^Ikaanim na Yugto^

509 30 0
                                    

Tim..

"Bukas na po mam?!" sagot ko mula sa kabilang linya mula sa ANB entertainment. Bukas na daw ako magsisimula.

"Oo. Dapat nga ngayon pero may other important matters daw na aasikasuhin ang kasama mo." sagot nito. Nakahanap na pala sila ng kasama ko.

"Ay sige po. Thank you po." sagot ko at binaba ang telepono.

"Sino yun anak?" tanong ni mama.

"Ah. Galing po sa ANB." sagot ko. "Ansabi?" tanong ulit niya.

"Bukas na daw yung first day ko." sagot ko. "Ma. Labas muna ako ha. Maglalakad lakad lang." dagdag ko at pumayag naman ito.

Habang naglalakad sa kalye, nakasalubong ko si John. Kapatid ni Jake. Kasama ang isang lalaki.

"O kuya. Musta na?" bati nito sa akin. "Okay naman. Ikaw?" tanong ko. "Eto. Masaya. Lalo na pag kasama siya." sagot niya sabay tingin sa kasama niya na hinawakan ang kanyang kamay.

Ako lang ba ang nag iisip nito o totoo tong nakikita at nasesense ko?

"Kayo ba?" tanong ko at tumango naman sila.

Nung nalaman ko ito ay nagflashback (ulit) ang sa amin ni Jake. Parang kaming dalawa lang sila. Masaya. Nung una. Pero sa huli, may mga tututol at pipilitin kayong paghiwalayin.

"Ok lang ba to sa mga magulang niyo?" tanong ko at tumango ulit sila. "Ikaw John. Ok na sa MAMA mo yang relasyon niyo?" diniinan ko talaga ang pagbigkas sa mama. Siya lang naman ang may kasalanan ng lahat eh.

"Wala na si mama kuya. Pati si papa. Si Tita na ang nag aalaga sa akin at ok lang naman sa kanila. Pati si Kuya. Ok lang sa kanya." aniya. "Ay nga pala. Andiyan na si Kuya.. Ay!! Oops." dagdag niya.

Nung narinig ko ang mga iyon, hindi ko maiwasang matawa. Eh ano naman? Wala na akong magagawa. Masyado na akong manhid para maramdaman ulit ang mga iyon.

Manhid ka na nga ba talaga?

Iyan ang mga tanong na naglalaro sa aking isipan.

"Ah. Haha. Sige. Aalis na ako ha? Mag ingat kayo. Have a nice date!" aniko sabay ngiti at umalis.

Tinuloy ko ang paglalakad at napatigil ako sa tapat ng bahay nila.

Bahay nila Jake.

Nakatitig ako sa bahay. Sa pagtitig na iyan, nailalabas ko lahat ng bad vibes na nasa loob ko. Dahil dito ay hindi ko mapigilang maluha.

"Tangina mo Jake. Sinusumpa kita." bulong ko at pinunasan ko ang aking mga luha at umuwi na. Aalis na sana ako ngunit naantala ito nang may nakita akong lalaki na lumabas sa kanilang balkon.

Hindi...

Hindi maari...

Ang lalaking ito ay si Jake. Maya maya ay nagtagpo ang mga mata namin. Nabigla at nanigas ako dahil sa mga nangyayari.

"Tim?" nabasa ko ang kanyang labi at iyan ang kanyang nasabi. Pupunta na sana ito patungo sa akin ngunit kumaripas ako ng takbo palayo. Kaya hindi na ito tumuloy.

Pukang ama naman. Ano bang nangyayari sa araw na ito?!

Pagdating ko sa bahay ay bigla kong sinara ang pinto. Nilock at sinandalan pa ito. Napabuntong hininga ako matapos ang ilang segundo.

Hindi to pwedeng mangyari...

Jake..

Lumabas ako ng bahay para magpahangin muna nang saglit. Mainit sa loob eh. Kaya tumungo na ako sa balkon.

Paglabas ko, ginala ko muna ang aking mga mata. Mga batang naglalaro, mga sasakyan at marami pang iba. Pero pumukaw sa akin ang isang lalaki na nakatayo sa may labas. Teka..

"Tim?" bulong ko. Lalapitan ko sana ito pero bigla siyang nawala. Namamalik mata ba ako? O sinyales ito na kailangan na naming mag usap?

Kung ganun ay..

Pupunta na ako sa kanila.

Maya maya...

Pagdating ko sa kanila ay kumatok na ako sa may pinto. Pagbukas ay bumungad ang kanyang ina.

"Hello po ti.." "Walang hiya ka! Matapos mong iwan ang anak ko ng napaka tagal ay babalik ka nalang na parang walang nangyari?! Aba nang loloko ka na eh!" putol nito sa aking bati.

Tim..

Nag gigitara ako sa may salas nang may kumatok sa pinto. Sinilip ko sa may bintana.. SHIT!! SI JAKE?! Anong ginagawa niya dito? Dali dali akong tumakbo kay mama upang sabihin iyon.

"Ma!! Ma!!" pataranta kong bulong sa kanya." "O? Parang kang nakakita ng multo." aniya.

"Si.. Si Jake ma.." bulong ko."Nasa labas." dagdag ko. Tumungo si mama sa pinto habang naiwan ako doon. Nagtago ako sa may sulok para hindi niya ako makita.

Rinig na rinig ko ang sigaw ni mama mula sa pinto. Dahil dito ay hindi ko mapigilang sumilip doon. Naka pamaywang si mama sa may pinto. Hindi ko makita yung nasa labas kaya makikinig nalang ako.

"Gusto ko lang naman pong kausapin si Tim tita eh. Magsosorry lang po ako. Sige na po tita.." Lagot. Patay na. Baka maawa si mama. Sobrang maawain pa naman siya. Urgh!! Ayoko siyang maka usap!! At wala talaga akong plano tungkol diyan. Nag sign of the cross ako at nagdasal saglit.

"Wala siya dito. Umalis." sagot niya. Nakahinga ako ng maluwang dahil sa mga narinig ko.

"Ah ganun po tita. Pakibigay nalang po ito sa kanya." sabay abot kay mama ng isang karton.

"Sige po. Punta na po ako." paalam nito. "Sige. Mag ingat ka ha?" paalam ni mama at sinarado na ang pinto.

"O. Pinapaabot sayo." ani mama sabay bigay sa akin ng kahon. Laman nito ay mga chocolate. Wow. Mayaman. Ang daming binigay sa akin ah. Nilagay ko ito sa ref at kumuha ng isa at kinain ko ito.

"Anak, wala ka ba talagang balak na kausapin siya? Nakakawa siya kanina eh." tanong ni mama. See? Maawain nga talaga siya. Napangiti ako dahil doon.

"Kahit lumuhod pa siya ma. Hinding hindi na." sagot ko.

----------

Ayun na!! Muntik na silang nagkita!! (sayang) habang si Jake ay gustong gustong makausap si Tim, kasalungat naman nito ang kay Tim na nagpapaka bato na nga. Paano na yan?! Maitutuloy pa ba ang kanilang pag iibigan?

*****

Vote!! Comment!! Dali!!

Boss ko si "EX" classmate?! (Classmate's Book II) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon