#WRHide

3.8K 54 1
                                    


Andrew's POV

Tama ba tong desisyon ko na hiwalayan si Demi? Alam kong minahal niya ako pero hindi ko talaga kayang mahalin sya lalo na na nandito na si Mia. Ayaw kong masaktan si Mia dahil tinago ko lahat sa kanya na may asawa na ako,kaya lilinisin ko ang kalat na nagawa ko. Hihiwalayan ko na talaga si Demi para kay Mia and I made it,because i already tell Demi about the annulment papers. Alam kong nasaktan siya ngayon dahil sa mga sinabi ko lalo na sa binigay ko sa kanya na isang araw na sagot lang. Oo nagmamadali akong hiwalayan si Demi para wala ng hadlang sa amin ni Mia at para wala na ding dahilan pa na magalit si Mia sa akin. Buti pa tawagan ko nalang si Mia.

"Hi baby ko!" panimula kong sabi. Sigurado naman ako na kinilig siya sa sinabi ko

>"Ah, ganun! So baby na pala ako ngayon?"< sagot naman niya sa akin

"Bakit ayaw mo? Sobra bang sweet baby ko?" pambibiro ko. "So ano ang gusto mong itawag sayo?At ano ang gusto mong itawag sa akin?" dagdag ko pa.

Bigla nalang siyang napatigil. >"Ahmm,siguro D nalang ang itawag ko sa iyo. And gusto kong tawagin mo din ako ng M, Ok ba yun?"< .di nalang ako umayaw,mukhang mas sweet naman yun eh.

"M,I love you." hindi ko nalang siya pinasalita pa. "M, samahan mo naman ako sa Gaga's hotel,may ibibigay lang ako doon. Pagkatapos nun date tayo." sabay ngisi. Kahit hindi ko nakikita si Mia ngayon pero alam kong masaya siya.

>"Promise mo ha? Date tayo pagkatapos! At nandito pala ako sa bahay ng kaibigan ko ngayon,malapit lang ito sa Gaga hotel kaya bilisan mo ha!" sabi niya at agad niya itong binaba. Sobrang saya ko ngayon,dahil sa pangalawang pagkakataon mag dedate kami.Napaisip nalang ako na bigyan ko siya ng surpresa.

Agad akong nagbihis. Habang palabas na sana ako sa kwarto ko,may nakita nalang akong isang brown envelope. Agad ko itong tiningnan ang laman nito.

"What the f*ck!" bulong ko sa aking sarili. So totoo pala yun,akala ko hindi. Argg..parang may sisira na naman sa aking plano nito. At ngayon alam ko na ang sagot ni Demi,hindi siya papayag na maghiwalay kami lalo na buntis siya ngayon. I hate my self.

Nilagay ko nalang ang envelope at bumaba na ako para sunduin si Mia. Saktong sakto naman ang dating dahil kakalabas lang niya. Pero bakit naman kaya nandito si Mia? As expected mukha talaga siyang excited dahil nakabihis siya ng formal na damit at sobrang ganda niya ngayon.

"Can i take the your hand my Beautiful Angel and ofcourse my M?" sabi ko na naka aksyon pa na parang pang fairy tale.

"Well,i have no choice. Sabi mo kasi D eh," agad ko itong hinawakan at inalalayan papuntang kotse. "Teka lang D,kailangan ba talaga akong pumunta doon sa loob ng hotel?" tanong niya

"Pwede din,pero pag tinamad ka na,doon kanalang sa loob ng sasakyan,hindi naman ako magtatagal doon." Nagsimula na akong magmaneho at ilang minuto lang narating na namin ang Gaga's Hotel.

"So,dito kalang M,ha! ibibigay ko lang ito." tumango naman siya at bumaba na ako.

---

Mga halos 30 minutes akong nasa loob ng hotel,kasi pinaghintay pa ako. Actually sa amin itong hotel,kay mama. May inutos kasi si mama sa akin na ipabigay ito sa head ng hotel. Bumaba na sana ako ng bigla ko nalang nakita si Demi na lumabas ng kotse niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ngayon sa pwedeng mangyari sa akin lalo na kay Mia. Huminto muna ako at nagtago sa isang poste at tinitingnan si Demi. Mukhang nakita ata niya ang sasakyan ko kaya siya tingin ng tingin sa kotse ko. No! It can't be! sana hindi siya mapansin ni Mia. Mga ilang minuto pa pero hindi parin pumasok si Demi sa loob ng hotel at lalo akong nangamba ngayon dahil bigla siyang naglakad papunta sa kotse ko. Paano na ito? Paano kung mahalata na siya ni Mia at lalabas si Mia? Sigurado akong magagalit si Demi.

Nagisip muna ako ng paraan. Kinuha ko yung cellphone ko at dinayal ang number ni Demi.>"Kriiing"< Plss sagutin mo. Halos mabaliw na ako ngayon dahil walang Demi na sumasagot sa akin.

"Manong,please papasukin niyo si Demi dito,sabihin mo na naghihintay sa kanya si Andrew sa loob." ito nalang ang naisip ko. Nagsilbing daan si manong guard para makaalis si Demi sa kotse nayan. And this time gumana ito. Nakahinga ako ng malalim. Nakita ko sa mga mata ni Demi na may mga luha pa ito,siguro nalasing siya ngayon. Bigla nalang akong nakaramdam ng guilt toward sa kanya.

Pagkatapos nun,pinuntahan ko agad si Mia. Kaso bigla nalang siyang lumabas sa kotse.

"Hoi,ang tagal mo!"sigaw niya at ramdam ko na naiinip na siya. Binigyan ko nalang siya ng smile at agad ko itong pina pasok.

"Sorry na my angel and my one and only M."

"Ikaw talaga,buti mahal kita!" bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil i lied again kay Mia. Kaya linisin ko itong kalat ko,sa lalong madaling panahon kailangan mahiwalay na ako kay Demi. "D,may napansin akong babae kanina na tingin ng tingin sa kotse mo,buti nalang dumating si manong guard,kung hindi pa lumabas na sana ako." at this time hindi na ako kinabahan dahil solve na ang kaso. Kaya umalis na kami at para makapagsimula ng date namin.

Wife's Revenge 2 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon