#WRDecision

3.1K 46 0
                                    

Andrew's POV

Lumipas ang mga araw at sa wakas nakalabas na si Demi ng hospital. Ok naman ang bata. Five months from now manganganak na si Demi. Aaminin ko na excited akong makita ang anak ko,pero may bahid din ng lungkot, sana anak nalang namin ni Mia. Pero kahit kailan hindi ko isusuko ang pagmamahal ko kay Mia. Kahit na nakabuo na ako ng disisyon,pero si Mia padin ang mahal ko.

Nakarating na kami ni Demi galing sa hospital. Kaya inalalayan ko siya ngayon. Aminin ko,ginawa ko lang to dahil guilty ako sa ginawa ko at hindi siya magkakaganito kung hindi ko siya tinulak.

"Thank you Andrew" sabay upo niya sa sofa. Hindi siya tumingin sa akin at pilit niyang tinitingnan ang ibang diriksyon na wala ako. "Andrew,siguro pwede pa akong tumira dito total hindi mo pa ako nabayaran ng share ko dito sa bahay." pero wala padin akong nakikitang tingin niya sa akin."Kasalanan mo naman kaya ako ngayon nanghihina."dagdag pa niya.

"Demi,tungkol sa nangyari sa atin,"magsalita pa sana ako ng bigla niya akong pinatigil.

"I understand,kung may iba kang gusto then you should fight her. Hindi mo dapat kinukulong ang puso mo." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Demi. I cant believe na sabihin niya iyon. "But Andrew,let me love you. Kahit ayaw mo." bigla akong nakaramdam ng awa. Hindi pa din siya tumitingin sa akin.

"Salamat." pagkasabi ko nun bigla nalang umagos ang kanyang mga luha. Nagulat ako at sobrang naawa ako sa kanya. Hindi ko pa naranasan na baliwalain ng mahal mo pero alam ko na masakit yun. Sa sobrang awa ko hindi ko na pigilan na yakapin siya.

"Sobrang sakit lang,"panimula niya."Sobrang sakit na magpapa alam ka sa taong mahal mo. Kahit buhay pa siya."hinaplos ko ang likod niya kasi lalong bumibigat ang pag-iyak niya. "Andrew,kung saan ka masaya,hindi ako hahadlang,pero hindi ko pa din mapipigilan ang puso ko na kalimutan ka lalo na buntis ako sayo. Alam mo naman na mahal na mahal kita. Palagi ko ngang dinadasal na sana ako nalang yung babae na gusto mo. Sana ako nalang ang mahal mo. Bakit ba hindi mo ko makuhang mahalin,huh?"iyak pa din siya ng iyak. Iwan ko ba,pero bakit ngaba hindi ko siya kayang mahalin?

"Nandito pa din naman ako. Tatayo padin akong ama sa bata. At kahit na anong mangyari handa akong tulungan ka." nabigla nalang ako ng bigla siyang bumitaw sa pagkayakap. At agad niyang dinapo ang mga labi niya sa labi ko. Halos tumagal ang halik niya pero hindi ko siya nilabanan.

"Andrew,maawa ka sa akin. Huwag mo kong iiwan kahit pa may mahal kang iba. Handa akong makipaghiwalay sayo sa batas. At sa batas lang yun, Andrew listen to me,magpapakatanga ako sayo." hindi ko alam kong tama ba ang iniisip ko. Hindi ito pwede.Hindi ako nagsalita. "Andrew,kahit na isang araw kalang bumisita sa akin sa loob ng isang linggo,tatanggapin ko. Kahit na may asawa kana o pamilya,basta huwag mo akong kalimutan at mananatili padin tayong mag-asawa kahit hindi na sa batas."

"What are you talking about?" gulat kong sabi. Napatayo nalang ako."Hindi yan pwede,nagmumukha kang kabit!"sabi ko.

"Kahit na Andrew,basta huwag molang akong itakwil." hindi ako makapagsalita sa mga disisyon ni Demi. Ganun na ba siya ka martyr para lang sa akin.? "Sabihin na natin na friends with benifits yung relasyon natin." halos mapanganga ako sa sinabi niya.

"Demi,hindi yun madali."

"Para sa akin walang mahirap. Trust me Andrew, I will let you free. Marry a girl that you love most but our relationship will never end." ganun siya ka disperada sa akin. "Pag ayaw mo,then hindi kita pakakawalan." tumayo siya at nagsimulang naglakad papunta sa kwarto. Tinitingnan ko lang siya habang naglalakad. Sa ngayon wala akong maisip.

Nung nasa hospital palang kami ni Demi,nakapag disiyon na sana ako na hiwalayan nalang si Mia at panagutan si Demi dahil yun ang tama. Pero bakit siya nag suggest ng pwedekong gawin. I know magiging complicated ito. Pero mas gusto ko nalang ang sinabi niya keysa hiwalayan si Mia. I'll talk to Demi later about this matter.

Umupo nalang muna ako at nag yoyosi. Hindi ko alam kung tama na ba ang maging disisyon ko na pakasalan si Mia at maki pag relasyon kay Demi kahit benifits lang at ang anak ko. Pero sa ngayon iniisip ko si Mia kung malaman niya ito. Pero paano na si Demi at ang anak ko? Hindi ko namalayan na naka tulog napala ako sa kakaisip.

Umaga na at nagulat nalang ako ng makita ko si Demi na nasa kusina.

"Good morning!" bati niya. "Hali ka,mag almusal kanalang dito. Total mamayang 10 pa ang duty mo." hind na ako nag iinarte at pumayag na ako. "Andrew,kung ok lang sana na sabihin mo na ang disisyon mo para ako na mismo ang gagawa ng annulment if papayag ka." napahinnto ako sa pagkain,kaya nagulat din siya. "So? Hindi mo ako hihiwalayan?"

"Demi,I'm sorry kung maging kibigan nalang tayo." sabi ko. bigla nalang siyang ngumiti na ikinagugulat ko.

"Ok lang yun. Total may benifits naman diba?"

"Demi,papayag ako sa gusto mo,pero kung may asawa na ako please huwag mo kaming guguluhin."

"Sure,hindi naman ako ganun basta lang ikaw padin ang ama ng anak ko at syempre asawa ko kahit ako na ata ang naging kabit." sabay tawa niya. "Sino ang lucky girl?" napatigil ako at tumingin ako sa kanya pero siya naka tingin lang sa baba.

"You will know her later,i will tell you about her."

"Promise mo yan ha.!" napangiti nalang ako.

Wife's Revenge 2 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon