CHAPTER 0066
Amy's POV
"Andie.. Andie, ano ba? Balak mo ba talagang magmukmok nalang dyan?" Tanong ko ulit sa kanya.
Kanina ko pa siya hinihila palayo sa kama niya pero ayaw niya. Nakasubsob lang ang mukha niya sa unan niya. Ewan ko ba sa babaeng to. Mula ng nabanggit ko kanina ang CCTV biglang nagbago ang ihip ng hangin. Ano ba kasi ang ginawa niya at takot na takot siya sa CCTV? Maya't maya bigla bigla nalang siyang magmamaktol na parang bata. Ayaw namang sabihin kung ano ang problema niya. Hay ewan, kung ayaw niyang sumama, bahala siya. Naku, kung gusto niyang magcelebrate ng pasko kasama ang mga unan niya, well don't count me in. BecauZze I have many more boys to catch! Fighting Amy! FIGHTING!!!
Mark's POV
"Miss Exclamation Mark, why did you disappear again?" Narinig kong sinabi niya habang pinagdridrive ko siya. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana niya na ewan kung ang kinakausap niya ay yung salamin ng bintana o yung pintuan ng kotse niya. Napaka weird na naman niya. Maya't maya ngingiti siya, hay naku talaga ganun ata talaga ang pakiramdam pag katatapos maglabas ng sama ng loob.
Oh, pano ko nalaman?
Kasi kanina bigla niya akong tinawagan at sinabing.
"5 minutes, bring me the most expensive towel."
Syempre dahil masunurin ako, agad ko siyang dinalhan ng pinakamahal na towel. Pagkadating ko, wala siyang sinabi, basta lumabas siya ng pintuan at lumingon–lingon sa paligid.
Tinanong pa nga niya ako eh, kaso hindi niya itinuloy. Sabi niya, "Have you seen a wo----" yun lang, at pagkatapos, dumeretso na siya papalabas ng Zeffa Corp. Ano naman kaya yung "Have you seen a wo----?"
"Mr. President? Director Choi asked if he can turn on the Surveillance cameras now?" I asked him.
"Not yet. I'll call him when I want it to have it turned on."
"Yes Mr. President."
Oh yes, pinahinto lang naman niya kanina ang pag-ooperate ng CCTV cameras sa loob ng building.
Bago siya pumunta kanina sa Zeffa Corp., tinawagan na niya si Director Choi at inutos yun. Ewan ko ba kung bakit niya yun pinagawa. May ginawa ba siya kanina na ayaw niyang makita ng ibang tao? Kung sa bagay, ano pa bang nakapagtataka eh talaga naman nang ganun ang ugali ng lalakeng ito. Kasi nga daw siya si Mighty Zeffa.. Tsk, kung makaasta daig pa niya and dictador eh.
"Secretary Lopez?"
Yiii. Nang tinawag niya ang pangalan ko, nagsitayuan ang balahibo ko. Kasi, akala ko narinig niya yung sinasabi ko sa utak ko. Tinignan ko siya kung galit siya. Hay.. mukhang hindi naman niya narinig. Buti nalang..
"Yes Mr. President?"
"I want you to tell him that I need a remote control that I can freely use to turn on and off the cameras when I need to. It's something I need. And I need you to give it to me as soon as possible. Okay?"
ANO DAW!!!!?????
Amy's POV
After 5 hours..
"Ate,--"
"Tumigil ka at sumakay ka na sa kotse." Sambit ko sa kanya. Tsk, kanina pa ako kulit na kulit sa kanya. Hirap na hirap ko siyang kinumbinsing sumama ulit sa akin pabalik ng Zeffa Corp., tapos ngayon sasabihin na naman niyang ayaw niyang sumama?
Hay, ano ba kasing kinakatakot niya dun, eh palagi naman siyang napapadpad dun! Babalik kami, kasi kanina ininvite kami ni Mr. Kim sa isang pagsasalo, doon mismo sa loob ng TV Station. Well, for Christmas celebration of course. Syempre para masaya, umoO naman kami ni Andie. Oo kaming dalawa ni Andie ang ininvite niya, tuwang tuwa pa nga siya kanina eh, kaya ewan ko ba ngayon kung bakit bigla siyang tumamlay.
BINABASA MO ANG
The Rose: Mistaken Identity (Book 1 of THE ROSE Pentalogy) COMPLETED
HumorHello Roses! After a three year hiatus, I am finally back! To the readers of The Rose, I apologize for the not updating the story for a long time - really long time. I was busy at work and school, and so I had to postpone updating it. A family memb...