Demi's POV
"Demi,halika na" tawag sa akin ni Mia. "Kain na tayo!" hindi ko inakala na ganun pala ka bait at maalaga si Mia,kaya walang duda na nahulog talaga si Andrew sa kanya.
"Sege!" sagot ko "Magbihis muna ako.!" since ngayong araw na ito ay pupunta ako sa hospital para may asikasuhin ako sa panganganak ko. Actually kabuwanan ko na ngayon kaya konting tiis nalang lalabas na si Baby Devi. Ayaw ko munang problemahin ang problema na ako mismo ang may gawa. Ng matapos na akong magbihis pumunta agad ako sa kusina para samahan si Mia. "Oh saan si Andrew?" tanong ko ng mapansin ko na wala si Andrew.
"Ah may seminar sila, mga one week."sagot naman niyya. "At tsaka wala naman akong pasok ngayon,sasamhan nalang kita sa pagpunta mo sa hospital." pag presentar niya. Kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko iyon. Hindi pwede! Hindi alam ng mga taga hospital ang kwento namin. At akala nila ako padin ang asawa ni Andrew at alam nila na si Andrew ang ama ng dinadala ko. Kaya hindi pwede.
"Mia,nakakahiya naman sayo."panimula ko. "Ako nalang siguro ang pupunta,total kaya ko naman eh"
"Naku Demi,sasama ako sayo" pilit niyang sabi "Baka ano pang mangyari sayo sa daan. Kabuwanan mo pa naman." sabi niya ulit. Paano na ito? Mukhang interesado talaga siya. Ayaw ko namang magkagulo sila Mia at Andrew lalo pa ngayon. "Oh eto oh, masarap yan at pure vege talaga yan." nilagyan niya akong ng pagkain sa aking plato. "Oh kain na."
"Salamat." tipid kong sagot. Ngayon alam ko na ang gagawin ko. Hindi ko na pipilitin si Andrew para sa akin. Dahil si Andrew para kay Mia at si Mia para kay Andrew.
"Demi, tanong ko lang. Saan ba kasi ang papa ng anak mo? Ang sama naman niya na mas kailangan ka niya ngayon." kaya napatigil ako sa pag subo ng aking pagkain. Hindi ko alam kong anong isasagot ko dahil lungkot lang ang bumalot pag pumasok iyon sa aking utak. Alam kong si Andrew ang ama ng anak ko,pero hindi naman talaga ako minahal ni Andrew at alam ko iyon. Kung tutuusin nga ako ang mas may karapatan dahil ako ang unang asawa. Pero naintindihan ko din si Andrew kaya siguro pinalaya ko siya. Ayaw ko namang masaktan si Mia ng dahil sa akin.
"Ahm,kasi..." sasagot na sana ako ng biglang nakaramdam ako na may tubig na lumabas sa aking pag-aari. "Mia,manganganak na ata ako." pagtataranta kong sabi. Kaya hindi rin maiwasan na mataranta si Mia. Unti-unti kong naramdaman ang sakit kaya hindi ko maiwasan na mapasigaw.
----
Sa bawat pangyayari alam kong si Mia ang tumulong sa akin.
"Congrats Doc. Torres!" sabi ng isang nurse sa akin. Nandito pala ako sa hospital at ng dahil yun kay Mia. "Doc,ang mister niyo po paparating na, tinawagan kasi namin ni Mia,yung naghatid sa yo dito." kaya gulat na gulat ako sa sinabi niya. Hindi pwede ito.
"Saan si Mia?" tanong ko sa kanya
"Nasa labas po. May bibilhin lang po siya kaya lumabas pero babalik naman ata siya kasi iniwan niya yun bag niya." pagtingin ko sa may upuan nandon ang bag niya. Palakas ng palakas ang tibok ng aking dibdib na parang sasabog na. "Sege po doc.Babalikan nalang po kita mamaya para ihatid ang baby niyo." sinirado na niya ang pinto kaya hindi ko maiwasan na pumatak ang aking mga luha. Dapat masaya ako ngayon pero hindi ko kaya dahil alam kong nasasaktan si Mia ngayon.
"Demi, gising kana pala." sobrang gulat ko noong bumati siya sa akin. "Ito oh, mga prutas kainin mo yan!" sabi niya. Alam kong alam na niya ang totoo pero bakit ganyan pa din niya ako tinatrato. "Hoi bat tumulo ang mga luha mo?" hindi ko na to papalampasin para matapos na ang lahat.
"Mia,alam kong alam mo ang totoo..." panimula ko
"Oo alam ko!" singit niya sa akin. "Alam ko ang lahat Demi." sabay ngiti sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wala! Ano kaba. Ok lang yun as long as malusog ang bata niyo ng asawa ko.!" sabay ngiti ulit. Sa bagay kong alam niya talaga na ako ang una kaya hindi siguro siya nagalit.
"Mia I'm really sorry na itinago ko sayo ang katutuhanan."sabi ko this time hindi ko mapigilan na maiyak
"No it's not your fault Demi, it's Andrew's fault" pagkasabing-pagkasabi niya biglang bumukas ang pintuan at laking gulat ko na si Andrew ang dumating. Dali-dali siyang pumunta kay Mia
"I'm sorry Mia. Im really sorry!" yung ang mga katagang nailabas niya kay Mia. Habang si Mia ay parang walang emosyon lang.
"Oy grabe siya. Mas inuna pa talaga niyang mag sorry keysa kumustahin si Demi!" sabi niya sabay kagat ng isang mansanas. "Alam mo Andrew, kung matalino kalang sana,pero hindi eh.!" sabay nguya sa mansanas. Hindi talaga maintindihan si Mia ngayon. "This is the time that I been waiting for!" dagdag pa niya
"Mia hindi ko naman binalak na mahalin ka!" sagot ni Andrew. Gusto kong ipagtanggol si Andrew para mapatawad siya ni Mia pero wala akong lakas na kausapin ngayon si Mia. Hanngang sa may isang nurse ang pumasok sa kwarto dala na ang anak ko. Napatigil si Andrew at si Mia at napalitan ang loob ko ng tuwa ng makita ko ang anak ko. Tumingin lang si Andrew habang pinapahiga ang anak ko sa gilid ko.
"Oy Doc. Ang ganda ganda ng anak mo!" sabi ng nurse
"Syempre ang gwapo at maganda ang lahi niyan!" sabay singit ni Mia
"Oo nga po eh" lumabas na ang nurse at kaming apat nalang ang naiwan.
"Oy baby Devi, pakarga naman Demi." sabi ni Mia na ikinagugulat ko. Kaya binigay ko ang anak ko sa kanya. "Ang ganda-ganda talaga" puri ng puri si Mia sa anak ko habang naka tingin lang kami ni Andrew sa kay Mia.
BINABASA MO ANG
Wife's Revenge 2 [Completed]
RomanceThis story contains a dramatic scene and romantic bed scene.