#WRForgiveness

5.8K 84 0
                                    


Mia's POV

Sobrang dami naming trabaho ngayon. Kami lang namang mga guro ang nag silbing asistant ng mga nagtutuli, at nagbunot ng ngipin. Pero hindi kami yung gumawa ha,ang trabaho lang namin ay taga hawak ng pasyente. Naka assign na kasi ito sa akin,pero ang worst kay Andrew ako naka work.

"Hoooh,napagod ako doon ah!" sabi ni Andrew at sabay upo

Hindi ko pa din matingnan siya ng deritso. Ewan ko ba.

"Edi matulog kana." yan lang ang nasagot ko

"Eh paano ba ako makatulog? Sayang yung oras eh." sabi niya sabay tayo at humarap sa akin

Napailing nalang ako. "Huh?Bakit naman?" sabi ko

"Wag na baka mamatay kapa sa kilig."

Ano daw? Tiningnan ko at pagkatapos agad kung kinuha ang bag ko at nagsimula ng maglakad.

"Teka lang!"sabi niya sabay hawak sa kanang kamay ko

Agad akong napahinto natila bang parang may kuryente na naman na dumadalo.

"Andrew,ano ba? Uwi ka na! Umiwi na ang team niya at bakit ikaw nagpaiwan?" sigaw kong sabi

"Gabyan kana ba ngayon?"sabi niya

"Oo,ganito na ako ngayon simula nong iniwan mo ako."diritso kung sagot sakanya. Agad namang napalitan ng ibang expression ang kanyang mukha.

"Mia," habang hinawakan niya ang aking dalawang kamay

"Mia,alam kung nasaktan kita noon at hindi man lang ako naka pagsorry sayo,"sabi niya sabay luhod sa aking harapan "I'm really sorry kung yun ang ating nakaraan. Mia pinagsisihan ko lahat yun. Hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ba ako,pero Mia nagbabakasali ako na mapatawad mo ako. Eto siguro yung paraan na ginawa ni tadhana,na pagtagpuin tayo ulit." dagdag pa niya. Napansin ko na may mga patak na luha ang lumalabas sa kanyang mga mata. Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko din mapigil ang sarili ko na maluha sa sinabi niya.

"Andrew,"sabi ko

"Andrew,tayo ka na diyan" dagdag ko at tumayo din siya.

"Andrew,kahit hindi man masaya ang ating nakaraan,alam ko may dahilan yun. Andrew,kaya ako umalis sa lugar na iyon dahil masakit pa din ang mga nangyari sa akin noon. Pero pinilit ko pa din na patawarin lahat ng tao na nanakit sa akin noon. Kasi alam kong yun ang paraan para maging masaya ako ulit. Kaya Andrew matagal na kitang pinatawad." maluha-luha kong sabi. Pero nagulat nalang ako ng bigla niyang pinahiran ang mga patak ng aking luha. Nahiya tuloy ako dahil napansin ko na lumakas na ang pag-iyak ko. Buti nalang naka uwi na yung team nila Andrew at yung ibang guro. Agad niya akong niyakap.

Andrew's POV

Agad ko siyang niyakap pagkatapos niyang banggitin ang mga salitang iyon. Naramdaman ko pa din ang pagmamahal niya sa akin. At alam kung may pag-asa pa ako sa kanya. Pero bigla nalang akong nalungkot ng maalala ko ang buhay ko ngayon. I'm already commited with other woman already. Bakit ngayon pa Mia? Bakit?.

"So,? pweding e ulit muli ang ating kahapon" pabiro kong sabi

"Sira!"agad niya akong binigyan ng batok. Napa aray nalang ako. Sobrang saya ko ngayon dahil kasama ko si Mia,pero hindi ko din maiwasan ang kalungkutan dahil kasal na ako.

"Sege Andrew,mauna na ako!"

"Huh? Akala ko e accomodate mo ako sa bago mong bahay?"

"Sabi ko ba yun?" sabi niya

Agad ko nalang hinawakan ang kanyang kamay pilit na naglalakad na. Nagmukha tuloy akong alam ang bahay niya.

"Teka lang,yung kotse mo."sabi niya

"Edi,sakay ka nalang sa kotse ko."

"Nasa labas lang ng campus yung bahay ko.sira!"

Iniwan ko nalang yung kotse ko. Nagsimula na kaming maglakad. Naabot din namin ang bahay niya,halos mga 10 minutes lang yun. Medyo maliit nga ang tinitirhan niya,pero solid naman ito.

"Mia,bakit mo ba naisip na dito magtrabaho?" tanong ko sa kanya

"Dito kasi si Ken nakatira." sagot naman niya

"Sinong Ken?" tanong ko ulit sa kanya

"Kaibigan ko."diritso niyang sagot

"Tapos?"

"Siya kasi yung nakilala ko pagkatapos akong makalabas sa hospital. Pasyente din siya tulad ko. Nabaril din siya tulad ko." nakayuko niyang sabi

"Ayun tinulungan niya ako. Umalis na kasi si Mommy Celia nun papuntang Thailand para ibalik yung dati niyang mukha,kaya tuloy ako nalang mag-isa." dagdag pa niya

"Bakit mo ba kasi ako hindi tinawagan?" sabi ko sa kanya

Hindi na siya sumagot at agad siyang pumunta sa kusina para ihapag ang mga pagkain.

---

Mia's POV

Hindi ko maiwasan ang pagtingin sa kanyang mukha. Halos hindi ako makapaniwala na ang lalaking naging asawa ko noon ay kasama kung kumakain.

"Ikaw bang nagluto nito?"sabi niya

"Syempre,sino pa ba. Nakita mo naman diba na wala akong maid dito."pagpilosopo kong sagot

Kumain nalang kami. Halos lahat nangyari sa buhay ko noong wala siya ay na ikwento ko na. Minsan tawa kami ng tawa dahil sa mga kwento ko,minsan din hindi ko maiwasan na maipakita ko ang kalungkutan ko. Pero sa dami namin na topic kahit isa wala tungkol sa kanya. Kaya hindi ko pa din alam kung ano na siya ngayon.

Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon.

Wife's Revenge 2 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon