ko si Ate para sabihing nakauwi na ako. Pag may lakad kami, palagi niya sa aking sinasabing tawagan ko siya pag-kauwi ko, para daw malaman niyang safe akong nakauwi at hindi ako nakid-nap(O diba kidnap agad). Concern lang daw siya sa akin, dahil pag nawala ako, siguradong lubog din ang career niya! Oh, sabi ko nga di ba, para ko siyang kapatid. Concern na concern siya sa akin! Hahaha!
Pagpatay ko ng phone bigla kong naalala yung mayabang na lalakeng nakilala ko kanina! Ayan, nainis nanaman ako! Baliw talaga yung lalakeng yun! Kung makaasta filing niya close kami! At ang malala kung makapag-tanong feeling niya boyfriend ko siya! Napakayabang akala mo kung sinong gwapo.. I mean milyonaryo! Well mukha naman siyang mayaman, pero wala akong paki! Gwapo? Well, pwede na.. *blushing*
"Sipain ko pa siya eh!" I said to myself. "Pfff.. Pasalamat siya celebrity ako kung hindi baka naka confine na siya sa hospital ngayon! Tss.. kung hindi lang talaga ako cele---." Natigilan ako ng bigla akong natauhan sa pinagsasabi ko.
"Celebrity nga pala ako!" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa naisip ko!
"Baka sinet-up niya ako! Sinasabi ko na nga ba, masama ang budhi ng lalakeng yun! Siguro stalker ko siya! Pano kung kinunan pala niya ng video yung pinag-gagawa ko kanina at iblack-mail niya ako! Baka ibenta pa niya yung video ko! Patay ako!"
Kailangan kong mahanap ang lalakeng yun sa lalaong madaling panahon! Bakit naman kasi hindi ko yun naisip kanina eh, baka napigilan ko pa ang sarili ko sa pakikipag-away sa kanya kung sakali! Teka bakit ko nga ba nakalimutang celebrity ako kanina? Ay ewan! Minsan rin kasi hindi ko muna iniisip ang pinag-gagawa ko! At least inaamin ko! >.<
Humiga ako, I need to rest, kailangan kong kalmahin ang isip ko, baka mapraning ako! May shooting pa ako mamaya kaya I really need to rest! At kailangan kong mag-ipon ng energy para harapin si Hoodie! AhHh, patay ako!
Amy's POV
Mas naunang dumating sa akin si Andie sa TV Network. Mukhang wala siya sa mood, hindi naman siya nakasimangot, pero mukha talagang wala siya sa mood makipag-asaran. Gugulatin ko sana siya kanina, pero di ko tinuloy, baka umbagin niya ako eh! Mukhang may bumabagabag sa kanya. Hmmm.. Ano naman kaya yun?
Lalapitan ko na sana siya para tanungin nang bigla siyang tinawag ng Director! Umpisahan na daw nilang mag-shooting! Ang ganda naman ng timing niya!
Umalis ako sandali para ayusan yung ibang artista, pero pagbalik ko uma-alingawngaw nanaman sa buong building ang boses niya! Sa dressing room panga lang, dinig na dinig ko ang boses niya! Well wala naman akong paki kahit mapaos pa siya sa kakasigaw, pero ayoko lang talaga kung ang nadadatnan kong eksena ay tulad ng nadatnan ko ngayon! Sinisigawan nanaman niya si Andie! Ano nanaman kaya ang problema niya!? Kahit naman okay ang takes ni Andie nagagalit parin siya!
Aawat na sana ako pero natigilan ako ng nakita ko ang mukha ni Andie.. malungkot siya.
"Ano bang problema mo? Ang eksena masaya ka kasi pasko! Masaya ka kasi magkikita kayo ng Mama mo! Ngumiti ka! Tumawa ka! Bakit hindi mo sa akin maibigay ang eksenang gusto ko!? Ganun ba yun kahirap!? Bakit, hindi mo ba alam ang ganung pakiramdam!? Kung hindi mo kayang i-arte, ilagay mo nalang ang sarili mo sa sitwasyong yun! Para namang hindi mo nakakasama ang magulang mo tuwing pasko!"
BINABASA MO ANG
The Rose: Mistaken Identity (Book 1 of THE ROSE Pentalogy) COMPLETED
MizahHello Roses! After a three year hiatus, I am finally back! To the readers of The Rose, I apologize for the not updating the story for a long time - really long time. I was busy at work and school, and so I had to postpone updating it. A family memb...