Mia's POV
"Anak" bigla nalang akong napatayo sa aking pagkahiga. "Panaginip lang pala." huminga ako ng malalim. Ang wierd pero napanaginipan ko si Nicole ang anak ko. Tumayo ako at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Paglabas ko ng kwarto, tiningnan ko muna ang oras, gabi pa pala. Hindi ako natatakot pero ng dahil sa aking panaginip bigla nalang nag-iba ang aking naramdaman. Kaya nagmadali akong kumuha ng baso at nilagyan ito ng tubig. Dali-dali ko itong ininom. Ilagay ko sana ang baso sa mesa ng bigla nalang may humawak sa aking balikat kaya nabitawan ko ito sa sobrang gulat. Hindi ko tiningnan ang aking likoran at dali-daling pumunta sa kwarto ko, ngunit hindi ko rin napansin na natapakan ko napala ang basag na baso. Sobrang takot ko ngayon kaya hindi ko napansin ang sakit sa aking paa. Ng nasa kama na ako noon ko nalang naramdaman ang hapdi. Naramdaman ko ulit na may humawak sa akin,kaya tiningnan ko ito mula sa likod. "Daddy!" gulat kong sabi.
s
"Huwag.! Huwag.!"Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Sobrang kaba ko ngayon. Hindi ako makagalaw. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin hanggang sa bigla siyang sumigaw na "HUWAG!" sa sobrang lakas napasigaw nalang ako sabay pikit ng aking mata....
"Ahhhh.!"bigla kong sigaw sabay tayo sa aking kama. "Muntik na ako dun ah." pagkasabi ko nun bigla nalang ng ring ang phone ko. "Hello?"
"Si Demi to,noong kaibigan ni Andrew. Please puntahan mo ako dito sa hospital dahil si Andrew..." nag-alala niyang sabi. "Si Andrew, inatake sa puso. Nasa emergency room sya ngayon."
Pinutol na niya ito,at hindi ko alam kong anong gagawin ko. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko ngayon. Ito ba ang ibig ipahiwatig ng panaginip ko? Kaya dali-dali akong pumunta sa hospital. Malapit naman iyon dahil naka transfer na ako ng trabaho at bahay kahapon. Ng malapit na ako sa hospital, may nag text sa akin.
>Mia, si Demi ito. Nandito na si Andrew sa private room. Underobservation siya ngayon."<
Kaya naka hinga ako ng maluwag. Kaya pinuntahan ko ang room na sinabi ng kaibigan niya. Pagbukas ko ng door,nakita ko ang kaibigan ni Andrew na nakaupo. Kaya naglakad ako papunta sa kanya.
"Mia,paano kung mamatay si Andrew." seryosong sabi niya. Tiningnan ko siya ng masama. Hindi ko maiwasan na maluha sa tanong niya.
"Ano ka ba? Sino ka ba? Hindi mamatay si Andrew.!" hindi ko maiwasan ang emosyon ko kaya bigla kong niyakap si Andrew mula sa pagkahiga niya.
"Sana nga hindi."Tiningnan ko ulit siya. Grabe tong babaeng ito."Sege alis na ako. By the way, congrats para sa inyo ni Andrew." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Congrats? Huh? para sa nangyari ngayon ni Andrew? Anong klaseng kaibigan siya? Sinamaan ko nalang siya ng tingin hanggang nasara na niya ang door. Bumalik akong tumingin kay Andrew, na ikinagulat ko dahil ngumiti siya.
"Ok ka lang?" pag-alala kong sabi
Huminga siya ng malalim,kaya gulat na gulat ako. Tapos tumayo at nagsimulang maglakad papuntang cabinet at may kinuha siyang isang kahon. Napa nganga nalang ako sa nangyari. Binuksan niya ang isang kabinet at mas lalong lumaki ang mata ko ng makita ko ang isang kumpol na rosas.
"Ahem."panimula niya "Alam kong weird pero ok naman diba?"Hindi ko alam kong matutuwa ba ako o magagalit. I smell something na ikakatuwa ko. Inayos ko ang tindig ko dahil naglalakad sya papunta sa akin. "Hindi mo naman ako i reject diba?" dagdag pa niya. Pinunasan ko muna ang mga luha ko at nginitian siya. "Mia Santos, will you be my forever and ever and ever and ev..." hindi ko na siya pinatapos, hinalikan ko na siya na ikinagulat naman niya.
"Grabe Andrew,alam mo bang sobrang kinabahan ako dahil sabi ng kaibigan mo na inataki ka. Grabe ka.!" pagtatampo ko sa kanya
"I love you. " sagot lang niya.
"Hoi, Andrew ha."
"Mia," bigla nalang sumeryoso ang mukha ni Andrew.
"Mia, salamat dahil ako ang pinili mo na makasama habang buhay."
"Ganun kita kamahal Andrew,kaya huwag mo lang akong saktan o lukuhin." bigla nalang may luhang tumulo sa kanyang mga mata."Bakit" tanong ko
"Wala,masaya lang ako Mia dahil maging Torres kana."
BINABASA MO ANG
Wife's Revenge 2 [Completed]
RomanceThis story contains a dramatic scene and romantic bed scene.