CHAPTER 0038

487 20 4
                                    

CHAPTER 0038

Mr. Eric's POV

"Ano po!?" Sigaw nung babae.

"Oo, tama ang pagkakarinig mo."

"Hin..hindi kayo nagbibiro?"

"Bakit ako mag-bibiro? Kung mag-biro man ako sa tingin mo biro nga ang sinasabi ko?"

"Huh?"

"Wag kang mag-alala talagang libre ang pag-sakay mo. Kahit ilang beses ka pang sumakay, hindi mo kailangang mag-bayad."

"Pero Mr. Eric, panong nangyaring..."

"Sabihin nalang natin na ikaw ang maswerteng pang-isang daang customer. May promo kasi kaming kung sino ang pang 100th customer na pipila para bumili ng ticket ngayon siya ang makakakuha ng grand prize. Ride all you want."

"Ri..ride all you want?"

"Oo."

"U..unlimited?"

"Bakit away mo?"

"...Wag niyo po sanang mamasamain ang tanong ko.. Kinausap niya po ba kayo tungkol dito?"

"Nino?"

"Nung..kasama ko?"

"Ah, ni pogi? Hindi. May promo talaga kami. Ayan tignan mo yang poster sa likod."

"Sa likod?"

"Oo."

Tinignan niya yung poster sa likod.

"So... coincidence lang po ito kung ganun?"

"Oo naman. Bakit ano bang iniisip mo?"

"Uh, wala po. Kasi kanina..... Ah, pasensya na po kayo."

"Bakit away mo?"

"Gusto ko po! May naisip lang po kasi ako kanina kaya ganon.. Pero gusto ko po talaga!"

"Mabuti kung ganon! Aayusin ko lang ang lahat! Maghintay ka lang dito ng ilang minuto!"

"Te..teka Mr. Eric. may---"

"Sandali lang ako. Nandito naman yung boyfriend mo. Subukan niyo munang mag-usap habang wala ako huh? Maya–maya darating na din yun. O ayan na pala siya, sige maiwan ko muna kayo. "

"Mr. Eric---"

"Bye."

..

..

Sinara ko ang pintuan.

"Nasabi ko din sa wakas. Kakaiba talaga ang batang yun, rerentahan ang Ferris Wheel para sa isang babae" Sambit ko.

Pagkalabas namin kanina nung lalake agad-agad niya akong dinala sa likod ng office ko.

Ito ang napag usapan namin:

"Is your Ferris wheel available for rent?" Tanong niya nang nakalayo na kami. Dinala niya ako sa likuran ng office ko. Ano naman kaya ang napaka-importanteng sasabihin niya at kailangan pa niya akong dalhin sa lugar na di masyadong nasisikatan ng ilaw?

"Oo naman, madalas kaming nagpapalipat-lipat ng lokasyon, depende yun kung saan maraming tao, halimbawa kung saan may festival."

"That's not what I meant. Halimbawa, rerentahan ko yan dahil gusto ko ako lang ang gumamit niyan kasi ayokong makarinig ng sigawan ng mga tao."

"Huh? Ano bang sinasabi mo?" 

Sigawan ng mga tao? Tss, talagang hindi kagandahan ang tabas ng dila niya. At ano ba ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya? Hindi naman niya sinasabing may balak siyang rentahan ang buong gabi nitong ferris wheel di ba?

The Rose: Mistaken Identity (Book 1 of THE ROSE Pentalogy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon