#WRLastEnding

6.4K 56 26
                                    

Demi's POV

Dito sa mundo, maraming bagay na hindi mo inaasahan na darating sa buhay mo. Akala mo lang din na dadaan lang ngunit hindi mo na pala napapansin na nagbibigay na pala ito ng epekto sa buhay mo, kasiyahan man o kahit sakit ang dala. Ngunit alam naman natin na lahat ng bagay na nangyari sa atin ay may dahilan. Dahilan para tayo ay maging matatag. Kahit man minsan suko na tayo pero gumagawa padin tayo ng paraan para makabangon ulit kahit hindi na ito tama. Kahit na ikakasakit na ito ng iba. Na sa tingin natin karapatdapat din silang masaktan. Katulad ng paghihiganti, kaya tayo gumaganti dahil hindi natin tanggap na nakalamang na ang isang tao sa atin. Gumaganti tayo dahil sa tingn natin maging masaya tayo kung makikita na natin ang isang tao na umiiyak. Kahit alam natin sa una na walang magandang maidudulot ang paghihiganti.

Ako si Demi, kahit man hindi maganda ang naging buhay ko, heto padin ako ngayon matapang. Hindi ko alam kong ano na ang susunod sa buhay ko,hindi ko alam kong sino sino ang mga tao na dadating sa buhay ko at hindi ko alam kong kailan ako iiyak ulit.  Basta heto ako ngayon bilang isang doctor na handang tumulong sa anomang uri ng tao.

"Doc, ok na po ba ang anak ko?" bungad sa akin ng ina ng pasyente.

"Misis, ok na po ang anak niyo," sabi ko sabay talikod sa kanila at nagsimulang maglakad. Ang sarap talaga ng feeling na mag off kana sa trabaho. I can't wait to see my daughter. Kaya dali-dali akong pumunta sa aking office para kunin ang aking bag. Pagkatapos nun pumunta agad ako sa parking lot.
Pagkatapos nun dali-dali akong nagmamaneho. Full blast kasi ang duty ko kaya ayun hindi na tuloy ako napapagod dahil parang immune na ako. Pagkadating ko,agad kong pinark ang kotse ko.

"Baby Devi,kumusta?" bati ko sa kanya "Sorry ha, busy kasi si Mommy, hayaan mo may dala akong cake para sa yo!" sabay kuha ng cake "Hindi panaman ako nag snack eh,kaya sabayan mo mommy mo." sabi sabay kuha ng cake "Alam mo anak,hindi ako mapapagod na lagi kang dalawin dito," sabay subo ko ng cake "Im sure anak kapiling mo na ngayon si papa God kaya safe na safe ka diyan, At kahit man maging busy si Mommy anak, don't worry dahil para sa yo to!" sabi ko "Anak,ayaw kong maging madrama sa harapan mo," sabay patak ng aking mga luha. "Nak,mis na mis na kita!" at lalo akong naiyak. Mahirap lang talaga na mawalay ka ng maaga sa mahal mo lalo na ang anak mo pa.

"Pagsasabihan ka na talaga ng anak mo kong palagi kang umiiyak sa harapan niya!" bigla nalang akong na freeze dahil biglang may nagsalita galing sa likod ko. Dahan-dahan ko itong hinarap at nakita ko na may hawak siyang panyo na ibibigay niya sa akin. "Oh eto!" hindi padin ako makapaniwal sa aking nakita. Pumikit ako ulit at buka ulit kaso nandiyan padn siya sa aking harapan. "Anak pagsabihan mo ang mommy mo na dapat, ikis niya ako o kahit hug man lang pag nasa harapan na ako!" sabi niya sabay upo sa tabi ko.Grabe talaga tong si Andrew,hindi man lang nag text sa akin kung kailan siya uuwi, tapos nakita pa niya akong umiiyak sa harapan ng anak namin, so gros talaga. Pero hindi na ako nagiinarte at agad ko siyang binigyan ng halik sa labi. Gumanti agad siya at hindi ko na naman siya matiis eh dahil mahal na mahal ko siya.

"Ang daya mo!" habang bumitaw sa halik niya.

"Bakit? Hindi na ba masarap ang halik ko?" sabi niya at mukhang jinojoke time niya ako. Pagkatapos nun agad kong sinungggaban ang kanyang labi para matahimik siya. "I miss you" mahina niyang sabi. Hindi ko din itatanggi na sobrang na mis ko si Andrew, pumunta kasi siya ng america para ayusin ang bussines nila doon, simula kasi ng namatay ang kanyang mama siya na ang nag-asikaso nun. Isang buwan lang naman siyang nawala kaya sobrang mis ko na talaga siya. "Anak,kita mo yun, kami na talaga ng mama mo,at ngayon mahal na mahal ko na siya!" bigla akong kinilig sa sabi ni Andrew kaya nginitian ko siya sabay halik. Inubos namin ni Andrew ang cake habang nagkwe-kwentuhan kami,umabot itong ng dalawang oras at magkayakap lang kami sa ibabaw ng puntod ng anak namin. Kahit nga kumakain kami ng cake panay padin ang yakap at halik siguro dahil mahal namin ang isa't isa.

Andrew's POV

Oo, mahal ko si Mia, ngunit isa nalang siyang magandang alaala at siya ang mahal ko sa aking nakaraan. Hindi ko na din pa mababago ang lahat dahil ito ang katutuhanan. Kahit pa na inakala ko na buhay si Mia ngunit yun lang ay isang kasinungalingan. Hindi talaga kami binigyan ng magandang ending ni Mia. Hindi man kami nagkatuloyan sa huli ngunit alam ko na mahal ko siya at mahal niya ako. Pero tulad ng sabi ko nakaraan na lamang si Mia at si Demi na ang aking kasalukuyan. Mahal na mahal ko si Demi at hindi ko na hahayaang masaktan ulit siya. Naniniwala ako na kahit hindi ako perpektong lalaki,kaya ko pading ipakita sa kanya ang pagmamahal ko na kay tagal na niyang gustong makamtan. Nagpapasalamat ako sa kanya na tinanggap niya padin ako kahit tinalikuran ko na siya dati. Demi and I are destined to each other kaya kahit ano pa ang nangyari sa amin, sa huli naging kami padin. At alam ko na si Demi na ang binigay ng diyos para sa akin. "I love you Demi"

The end...

Wife's Revenge 2 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon