^Ikasiyam na Yugto^

517 20 0
                                    

Tim...

Hindi na ako sinundan ni Jake paglabas ko ng cr. Ang sama na talaga ng timpla ko. Bumalik na ako sa music room na kung saan andoon ang mga kasama ko.

"O. Saan ka galing? Hahanapin na sana kita." tanong ni Popo. Nakasalubong ko siya sa may hallway.

"Ah. Nagbanyo lang ako. Medyo masama yng tiyan ko eh." sagot ko. Nagsinungaling nanaman ako. Ayoko namang sabihin sa kanya na nagkita kami ni Jake. Pero sa bigla namang lumabas si Jake sa cr. Hay. Ang malas ko namang araw na to.

"Ano to? Mini reunion?" tanong sa amin ni Jake.

"Yup. Unexpected reunion. Haha" ani Popo sabay tawa at nakitawa naman si Jake. Nagpakita nalang ako ng ngiting kunwari na nakikitawa din.

"Nga pala. Reunion niyo rin ito Jake. After... Ilang taon na kayong hindi nag uusap?" Napatingin ako kay Popo nang tanungin niya iyon.

"Eight to be exact. Eight years na." sagot naman ni Jake. Proud pa siyang sabihin lahat. Hindi ba siya nagsisisi na nangsayang siya ng isang tulad ko? Well, sinayang ko ang walong taon ko sa kakaantay sa kanya. Tapos bigla bigla siyang susulpot na parang sinabihan akong nagsisisi siya at pagkatapos sabihin sa akin ok na siya? Gago pala siya eh.

"Akalain niyo yun. After eight years, ngayon lang ulit kayo nagkita? Ang astig!" bilib na saad ni Popo.

"Actually, magkita na kami kanina. Diyan o. Sa cr." napatingin ako sa kanya ng itinuro niya ang cr na pinaggalingan niya. Iniinis ba ako ng taong to?

"Hehe. Hindi ko pala nasabi sayo." bulong ko kay Popo. "Ok lang." bulong naman nito.

"So, this reunion deserves a lunch. My treat." anyaya ni Jake.

"Hindi na ako sasama sir..." tinawag ko si Jake ng sir. Kapag tinawag ko kasi siya sa pangalan niya, mas kumukulo ang dugo ko. "Medyo masama po ang pakiramdam ko eh."

"Ano ba Tim. Don't call me sir. Wala ba tayong pinagsamahan?" tanong niya sa akin. Oo. Alam ko. May pinagsamahan tayo. Hindi nga lang maganda ng dahil sayo. I dont want to tell those phrases because i don't want to sound or look rude in front of him and Popo. And i don't want to show myself how bitter i am because of him.

"Eh sir.. Im mean Jake." ani ko. Acting mode, on. " Meron naman pero nasa trabaho po tayo." dagdag ko. Iba ang tingin sa akin ni Jake. Ang lagkit. Eeehh. Ayoko na. Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa sahig.

"So, ano na? Tara. Sayang oras" ani Popo.

"Ok lang. Nasanay naman na akong sinasyang ." bigla kong sambit. Natigilan nalang ako ng napansin kong nakatingin sila sa akin.

"O. Bat ka ganyan makatingin kay Tim?" tanong ni Popo kay Jake. Napansin ko rin na parang nakonsensya si Jake dahil sa tingin niya sa akin. Hahaha. Effective itong ginagawa ko.

"Wala. Tara na." aniya at nauna nang naglakad palabas.

"Anong pinag usapan niyo?" tanong sa akin ni Popo. "Wala. Hanggang ngayon tsismoso ka parin." biro ko sa kanya at sinimulan nang naglakad at sinundan si Jake. Ayoko talagang sumama eh. Ayokong makita ang pagmumukha niya. Pero eto. Napilit NIYA at pumayag naman ako. Ang laki ko ring tanga.

"Hindi naman ako nagbago ah." aniya. "Panlabas lang. Panlabas lang ang nagbago." dagdag niya.

"Sus. Ang drama mo. Yan. Naging madrama ka din. Alam mo, may napansin ako." ani ko habang naglalakad. "bading ka ba?" "Ano?!" sigaw niya.

"Tanong lang naman." pangkalma ko sa kanya. Tinignan niya ako na parang nainis na natatawa.

"Tim. Hindi ako bakla. Kelan ka nakakita ng ganitong bakla?" tanong nito sabay pakita ng malaki nitong biceps. Though mas malaki yung akin kesa sa kanya.

Boss ko si "EX" classmate?! (Classmate's Book II) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon