#WRFirstMeet

3K 49 0
                                    

Mia's POV

Halos ilang araw ko nang hindi nakikita si Andrew. Namis ko na tuloy siya. Sa cellphone nga lang kami nag-uusap,sabi niya busy daw siya sa trabaho niya bilang doctor andami rawng pasyente. Naalala ko tuloy yung gabing para akong hindi ako. Iwan ko kung bakit ko yun nagawa,yung pag blow job. Pero nice experience naman kaso nga lang nakakangalay ng bibig. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti pag naalala ko yung nangyari sa loob ng kotse niya. Gusto ko nga siyang puntahan ngayon sa hospital kaso lang may papirmahan pa ako sa supervisor namin para sa paglipat ko ng bagong school.

Pumunta na ako ng school kasi nandoon pa ang head ng department namin at tsaka ang school supervisor. Agad akong tinawag ni Riza nung pagpasok ko ng gate.

"Mia!"sigaw niya. Palapit siya ng palapit sa akin kaya huminto nalang ako. "Hoi,ma mimis kita!"sabi niya. Binigyan ko lang siya ng ngiti. "Teka,alam na ba to ni Ken?" biglang tanong niya kaya napatigil ako at biglang naalala si Ken,nung mga panahon na nasaktan ko siya.

"Hindi pa eh."tipid kong sagot at nagsimula na kaming maglakad papunta sa opisina ng aming head. Ng nakarating na kami,kunting chika at tawanan at hindi namin nadama na tanghali na pala. "It's time to lunch na."sabi ko kay Riza. Tumango naman siya at kumain na kami.

"Mia,bonding naman tayo. Punta tayo ng mall?" napa huh nalang ako sa  kanya. Seryoso ba siya ang layo kaya ng mall sa lugar namin. "Dun nalang tayo sa city mag over night total aalis kana sa lugar natin at hindi na kita maka trabaho,and gusto ko ding mag malling na kasama ka."dagdag pa niya. Hindi ko nalang siya pinansin at kumain pa din ako."Hoi?"kaya napatingin ako sa kanya

"ok."sagot ko.kaya halos mapatalon siya sa sinagot ko.

"Gusto mo ngayon na tayo pupunta? Total over night naman to teh eh." Ano pa bang magagawa ko kaya ayun nagsimula na kaming sumakay ng bus papuntang city. Halos 2-3 hours yun kaya mga 3-4 na kaming makarating dun.

Sa wakas,nakarating na kami na halos nawala lahat ng energy namin. Pero ayun biglang bumalik ng nakalanghap kami ng hangin ng syudad. Agad kaming pumunta sa isang mall.

"Ayun!" agad naming pinunta ang section ng mga damit. Ang daming sobrang ganda. Halos nga bagay sa akin lahat,pero ayun tipid-tipid. Naglibot-libot kami ni Riza. Ang dami na niyang nabili at ako medyo konti lang. Biglang may umagaw ng aking tingin at yun ay isang bag na naka display sa loob ng isang box ng salamin. Siguro mahal yun,kaya pumunta ako dun para tingnan. Kulay pula at sobrang ganda,bagay talaga sa akin and gusto ko na siyang bilhin kahit may kamahalan. Tinawag ko yung sales lady para kunin yun.

"Ah miss excuse me?" singit ko agad sa kanya. Dahil napansin ko na may isang babae na siya na mismo ang nag kuha ng bag. Kaya ko siya tinawag. Binigyan niya lang ako ng huh look,kaya agad na akong lumapit sa kanya. "Miss,ako po yung naka una."sabi ko kaya bigla siyang napatingin sa akin.

"Ah,gusto mo?" hindi ba halata?Nako,ang boba siguro niya.

"Oo,ako kasi yung na una." mahinahon kong sabi

"Talaga?"at hinarap niya ako. "Sorry miss huh,kasi mukhang ako na ata ang naka una at unang nakahawak sa kanya."sabi niya

"Ah,miss baka may iba pa silang stock nito.?"pag suggest ko sa kanya.

"Miss,nabalitaan ko kasi na ito nalang yun ang huling stock nila,kaya hindi ko na to bibitawan pa." ngayon mataray na siya at hinawakan niya ang bag.

Ano pa bang magagawa ko? Ayaw ko namang makipag away sa isang bag lang dito pa sa public place,parang hindi ata ako isang guro. Bigla namang tumawag si Riza sa akin mula sa likod kaya iniwan ko nalang yung babae. Siguro hindi talaga para sa akin ang bag na yun. Sayang..

Pagkatapos naming mamili,agad kaming kumain sa isang restaurant ni Riza. After nun,diritso na kaming pumunta sa isang hotel para makapag relax na.

>Krinnngg< biglang tumunog ang cellphone ko

"Andrew? napatawag ka?" tuwa kong sabi

>"I love you."< kaya hindi ko maitago ang kilig.Mukhang nalaman naman niya at kaya niya ako tinukso.

"Andrew,nandito pala ako sa Gaga's Hotel."

"Puntahan kita jan."

Hindi na ako makapaghintay na makita ko ulit si Andrew,kaya nagbihis ako ng bago kong damit para salubungin siya. Umupo ako sa may couch ng hotel para dun hintayin si Andrew. Laking gulat ko na nakita ko ulit yung babae kanina sa mall,yung bag scene kanina. Pumasok siya at mukhang dito ata siya mag check in. Buti nalang hindi niya ako napansin na naka upo sa isang sofa. Nalagpasan na niya ako,mga 5 minutes lang bigla siyang bumalik,and this time umupo na siya sa tabi ko,mukhang may hinihintay ata.

Nag text agad sa akin si Andrew na malapit na siya kaya naganahan ako. Mga 5 minutes lang bumukas na yung door and nakita ko agad si Andrew. Tumayo ako at napansin ko na tumayo din ang babae. Hindi ko nalang pinansin at binigyan ko ng yakap si Andrew. Ngunit biglang natigil yung babae.

"Demi,you're here." Demi pala ang name ng babae na naka bag scene ko sa mall. Humarap ako sa kanya para makita ko siya ng buo.

"Oh you're the lucky girl!"sabi ni Demi. Tumango nalang ako. "I met her already Andrew."

"Talaga?" sino kaya si Demi,siguro kaibigan niya ito."Oh Mia,ito si Demi,she's my friend and katrabaho ko siya,isa din siyang doctor."

Binigyan ko agad siya ng ngiti."Hi,nice meeting you."sabay abot sa aking kamay. Kinuha naman niya ito.

"Mia,sorry pala kanina sa Mall ha,ang mean ko kanina eh." nag sign ako na ok lang. "Sege Andrew,alis na ako. Mia, nice meeting you again." naglakad na siya papuntang door hanggang totally nawala na siya.

"So? Date tayo?" biglang tanong ni Andrew. Ano paba ang sagot ko syempre go. Ganyan ko siya ka mahal,miss ko na din siya.

Wife's Revenge 2 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon