CHAPTER 0092
Amy's POV
"Hay, ang ganda talaga nang billboard ko hindi ba, Andie?"
Tanong ko kay Andie habang pinagmamasdan ko ang aking napaka-ganda at napaka-laking billbord! Oo, tama ang dinig niyo! May billboard ako!!! Mwahahaha, akala niyo pipichugin ako no!? Hindi kaya! Ako lang naman ang face of Zeffa Corporation!
Hay, kailan kaya ako makakauwi sa probinsya namin para naman maipakita ko sa Lolo at Lola ko ang picture ko katabi nang billboard ko!? Yii! Excited na ako! Konting ipon na lang at makakauwi na rin ako!
"Yup, maganda, pero siympre maganda rin yung billboard na nasa likod nang billboard mo, hindi ba? Oi Ate, picturan mo rin ako katabi nang billboard ko para naman maipakita mo rin kina Lolo at Lola!"
"Suntok gusto mo!?"
"Sabi ko nga, tatahimik na ako."
Pff, kahit kailan talaga! Ang lakas manira nang trip nitong si Andie! Pwede namang umoO nalang siya! Kailangan pa talaga niyang ibida rin ang sarili niya!
Oo tama, ang sarili niya! Dahil sa likod nang billboard ko, ay may billboard din siya! Baligtaran ang billboard namin! Yun sa kanya, tanaw pag nasa rooftop! At yung billboard niya ang dahilan kung bakit palagi siyang nasa rooftop, kasi gandang ganda siya sa sarili niya! Hmff!
"Oh, at anong nginingiti-ngiti mo!?"
Tanong ko nang napadaan kami sa isa pang billboard namin! Oo, nagkalat ang billboard namin! Kasi sikat si Andie.. Este, ako! Sikat ako! Pff!!!
"Wala lang, masama bang ngumiti pag nakikita ko ang mukha natin?"
"Hindi!"
"Hindi pala eh.. Sige Ate, mag-drive ka na nga nang makauwi na tayo."
"Inuutusan mo ako!?"
"Hindi ah.."
"Anong hindi!? Eh minamadali mo ako!"
"Ganun ba ang dating nang tono ko?"
"Oo, ganun!"
"Alam mo ate, mayroon kasi ngayong bagong ipapatayong billboard ko. Eh, kung hindi mo ako sisimangutan, baka.. ma-isuggest ulit kita. Alam mo na, para makasama sa billboard ko. "
"So, ano! Sinasabi mong kung wala ka, hindi sana ako ang napiling makasama mo sa billboard, dahil pangit ako, ganon!?"
"Ganun ba ang dating nang tono ko?"
"Sa pangalawang pagkaaktaon! Oo, ganun!"
"Hmm.. okay. Sorry." Sambit niya habang nakangiti! Aba talagang...! Dinedeadman na naman niya ako! ArgGg! Naku...! Palagi nalang ako ang talo! Kung hindi ko lang napanalunan sa binggo itong kotse ko, kanina ko pa ito binagga para takutin siya! Naku...! Pasalamat siya at mabait ako!
"Oi, Ate Amy?" Tawag niya sa attensyon ko nang napansin niyang iniiwas ko ang salamin sa mukha ko! Oo, iniwas ko ang salamin dahil pag nagagalit ako, ayokong nakikita ang sarili ko dahil.. dahil nagiging kamukha ko si...! AhHh! Hindi ko pwedeng sabihin! Di bale nang tumaob itong kotse ko, kesa amining nagiging kamukha ko si---
"Doreamon!"
0_0
Si.sinigaw niya! ArgGgG! ANDIE LEE!!!!
"Ate..!" Tumawa siya. Talagang...! "Kamukha mo si Doreamon! Ahahahah! Ayan na naman! Nagfoform na naman yang whiskers sa mukha mo!"
(╬ಠ益ಠ)
"Ate.. Ahahaha!" Hinampas niya ako! ArgGg! Talagang...! Hampasin ba naman ko eh nag-dridrive ako! "Nakakatawa ka talaga! Ahahah!" Hinampas ulit niya ako! Masakit na ha! Masakit na! "Para ka talagang bata! How can you be afraid of ghost! Ahahaha! Nakakatawa ka talaga!"
Ano daw!?
"Ang laki-laki mo na takot ka pa rin sa multo!? Boohoo! I'm a ghost! Ahahaha!"
"Ghost!?" Sigaw ko! Anong pinagsasabi nito!?
"Oo multo! Bakit.. ikaw ba---" Hindi niya naituloy yung sinabi niya nang nakita niya ang facial expression kong takang-taka sa pinagsasabi niya! Unti unti siyang tumigil sa pagtawa. Ano, nababaliw na ba siya!?
"Anong ghost ang pinagsasabi mo!?"
"...Huh?" Sagot niya na akala mo ay wala siya sa kanyang sarili.
"Sabi ko, anong ghost ang kanina mo pa binabanggit!? Jusko Andie, tigil tigilan mo ako sa pananakot mo sa akin!"
"...Ghost?"
"Oo! At bakit kanina mo pa ako hinahampas!? Kailan ka pa natututong manghampas!?"
"Hi..nampas kita?"
"Oo! Masakit nga eh!" Sigaw ko sa kanya!
Hinihintay ko siyang sumagot pero blankong mukha lang ang sinagot niya sa akin. Pagkatapos, unti unti niyang iniliyad ang kanyang likod sa passenger's seat. Huh, so anong nangyari? May bumabagabag ba sa kanya? Tinignan ko ulit siya, at ngayon naman nakakunot ang noo niya. So tama nga ako, may bumabagabag sa kanya.
Tatanungin ko ulit sana siya pero pinangunahan niya ako.
"Ate?"
"Oh?" Sagot ko habang pinipilit kong ifocus ang atensiyon ko sa pag-dridrive.
"Sa tingin mo... Uhmm... Uhmm.. "
"Ano?"
Tanong ko. Bakit ba mukhang hirap na hirap siya sa tanong niya? Naku, itong si Andie.. mukhang...
Teka...!
Mukha siyang...!
Prineno ko ang sasakyan!
Wala akong pakialam kahit muntik nasubsob ang mukha niya!
"Ate! Bakit may nasagasaan ka ba!? Bakit!? Anong nangyari!?"
ANDIE LEE!!!
"Ate..ba...kit...! Oh, bakit nagiging kamukha mo nanaman si Doreamon!? Ano na naman ang nagawa ko!?"
Sagot niya habang hinaharang niya ang bag sa katawan niya! Kita mo na! Bakit niya dedepensahan ang sarili niya!? Guilty!!!
"Andie Lee!!!"
"A..amy H..ha!!!"
At may gana pa siyang gayahin ako!!!
"Umamin ka kung ayaw mong tuluyang maging ako si Doreamon!"
"A..ano ang aaminin ko!?"
Lub dub. Lub dub.
"Wag na wag kang mag-dedeny!"
Lub dub. Lub dub.
"De..deny ang a..ano!?"
Lub dub. Lub dub.
"Sabihin mo...!"
Lub dub. Lub dub.
"Ang ano!?"
Lub dub. Lub dub.
"Andie Lee....! Isang tanong isang sagot!"
Lub dub. Lub dub.
"A..ano nga yun!?
Lub dub. Lub dub.
"IN LOVE KA BA!?"
"...ANO!!!??"
BINABASA MO ANG
The Rose: Mistaken Identity (Book 1 of THE ROSE Pentalogy) COMPLETED
HumorHello Roses! After a three year hiatus, I am finally back! To the readers of The Rose, I apologize for the not updating the story for a long time - really long time. I was busy at work and school, and so I had to postpone updating it. A family memb...