#WRTurningPoint

3.1K 44 0
                                    

Andrew's POV

Pareho kaming pagod na pagod at naramdaman ko si Mia na sobrang napagod kaya hinayaan ko nalang siyang humiga sa aking dibdib,hanggang makatulog ito. Hindi ko tuloy maiwasan na mapatitig sa kanyang maamo na mukha. Napaka ganda niya at sobrang inosente kaya napangiti nalang ako dahil sa ginawa niya kanina. Hindi ko akalain na gawin yun ni Mia.

Halos mga 30 minutes na ang nakalipas at mukhang malalim na ang tulog ni Mia kaya inayos ko siya sa pagkahiga at pumunta ako sa drivers seat para maihatid ko na sya sa hotel,kasi naisip ko na ipag hotel nalang siya para hindi na sya madisturbo sa kanyang tulog. Habang nagsimula akong magmaneho bigla ko nalang naisip si Demi. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Kaba na parang may kahulugan yun kaya iniba ko nalang ang iniisip ko. Pagkatapos nun,naisip ko din si Mia,at alam kong magagalit sya kung malaman niya na may asawa na ako. Kaya nung kanina na naramdaman ko na mahal na mahal ako ni Mia ay naisip ko na hiwalayan ko na si Demi sa lalong madaling panahon para maging masaya na kami ni Mia. Pagkatapos nun,dumating na kami sa hotel kung saan ang mama ko ang may ari. Inihiga ko siya.

Umalis na ako at iniwan ko na si Mia sa hotel,naglagay nalang ako ng note para hindi siya magalit o magtaka. Ng nakarating na ako sa aking bahay naguat nalang ako dahil nakabukas ang ilaw,kaya naging alerto ako kung mayroon mang magnanakaw. Dahan-dahan akong pumasok at ng biglang may nagsalita.

"Kumusta?"halos manlaki ang aking mata ng makita ko si Demi na naka upo sa aming sala. Dahan-dahan siyang tumayo. "I know wala akong karapatan sayo,but you can't remove my rights in this house,unless babayaran mo ako ng mga na ishare ko dito."Hindi ko maiwasan na magtama ang aming mga mata. At ngayon alam kong nasasaktan siya."Andrew,alam mo naman siguro ang sagot ko about sa paghihiwalay natin."dagdag pa niya

"Demi,pagod ako ngayon."tipid kong sabi. Hanggang ngayon nakatingin padn siya sa akin at ako din at napansin ko na may tumutulo na mga luha sa kanyang mata. Agad ko itong iniwasan at nagsimula ng mag lakad papuntang kwarto ko, ng may biglang humawak sa kamay ko."Demi ano ba?Papel nalang ang nag-uugnay sa atin ngayon."At bigla siyang lumuhod sa akin.

"Andrew,please!Don't leave me.!" and this time halos umagos na lahat ng luha niya sa kanyang mga mata."

"Demi,sinubukan kong mahalin ka pero hindi eh.!" panimula kong sabi at siya naman ay halos mapa sigaw sa aking sinabi. Siguro ito na din ang tamang panahon para sabihin ko sa kanya na wala talaga kaming pag-asa. "Demi,kung ayaw mong masaktan,please leave me alone.!" Agad siyang tumayo at hinalikan ako. Pero hindi ko siya hinyaan at tinulak ko siya."Demi,maawa ka sa sarili mo! I don't love you!" Pagkatapos nun,aakyat na sana ako kaso bigla siyang sumigaw. Nagulat ako dahil may mga dugo na sa kanyang binti. Napalakas ata ang pagtulak ko.Naalala ko na buntis pala siya kaya agad ko siyang binuhat para dalhin sa hospital. Bigla akong na guilty sa ginawa ko. Binilisan ko ang pagmaneho dahil hinang-hina na si Demi. Pagdating namin sa hospital agad naman siyang tinakbo sa emergency room. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon,sobrang guilty ko ngayon.

Halos isang oras ang lumipas at nandon pa ako sa hospital,mga early dawn na ata pero hindi pa ako natutulog. Hindi ko magawang hindi mag-alala,and besides anak ko padin ang dinadala ni Demi. Hindi ko naman yun itatanggi at tatanggapin ko pa din yun.Pagkatapos nun,lumabas na ang doktor at kaibigan ko siya.

"Drix,kumusta si Demi?"nag-alala kong tanong."Kumusta ang bata?"dagdag ko pa

"Relax lang tol,Demi and her baby are in stable state na." halos mapangiti ako sa sinabi ni Drix. "Pero tol,ano bang nangyari sa kanya?"

"Nag-away kasi kami Drix eh,kaya ayun!"

"Ikaw ha,huwag mo talaga siyang sasaktan kundi ako ang makakaharap mo.!" biglang sumeryoso ang tono ng boses ni Drix. Kaya na sobrang guilty ko ngayon,hindi ko naman pweding sabihin kay Drix na i don't love Demi kasi papatayin talaga ako nito.

Umalis na siya kaya naisip ko na puntahan si Demi sa loob. Hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko dahil pati ako hirap na hirap na. Alam kong nasaktan ko si Demi kung hihiwalayan ko siya at alam kong masasaktan ko din si Mia kung patuloy akong maglilihim sa kanya. At isa lang ang pwede kong piliin at isa lang sa kanilang dalawa ang maging masaya sa tabi ko at ang isa ay luluha.But now i can't choose between the two,even though hindi ko mahal si Demi,pero hindi niya ako gustong mahiwalay dahil ngayon may anak na kami at ayaw niyang maging walang ama ang kanyang anak. Sa tama ba ako na hindi ako masaya o sa mali na masayang masaya ako.

Naka upo lang ako malapit sa kama ni Demi.Hindi ko na pinaalam sa mama at papa ni Demi dahil alam kong papagalitan ako.

"Andrew,do..don't lea..leave me." nagulat ako dahil pati sa panaginip yun ang mga nangyayari sa kanya. Nangigigil ako sa sarili ko dahil sa sobrang tanga ko.

"Demi,i'm sorry!"bulong ko sa sarili ko.

At ngayon,hindi ko basta basta nalang maiwan si Demi, at naka pag desisyon na ako. I'll stay to you Demi.

Wife's Revenge 2 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon