Tim...
"Oh. Dito rin kayo?" tanong sa amin ni Jake na halos kararating lang. Natigil muna ako sa pag aayos ng gamit ko dahil sa sobrang gulat. Pati si Isaac. Nagulat.
"Ah.. Eh.." nauutal pa ako dahil sa pagkagulat.
"Oo. Dito kami inassign eh." sabi ni Isaac. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. Napatingin ako sa kamay niya at kay Jake. Medyo sumama ang timpla ni Jake dahil doon. Pati na rin si Isaac.
Kumalas ako sa pagkaka akbay sa akin ni Isaac at tinuloy ang kanina ko pang ginagawa. Nagulat naman si Isaac sa ginawa ko.
Matapos kong ayusin ag mga gamit ko, pumunta muna ako sa terrace para magpahangin.
Naguguluhuan na ako...
Lalo na at andito si Isaac, kasama si Jake.
Gulong gulo ang feelings ko. Ang hirap. Sobra. Alam mo ba yung feeling na kasama mo ang mahal mo, kasama mo rin ang kaluluwa ng nakaraan.
Paano ko ba to sasabihin kay Isaac? Pano ko sasabihin na mahal ko na ulit si Jake. Nang hindi nasisira ang relasyon namin, ang pinag samahan namin.
Hay. Ang hirap!!
"Andiyan ka pala." nagulat ako dahil niyakap agad ako ni Isaac mula sa likuran ko. Hinawakan ko naman yung mukha niya at kinurot.
"Tara sa may beach. Picture tayo." anyaya niya sabay hila sa akin palabas.
Pagdating namin sa dalampasigan, ramdam na agad ng mga paa namin ang pino at mainit init na buhangin, ang hangin na lumulusot sa mga espasyo ng mag daliri na paa namin at ang malaming na tubig. Naglalakad kami s mababaw na parte ng dagat ng magkahawak ang mga kamay namin.
Ilang selfies...
Stolen shots...
Solo pics...
At hindi namin napansin na mag sa sunset na pala. Umupo na muna kami sa buhanginan at pinanood ang araw na bumaba.
"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Jake ah." pagbubukas niya sa usapan habang nakatingin sa akin.. Hindi ko alam ang isasagot ko. Ano nga ba?
Magsisinungaling ba ako?
O sasabihin ang totoo.
Hindi pa nakakasagot ay nagsalita na siya.
"Kahit hindi mo na sagutin. Alam ko naman na ang sagot." sagot niya na may tonong nagtatampo. Napatingin ako sa kanya na ngayo'y pinapanood ang araw na bumababa.
At ilang segundo ng katahimikan. Ano ba tong nagawa ko?
"Uy." pagsusuyo ko sa kanya sabay sandal ng aking ulo sa balikat niya. Hindi niya pa rin ako pinapansin.
"Nagseselos ka?" tanong ko sa kanya. "Medyo." sagot niya. Napatingin ako sa kanya.
"Bakit ka nagseselos?" "Kasi natatakot ako." aniya. "natatakot akong baka ngayong araw na to. Ngayon ang araw na to iiwan mo na ako. At sasama ka na sa kanya." "Ano ba yang pinagsasabi mo?" kinuha ko ang kamay niya at hinawakan iyon. "Kahit anong mangyari, hinding hindi kita iiwan. Umulan man ng bubog, sumabog man ang lahat ng bulkan. Kahit maulit ang Pangaea at maghiwa hiwalay ang pilipinas, hinding hindi ko makakayang iwan ka." sabi ko at ngumiti naman siya.
Ilang saglit pa ay nagsi datingan na ang mga kasama namin. Napansin din nila ang pwesto namin. Kaya medyo lumayo ako sa kanya.
"Hmmm. I smell something fishy." ani ng isa naming kasama. Alam kong kami ang tinutukoy niya pero hindi ko nalang siya pinansin.
Habang nagpipicture ang iba, ang iba naman ay nag aayos na ng mga kahoy para daw sa bonfire. May mga dumating oang may dala ng marshmallows at barbeque sticks para may kainin kami mamaya.
![](https://img.wattpad.com/cover/53122409-288-k539246.jpg)
BINABASA MO ANG
Boss ko si "EX" classmate?! (Classmate's Book II) - ON HOLD
RomanceIlang taong pagkawalay.. Ang pagbabalik.. Galit.. Puot.. Sakit at Pighati.. Nagbago ang daloy ng ilog.. Mababago mo pa kaya ulit ito? Kahit alam mong wala ka nang bangkang Pinaninindigan at ang bangkang iyon ay may iba nang tagapamahala? ©2015 *Stop...