#WRTheDate

4.8K 68 1
                                    


Andrew's POV

Hindi ko alam kong tama ba ang mga ginagawa ko ngayon. Pilit kong iniiwasan,pero di ko magawa. Mahal ko si Mia. Kung tutuusin asawa ko siya,pero hindi sa papel. Ramdam ko pa din na mahal ako ni Mia at napatawad na niya ako. Pero bakit maling pagkakataon pa? Bakit ngayon pa na may asawa na ako?

"Honey!" sigaw ni Demi mula sa kusina na abala sa pag hahanda ng almusal.

Hindi ko siya sinagot dahil nagbihis pa ako. Ngayon kasi ang araw na lalabas kami ni Mia. Syempre hindi alam ito ni Demi.

"kringg!"

agad kong sinagot ang tawag at kay Mia pa ito.

"Andrew,diba ngayon ang lakad natin?" sabi ni Mia sa kabilang linya

"Oo naman,hindi ko yun makalimutan." mahina kong sabi para di marinig ni Demi.

"Sege,sunduin mo nalang ako." at binaba na niya ito.

Agad na akong bumaba.

"Honey,may lakad ka?Diba wala kang trabaho ngayon?" sunod-sunod na tanong ni Demi.

"Ah,nangyaya kasi yung mga barkada ko sa high school" matipid kong sagot

"Ganon ba. Oh kain na." sabi niya sabay hila sa aking mga kamay papunta sa mesa.

Agad ko siyang pinigilan,kasi ayaw kong kumain ngayon baka malate ako.

"Ah sorry Demi kasi nagmamadali ako eh. May dadaanan pa kasi ako." palusot ko

Pumayag naman siya. Hinalikan niya ako sa labi para mag goodbye kiss. Pina dampi ko nalang ang labi ko sa kanya. Binilisan ko na ang pag takbo ng aking sasakyan. Hindi ko mapagkaila na super excited akong maka date si Mia.

Nung nasa harap na ako ng bahay nina Mia,tumawag agad ako sa kanya para makita ko na siya. Maya-maya pa bigla nalang siyang lumabas.

"Oh bakit?" tanong niya

Hindi ko mapigilan na tumitig sa kanya. Super ganda niya sa kanyang suot ngayon. Parang isang anghel ang kaharap ko ngayon.

Kinuha ko nalang ang kanyang kamay para mapasok na siya sa kotse. Pagkatapos non nagsimula na kaming umalis.

"Hoi,hindi moko sinagot sa tanong ko kanina?" pagtatampo niyang sabi

"Ang ganda mo kasi eh." nahihiya kong sabi.

Bigla nalang siyang umiwas ng tingin sa akin at binaba niya ito. Siguro kinilig siya o ano. Nakarating na kami sa isang restaurant. Pero siniguro ko na walang nakakilala sa amin sa lugar na yun. Ayaw ko pang mabuking ako.

"Wow Andrew ha,alas dyis palang pero dito na agad mo ako dinala." sabi niya habang umuopo

"Ah eh, wala kasi akong breakfast kaya nagutom ako,pero don't worry Mia I'll make sure that this day is one of the best day of us." hinawakan ko ang kanyang mga kamay at tinitigan siya. Dumating na ang aming order. Kumain na din siya dahil pinilit ko. Ayaw ko kasing ako lang ang mag-isang kumain.

"Andrew,saan tayo next?"sabi niya

"Ikaw? saan mo gusto sa park,o sa mall.?" sabi ko habang nag aayos.

"Pweding sa puntod nalang ni Daddy?" sabi niya na nahihiya pa

" Sure."

Pagdating namin sa puntod ng papa ni Mia,agad kong naalala ang lahat. Yung mga nagawa ko sa pamilya niya noon. Kung bakit nandito ang papa niya. Napansin ko na bigla siyang nagsalita.

"Dad, ito ulit si Andrew, kahit ayaw niyo po sa kanya pero ito magkasama kami."

Bigla akong na guilty

"Tito kong saan kaman ngayon,sana patawarin mo ako sa mga ginawa ko noon" sabi ko at sabay akbay kay Mia.

Alam ko ang lahat ng nangyari dahil sinabi yun lahat ni Mama nong nandon na kami sa America. Nagalit ako kay mama noon kung bakit niya nagawa iyon. Pero kung maalala niyo nong nandon ako sa prisinto para murahin ang papa ni Mia,hindi ko alam yun at naniwala ako sa pinakitang video sa akin ni Flor. Nagalit ako kay Tito Lito dahil akala ko siya talaga ang nagpahamak kay Mia pero hindi pala. Sa mga oras din yun,alam ko na sa sarili ko na mahal ko na si Mia.

"Hoi," biglang tapik ni Mia sa akin

Agad naman akong natauhan.

"Tara na," sabi niya

Umuo nalang ako. Nag simula na kaming pumunta sa isang resort dahil yun ang way para maka kita kami ng sunset,gusto daw kasi niyang makita yun. Pero since tanghali pa dun nalang daw kami maghintay. Pagkadating namin doon, pumunta kami sa isang kainan para kakain. Siya muna ang umorder at naiwan lang ako sa upuan.

Bigla nalang may tumawag sa akin sa cellphone ko,nang tiningnan ko iyon si Demi. Nagdadalawa ako kung sasagutin ba o hindi. Kaya sinagot ko nalang since wala pa si Mia.

"Hello?" sabi ko

"Kumusta Andrew?" sabi niya

"OK lang" sabi ko "Demi,ok lang ako kaya don't worry,hung out lang to ng mga kaibigan ko."nung napansin ko na naglakad na si Mia papunta sa akin agad ko itong binaba.

"Wow, angsarap naman niyan" pananabik kong sabi

Ngumiti lang siya. Siguro hindi niya napansin yung may tumawag sa akin. Kumain lang kami,nagkwentuhan at syempre hindi yun mawawala ang kiligan.

"Gala muna tayo" sabi ko

"Sege ikaw bahala" sabi niya

Nagsimula na kaming maglakad. Nung palabas na kami sa kinainan namin ay bigla nalang siyang natapilok mula sa hagdanan kaya napahawak siya sa akin. Agad ko naman siyang niligtas,yun nga lang dumampi ang kanyang labi sa labi ko at napahawak ako sa kanyang hinaharap. 

Wife's Revenge 2 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon