Tim...
Halos dalawang linggo din muna akong nanatili sa bahay para magpagaling at makalimot. Matinding trauma talaga ang dinulot ng pesteng pangyayari na yun sa akin. Madaming nagbago. Kagaya ng...
Takot na akong matulog na nakapatay ang ilaw.
Tapos kapag lalabas ako para bumili, nagiging weirdo ako. Pag may taong lalapit sa akin, medyo nag fre freak out ako pero nagpapasama na ako kay Tinna minsan.
Kaya ngayong araw, napagdesisiyunan kong pumasok na. Nakakahiya na kasi eh. Sineswelduhan ako kahit hindi ako pumapasok. Kasi ang alam ko, sa iba, pag nag absent ka, kakaltasan nila yung sweldo mo. Well, boss ko si sir. May past kami which is pinaka ayaw kong naaalala. Kaya siguro may "special treatment" ako. At, kaya ako papasok para magpasalamat kay sir sa pag ligtas sa akin.
Pagdating ko sa building, kinuyog ako ng mga tao para kamustahin. Medyo natatakot ako kasi parang nakikita ko ang mukha ni Popo sa paligid. Parang nakamasid siya sa akin at binabantayan ako. Natatakot nanaman ako. Teka. Hindi ako makahinga. Sumisikip dibdib ko. Ano to? Dagdag epekto?
"Anong meron? " isang boses lang ang nag patigil sa kanilang ginagawa. Si sir. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ako makahinga. Dahil dito, bigla akong napa upo sa sahig.
"Tim!" agad agad na lumapit sa akin si sir dahil nga sa hindi ako makahinga at inalalayan akong tumayo.
"Tim. Relax lang. Relax. " utos niya sa akin para makahinga ako ng maayos.
"inhale... " *inhale*
"exhale..." *exhale*
Ilang inhale at exhale pa. Nakahinga na ako ng maayos. Niligtas nanaman niya buhay ko.
"Thank you sir. " sabi ko sa kanya at ngumiti lang siya. Napansin kong nakahawak pa rin siya sa balikat ko at nakatitig sa akin. Napansin niya rin na napapansin ko yun kaya siya na mismo ang nag tanggal. Nagmistulang dalawnag north pole ng magnet na nagdikit ang mga mata namin kasi hindi sila magtama kahit ilang attempt ang awin niya o gawin ko o gawin namin, pilit itong hindi nagtatama. "ah. May sasabihin pala ako sayo. " aniya.
"I just want to tell you that, i still love you. Kahit sapakin mo ako, layuan, pagdirian at kasuklaman. Hindi ako susuko." napatingin ako sa kanya. "Hindi ako susuko hanggang sa mapatawad mo ako." sabi niya. Nang marinig ko yun, medyo hindi na umiinit ulo ko sa kanya. Parang normal nalang sa akin lahat. Pati siya. Kapag nakikita ko yung pagmumukha niya, wala na yung pagka bitter ko sa kanya at pagka inis. Ano ba tong sinasabi ko?! No!! Hell no! Matapos lahat ng kagaguhan niya, makakalimutan mo lang in just one click?! No way! Oo. Masama na kung masama. Wala na akong utang na loob pero masakit pa rin eh. Sobra.
"Yung pagtulong ko sayo, that's not a part of doing my best to forgive me. Ginawa ko yun as your boss. Nasa pangangalaga kita nung oras na yun kaya lahat ng mangyayaring masama sayo tuwing working hours, ako ang bahala doon. " ayun. Buti nalang at klinaro niya. Nginitian ko lang siya at pumunta na ako sa music room. "Wait Tim. " pantigil niya sa akin. "sabay na tayo." teka ano? Sasabay siya sa akin? Bakit? Wait nga wait. Timothy. Anong nangyayari sayo? Sasabay lang yung tao. "Sige po. " sabi ko at sabay na kaming naglakad patungo sa music room.
Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Ganoon pa rin ang mukha niya. Kahit may mga maliiit na balbas na tumutubo. Maamo pa rin. Maputi. Maaliwalas. Parang nung high school lang.
Teka. Bat parang may maling nangyayari. Una. Hindi masyadong nag iinit yung ulo ko pag nakikita ko siya o pag nababanggit niya ang salitang 'mahal kita'. Pangalawa. Inaalala ko ang past namin. Pangatlo. Napapatitig ako sa kanya. Parang, nadikit yung mata ko sa kanya. May mali talaga.
Kasi, sa pagkaka tanda ko, ako mismo. Ako mismo ang nagsabing kalimutan na ang past. At ang masama, hindi ko na rin iyon natutupad.
Epekto ba to ng pagkakidnap sa akin?
O sinyales na ba to na mamamatay na ako?
O baka naman...
Bumalik na feelings ko sa kanya.
HINDI!!! HINDI MAAARI!! HELL NO TO THE 100TH POWER CUBE.Hindi. Brain. Di ba galit ang mananaig sayo pag nakikita mo siya? Bakit ngayon, parang bumalik ako sa dating ako na minahal at nagmahal ng isang Jake Marion Buenavista? Eeeehhhh.
Sa ka iisip diyan, hindi ko napansing nakaupo na ako kasama ang mga katrabaho ko sa music room.
"Ok. I would like to inform you all. That, the song 'Muling buksan ang Puso' written by Timothy" nagulat ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Nakatitig nanaman siya sa akin at nagsimula nang maginit ang pisngi ko. Nagbablush ba ako?!
"Slayed the music charts!! Number one tayo sa charts for almost two weeks!! " nagsimulang magpalakpakan ang mga tao habang ako ay naiwang nagblublush dahil sa titig niya. Jusko. Umatras na nga siya.
"So this deserves a celebration! Kaya next week, may team building tayo! " anunsyo niya. "Sir saan? " nagsimula nanamang mag ingay ang mga tao sa loob ng music room at tinatanong kung saan ang team building.
"Sa Batanes." sagot ni sir at umingay na nga sila. Parang nasa party. Gusto ko mang magsaya, hindi ko magawa kasi may bumabagabag sa isip ko eh.
Unti unting lumabas ang mga tao at naiwan nanaman ako sa loob kasi parang hindi ako makagalaw. Kahit pilitin komg gumalaw, ayaw ng mga joints ko na maki cooperate.
"Alam kong kailangan mo ng tulong. " isang boses ang umalingawngaw sa aking tenga. Pag tingin ko,
Siya nanaman. Ahhh!!
Nilahad niya ang kanyang kamay tanda para alalayan akong maglakad. At kinuha iyon. Ayoko namang tanggapin pero nagtatalo na ang puso at isip ko.
Kasi sa tingin ko...
Umatras na ang galit sa utak ko...
At...
Sinasabi ng puso ko na...
Mahal ko na ulit si Jake...
**********
This is it!!! It's back!! Ang namiss nating Team #JaMothy ay nagbabalik na!! Pero, hindi pa to alam ni Jake. Paano ang Team #IsIm? Ano kayang mangyayari sa Team building nila? Sino-sino ang nandoon? (magpaparamdam daw si Popo. Keme) Upang malaman, abangan ang susunod na kabanata.
**********
KINIKILIG AKO!!! <3 <3 Team #JaMothy is baaaaaaaccccckkk!!! MALAPIT NA ANG ENDING!!!
**********
Vote!! Comment!! Dali!!
BINABASA MO ANG
Boss ko si "EX" classmate?! (Classmate's Book II) - ON HOLD
RomanceIlang taong pagkawalay.. Ang pagbabalik.. Galit.. Puot.. Sakit at Pighati.. Nagbago ang daloy ng ilog.. Mababago mo pa kaya ulit ito? Kahit alam mong wala ka nang bangkang Pinaninindigan at ang bangkang iyon ay may iba nang tagapamahala? ©2015 *Stop...