#WRLastFight

4.5K 53 6
                                    

Andrew's POV

Hindi ko alam kung bakit nangyari sa akin to. Pati ang anak ko,si Mia at gusto pa nilang isama ang mama ko. Kung sino man sila yun ang hindi ko alam. Ngayon hindi na ako mapalagay pa dahil nasa kamay na nila ang anak ko at si Mia at alam kong sinasaktan nila si Mia ngayon pati na ang anak ko.

"Andrew,si ang anak natin nawawala!" biglang sabi ni Demi habang sinasalubong ako sa hospital. "Akala ko naman na may gawing test ang anak ko kaya hinayaan kong sumama sa isang nurse!" iyak pa din ng iyak si Demi. Hindi ko din maiwasan na maawa sa kalagayan ni Demi dahil masakit yun para sa isang ina. 

"Demi,tumawag sa akin si Mia kanina at hawak din siya nang mga kidnapers,kasama niya ang anak natin!" sabi ko sakanya,kaya patuloy padin siya sa pag-iyak. "Pati si Mama gusto nilang isali sa gulong ito." mahinahon kong sabi.

"Ano? Pati sila na damay? Pero baki?"  pag-tatanong niya. "Diba kasama mo si Mia?" tanong niya ulit. Hindi ko din alam ang isasagot ko,hindi muna  yun importante ngayon dahil ang mas importante maligtas sila.

"Oo kasama ko siya, kaso bigla nalang siyang nawala."

"Kring"

Biglang may tumawag sa akin telepono. "Hello?"sabi ko

>"Hey Andrew,"< sabi ng isang boses ng babae ang kausap ko ngayon. >"Kanina pa kami dito naghihintay. Oh! gusto mo pa bang makuha ang anak mo? Don't forget to bring your mama's here! Bilisan niyo kasi may big revelation kami para sa inyo!Bye!". Hindi man lang niya ako pinagsalita at agad niyang pinutol ang tawag. Maya-maya pa ay biglang nagmamadaling tumakbo si Mama papunta sa amin. Pina alam ko na kasi kaya nandito na siya.

"Andrew,dalhin mo na ako dun." pag-alalang sabi ni Mama "At sino ba sila para saktan nila ang apo ko!?" dagdag pa niya.

"Sasama ako!" pagpresenta ni Demi. Hindi ko nalang siya binawalan at agad na kaming pumunta kung saan ang lugar na tinutukoy ng mga kidnapers. Kasama ang mga pulis namin sa likod,pero hindi muna sila magpapakita hanggat hindi namin na dadaan sa usapan. Kung pera man lang ang gusto nila para mabawi ang sila, sana nga lang pera ang gusto nila.

Hindi ko maiwasan na kabahan,lalong papalapit kami sa aming dating bahay lalong bumibigat ang aking dibdib. Sa sobrang pag-alala kay Mia at sa anak ko. Ng makarating na kami sa abandonadong bahay namin agad na kaming dumiritso. Pumasok kami sa isang gate. Pagkaharap namin sa main door ng aming bahay, rinig na rinig ko ang iyak ng aking anak kaya mas lalo akong nagalit sa kanila. Tiningnan ko si Demi na pilit nilalabanan ang mga takot niya sa puso. Mas lalong lumakas ang iyak ng aking anak kaya hindi na nakaya ni Demi na biglang tumakbo papuntang pintuan.

"Mga hayop kayo!" pilit niyang binuksan pero ayaw. "Pakawalan niyong anak ko!" sigaw pa din siya ng sigaw. Halos mamula na ang kanyang kamay sa kakatok ng pintuan.

"Tama na Demi." sabay yakap sa kanya. "Nandito tayo para makipagsundo sa kanila,kaya huwag kang magpakita ng galit." mga ilang minuto biglang bumukas ang pintuan at nakita niya kaming magkayakap. "Mia!" nakita ko si Mia na nasa harapan namin. Agad ko siyang tinakbo para mayakap. "Mia ok kalang?"pag-alala kong tanong. Niyakap niya din ako at biglang sumira ang malaking pintuan kaya bumitaw muna ako sa pagkayakap sa kanya. Bigla siyang lumakad kaya sumunod ako sa kanya. "Mia!" tawag ko at bumukas ang mga ilaw. Tiningnan ko si Mia sa aking harapan at tumingin lang din siya sa akin na walang emosyon. And this time may hinawakan siyang lubid at don naka bitay ang aking anak at ang nasa ibaba nito ay isang malaking container na puno ng tubig.  At kung mabitawan ito ni Mia ay tiyak na mahuhulog ang anak ko sa tubig.

"Anak ko!" sigaw ni Demi at tumakbo siya papunta sa anak namin kaso pinigilan ko.

"Mia! Anong ibig sabihin nito?" sigaw ni mama. May babae na boses na nanggaling din sa likod namin ang bilang sumingit.

"Long time no see Cora." sabi niya kaya nakuha ang atensyon namin. Gulat kami pareho dahil si Tita Celia ito."Welcome to hell!"sabi pa niya "By the way,may ipakilala ako sa inyo and i guess kilala niyo na siya. Siya pala si Flor!" hindi ko siya maintindihan,dahil patay na si Flor,hinihintay ko kung may lumabas ba na Flor pero wala.

"Hi I'm Flor Jeminez!" kaya napatingin ulit kami sa aming likuran, hinanap ko kung sino ang nagsasalita ngunit wala padin akong Flor na makita. "Hi Andrew!" sabi ni Mia "Hindi mo padin ba na gets?" dagdag pa niya and mas lalong akong nagulat dahil mas binababa niya si Baby Devi. Hindi ko maiwasan na may mga luhang tumulo sa aking mata.

"Nasaan si Mia?" mahinahon kong sabi na nanginginig na sa galit.

"Well, two years ago nandon na siya sa heaven!" sabi niya. Sinara ko ang aking kamay tanda na sa sobrang galit. "Naalala mo yun si Nadine? ako yun si Flor at ngayon nagpapanggap naman na si Mia!" sabi pa niya na tinaas baba niya ang pisi kaya mas lalong hindi ako makapalagay. Patay na pala si Mia kaya mas lalong lumakas ang aking luha sa sobrang sakit ng aking puso. Ang babaeng mahal ko ay patay na. "Thanks for the love Andrew,kahit papaano naramdaman ko ulit ang minahal kahit hindi si Flor ang minahal mo pero atleast puki ko pa din ang dinilaan mo!" sabi niya. Pumunta si Celia sa harapan at siya naman ang naghawak ng lubid.

"Anong kailangan niyo?" sigaw ni Demi. Hindi man lang kami maka lapit sa kanila dahil kahit anong oras kaya nilang patayin ang anak ko.

"Oh Demi,buti nagsalita kapa,akala ko iiyak ka nalang hanggang sa huli!" sabay pulot ng isang baril sa mesa si Mia. "Actually Demi, hindi ka naman kasali sa paghihiganti ko eh kaya safe ka dito,yun nga lang anak mo ang kapalit.!" dagdag pa niya. "Opps, don't tell me Andrew, kay Demi ka ulit magpaparaos dahil alam mo na ngayon na wala na si Mia?" nakayuko lang ako sa sobrang galit.

"Bakit mo ginagawa sa akin ito?" tanong ko sa kanya

"Dahil iniwan mo ako. Akala ko kakampi niyo ako! Ikaw Cora,diba sabi mo na pagkatapos mong mapabagsak ang pamilya ni Mia,ipapakasal mo na ako kay Andrew!? Pero ano? Tinapon mo lang ako! At ikaw Andrew nangako ka sa akin na ako lang ang mamahalin mo, kahit na magpapanggap ka na mahal mo si Mia dahil parte lang yun ng plano pero ano? naging totoo. Minahal mo siya at akoy iyong binasura!" palakad lakad niyang sabi,ngunit tumigil siya sa harap ni Mama at laking gulat ko na tinnutukan na niya ito ng baril. "Sege! kung sino mang tumulong sa inyong dalawa sa matandang ito ay ang kapalit ay anak niyo! hahaha!" maluha luha na si Mama at awang awa na ako sa kanya. Hindi ko din naman pweding kunin ang baril baka tuluyan nilang mabitawan ang lubid na kumunekta sa aking anak at possibling malunod siya sa tubig. At kung iputok niya ang baril yun na ang oras para pumasok ang mga pulis.

"Flor,patayin mo na yan!" sigaw ni Celia. "Gusto mo ako ang pumatay jan at ikaw ang humawak dito sa anak ng x mo!"

"Ikaw Demi, gusto mo ba kaming mag exchange? Anong gusto mo? si Celia ang unang lumakad papunta dito o ako?" sabi ni Mia ang ngayon umiiyak na ang aking anak. Nakita ko na tinuslaw-tuslaw ni Celia ang anak ko sa tubig kaya ito umiiyak.

"Tama na!" biglang sigaw ni Demi. Biglang binitawan ni Flor si Mama at nagpalit sila ng posisyon ni Celia.

"Celia,ipalapit mo sa akin yang tanda na yan!" at agad niya itong pinalapit at tinutukan ulit ng baril si Mama. "Say your last word Cora!" sobrang takot na si Mama at ramdam ko din na wala ng pag-asa kay pinikit kong mata ko.

"Flor patawad!" kasabay nun ang isang putok ng baril kaya agad kong sinalo si Mama.

"Mama!" umiiyak ako ngayon na may halong galit. "Mama! gumising ka!" nang naramdaman ko na tumigil na ang pagpitik ng kanyang puso ay inalog alog ko siya at iyak lang ako ng iyak. At biglang bumukas ang pintuan at pinaputokan ang target. Nakita ko kung paano natumba si Flor kasabay ang pagbitaw niya sa lubid at pagkahulog ng aking anak.

Wife's Revenge 2 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon