^Ika labing dalawampu't limang Yugto^

231 6 4
                                    

Tim...

Ang sarap sa pakiramdam ng katabi mong natulog at nagising ang taong mahal mo. Alam kong ilang beses ko nang naranasan to sa piling ni Isaac pero parang hindi pa rin ako makapaniwala sa sitwasyon ko ngayon.

Si Jake, kasama ko. Hindi lang kasama. Katabi ko pang natulog at nakayapos sa akin.

Kinikilig ako sa itsura namin ngayon pero hindi ko pa rin maalis ang pag aalala at pagmamahal ko kay Isaac. Oo na. Ang landi ko na pero seryoso. Minahal ko rin naman si Isaac pero sadyang masakit lang yung ginawa niyang pagtago sa akin ng katotohanan. Sabi nga nila, "Kahit ilang beses ka nang nasaktan, masasktan at masasaktan ka pa rin. Mararamdaman mo pa rin ang sakit kahit akala mong manhid ka na." Teka. Andito na kaya si Isaac? Tinignan ko yung kama na para sa amin dapat, wala siya doon. Saan kaya pumunta yun?

"Good Morning!" Pagputol ng isang malumanay at napakalamig na boses na nanggagaling sa aking katabi. Hinarap ko siya at nakita ko ang kanyang mukhang may panis pa na laway at may muta pa sa kanyang mata. "Yak. May muta pa siya. Maghilamos ka nga muna bago mo ako landiin." Sabi ko sa kanya sabay layo sa kanya. "Gwapo pa naman ako di ba?" Aniya sabay pogi sign. "Ulul. Mas pogi pa ako kesa sayo." Sabi ko at umalis na ako sa kama pero bigla niya akong hinila na dahilan upang matumba at mapahiga ulit ako sa kama. Pagkahiga ko ay niyakap niya ako ng napakahigpit na nakaharap sa kanya. Mahigpit talaga. Sinusubukan kong kumalas pero sadyang malakas siya. "Pakawalan mo ako." Utos ko sa kanya. Pero umiling lang ang ungas. "Isa." Sabi ko. "Dalawa." Sagot nito. "Ano ba." Daing ko pero tumawa lang siya. Ang cute talaga lalo na pag tumatawa. Hahaha.

"Kiss mo muna ako." Utos niya sabay nguso. Ew. Hindi pa siya nagmumumog at naghihilamos tapos humihingi na siya ng halik mula sa akin. Pakyu siya. "Pakawalan mo muna ako, tapos magmumog ka saka kita ikikiss." Utos ko. "Shunga. Parehas lang tayong hindi pa nagmumumog kaya parehas lang tayo." Oo nga no. Hindi pa ako nagmumumog. Ahahaha. Napangiti nalang ako at hinalikan siya. Pero smack lang. Ayokong makipagpasahan ng laway sa kanya. Parehong panis yung laway namin eh. Yak.

"Pakawalan mo na ako." Sabi ko matapos ang nakakadiring tagpo, pero napakasarap. "Ayoko nga." Sagot niya. Aba. Hindi sumunod sa usapan ang puta. "Di ba wala nang iwanan." Dagdag niya na naging dahilan upang mapangiti ako. Talagang papanindigan niya ang pangako niya sa akin? Kaya pinbayafn ko nalang siya na yakapin niya ako kahit ilang oras pa niyang gusto. Pero wala pang trenta minutos ay kumalas na siya. "Ang init na. Tara. Labas na tayo. Baka gising na sila." Aniya at tumayo na kami at naghilamos, nagsipilyo at nag ayos ng sarili ng sabay. Pero nauna na akong lumabas para hanapin si Isaac.

Asan ba yung ungas na yun?

*****

Isaac...

"Sir... Sir..." Pagising sa akin ng isang tinig ng isang babae na may kasamang tapik sa aking balikat. Pagdilat ko, ginala ko ang aking mata. Nasaan ako? Bakit ako nandito?

"Ah miss, nasaan ako?" Tanong ko sa nanggising sa akin. "Ah sir, nandito ka po sa bar ng resort. Lasing ka na po kagabi eh kaya nakatulog po kayo dito." Sagot niya. Naalala ko na. Naglasing pala ako kagabi...

Para kalimutan ang lahat... Lahat lahat...

Para pag isipan ng mabuti... Kung kakausapin ko ba siya... O lalayo nalang ako basta basta... Ng walang paalam...

Pero napagdesisyunan kong kakausapin ko siya, silang dalawa bago ako lumisan at lumayo sa kanila. Palalayain ko na siya. Kasi kung mahal mo ang isang tao, pakakawalan mo na siya't hahayaan nalang siya kung saan siya masaya kahit alam mong masakit. Palalayain ko rin ang aking sarili at hahanapin ko rin ang aking kasiyahan. Ng bagong kasiyahan at yayakapin ng buong buo ang pagbabago sa akin.

Paglabas ko ng bar, nakita ko ang mga kasama ko, yung mga taga ANB na nagkakasayahan sa kanilang ginagawa. Hindi ko maiwasang mapangiti ng makita ko si Tim na ngkangiti. Basta makita ko lang siyang nakangiti, masaya na ako. Mukhang ito na ang huling pagkakataon kong masilayan ang kanyang matamis na ngiti dahil ngayon ko na siya kakausapin at lalayo sa kanila.

Ang paglayo kong iyon ay ang pagpunta ko sa ibang bansa. Pupunta ako ng Singapore at doon na magtatrabaho. Kaya din ako pumayag na sumama sa kanila dahil plano kong sabihin iyon kay Tim habang nandito kami't nagbabakasyon.

Lumapit ako sa kanila at pinanood silang naglalaro. Mga ilang beses nila akong tinatawag upang sumali pero ilang beses din akong tumatanggi. May hangover pa ako eh. Kaya hindi na muna.

Pagkatapos ng kanilang paglalaro, nagpahinga naman sila't nagkuwentuhan. Eto na. Kakausapin ko na siya. Hinanap ko na si Tim at yun. Nahanap ko pero kasama niya si Jake. Masayang masaya si Tim ng nakita ko siya habang kausap niya si Jake. Napangiti nalang ako ng napakapait na mas mapait pa kesa sa ampalaya at umalis muna.

Naglalakad ako patungo sa aming silid upang ihiga ang sakit ng aking ulo nang tumunog ang aking cellphone. Pagtingin ko, si Doc.

"Hello doc?" "Hello Isaac. Nasabi mo na kay Tim?" Tanong sa akin ni Doc. Napatingin ako sa pwesto nila Jake. Parang may hinahanap si Tim. Alam kong ako yun. "Hindi pa po doc. Baka pag uwi nalang po namin." Sagot ko. "Ah ganun ba? O sige. Papaalala ko lang, sa susunod na araw na yung alis mo." Paalala sa akin ni doc at tumango naman ako na parang nakikita niya. Ang shunga no?

*****

Tim...

"Mukha kang bibe kanina. Hahaha" pag aasar sa akin ni Jake habang nakaupo kami sa isang mesa't may iniinom na juice. "Ang hirap kayang maglakad ng nakaupo." Sagot ko. Paano kasi, naglaro kami ng caterpillar walk eh di ba mahirap yun? Kaya yun. Nagmukha akong bibe. Nakaupo, naka butt out dahil sa paglalakad ng nakaupo at naka pout dahil sa hirap. Ayun. Instant. Bibe look.

"Pero alam mo, ang cute mo doon. Ang sarap mong yakapin nun." Pambawi niya. Tinignan ko siya ng may halong "weh" at tumango naman ito. Napangiti nalang ako at nahagilap ng mata ko si Isaac sa may kalayuan. May kausap sa cellphone niya. Sa sobrang saya na aking naramdaman, napatayo ako at akmang tatakbo na sana ako patungo sa kanya pero hindi ko yun nagawa kasi umalis na rin siya agad at pumunta sa kung saan. Kaya napaupo nalang ako sa upuan ko.

"Anong nangyari sayo? Bakit ka tumayo?" Tanong sa kin ni Jake. Umiling nalang ako bilang sagot. Anong nangyari doon? Gusto ko na siyang kausapin tungkol sa nangyari. Tungkol sa sikretong ginawa niya.

Matapos ang halos isang oras ay nagpatawag si Jake ng isang mini meeting.

Ayon sa meeting namin kanina, (kunwari kasama ka namin at wala ka nung meeting. Haha) mamaya na daw kami uuwi dahil may mga trabaho nang nakatambak doon. Madaming nadismaya at isa na ako doon pero kailangan naming magising sa katotohanan. Kaya matapos ng meeting ay sinulit na namin ang nalalabing oras namin dito. Sila, Naligo sa pool, nagharutan at marami pang iba. Ako naman, pumunta sa room namin kasi may nakalimutan ako.

Pagpasok ko sa room namin, nagulat ako sa nakita ko. Si Isaac! Na mahimbing na natutulog sa kama. Saan ba to nagsusuot?

Nilapitan ko ang kamang kanyang kinalalagyanan at tinitigan ko ang kanyang maamong mukha.

" Ang gago mo Isaac." Bulong ko. Wala akong pakialam kung marinig niya to o hindi. "Ang saya mo din no? Halos isang dekada na tayong magkakilala. Alam mo yun. Dalawang taon nga doon yung relasyon natin eh. Pero ang gago mo lang talaga. Paano mo natago yun?" Napatawa muna ako saglit. "Ang galing mo. Sobra." Dagdag ko at natahimik muna ako saglit. Hindi ko alam kung bakit ako natahimik bigla. Basta yun. Natahimik ako bigla.

"Pero salamat Isaac." Pamputol ko sa riles ng nakakabinging katahimikan. "Salamat sa pagmamahal na ibinigay mo sa akin. Salamat sa dalawang taon na nandiyan ka para sa akin, dalawang taon na hindi nawala ang pag aaway, lampungan, sigawan at syempre, sa presensya mo. Na appreciate ko yung pagmamahal mo sa akin. At alam mong minahal din kita. Pero..." Unti unti nang kumalas sa aking talukap ang mga mala kristal na likido at sila'y nagpadausdos na sa aking mukha.

"Pero hindi ko talaga natanggap yung nalaman ko eh. Masakit Isaac... Sobrang sakit. Ang sakit sa pakiramdam na ikaw pala ang dahilan ng galit na nabuo sa loob ko. Galit na binigay ko sa taong minahal ako ng walong taon kahit nagkawalay kami." Gusto ko sana siyang sapakin sa sobrang galit pero may rspeto ako sa mga tulog. Kaya umalis nalang ako. Pero habang papalabas ako ng kwarto, may narinig akong sumagot sa aking mga sinabi.

"Akala ko minahal mo lang ako para maging panakip butas at nararamdaman. Pero mali pala. Ginawa ko yun dahil mahal. Na mahal kita. Ana alam mo yan." Si Isaac pala ang sumagot. Pero nakahiga ito at nakatalikod sa akin.

"Pero naliwanagan ka na. Ngayon, alam mo na." Sagot ko at naglakad palabas. "Salamat Isaac. Salamat." Huli kong nasabi at tuluyan nang lumabas ng silid.

*****

Vote!! Comment!! Dali!!

Boss ko si "EX" classmate?! (Classmate's Book II) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon