^Unang Yugto^

1.3K 41 0
                                    

Tim..

"Happy anniversary!" pambungad na bati sa akin ni Isaac. Oo. Siya. Dalawang taon na kaming magkasintahan. Isa siyang nurse sa isang sikat na ospital dito sa amin. Siya ang naghilum ng aking mga sugat. Mga sugat na ginawa ni Jake. Papaalala ko lang. Siya lang naman ang taong unang minahal ko. Pero siya rin pala ang unang mang iiwan sa akin..

Tss. Tama na ang drama.. :D

Makalipas ng walong taon, eto. Nabuhay parin. Dahil yan sa mga kaibigan at taong nakapalibot sa akin. Si Isaac, si Karl, si Mama at si Tinna. Sila ang mga taong yan.

Graduate na rin ako ng college. Dentistry course ko. Sa college years ko, dun ko din nakilala ang mga katulad ko. Ang nagmahal, nagmamahal, gustong magmahal at mahalin ng kanilang kaparehas ng kasarian. Masalimuot din ang buhay nila. Kagaya ako, iniwan. Iniwan sa ere. Masakit man pero kailangang mamulat sa katotohanan. Dito ko din narealiye na bi ako. Bisexual. Yup. At proud ako. May chance magmahal ng babae. May chance din na magmahal ng lalaki. Ganyan ang bi.

Balik sa event. Niyakap ko ng mahigpit si Isaac. Nasa bahay kami ngayon. Dito namin napiling magcelebrate. Kain, movie marathon. Yan yung plano namin.

"Sana hindi ka magsawa" tugon niya habang magkayap kami.

"Hinding hindi. Ikaw lang. Habang buhay." sagot ko dito.

" ehem.. Ang sweet ah." isang boses ang gumambala sa amin. Si Tinna. Tinignan lang naming dalawa si Tinna sabay tawa.

"Ah. Oo ng pala. Happy aniv sa inyo. Sana tumagal pa kayo at malagpasan niyo ang mga challenges sa relasyon niyo and take note. Walang forever. Haha" bati nito. Ganyan na talaga yang babaeng yan. Bitter. Pano na loka loka sa ex niya. Nahuling may iba. Pero binawian ko na. Ayaw ko nang ikuwento.

"Late na ba ako?" bungad ni Karl sa may pinto. Tumakbo ito papunta sa amin at niyakap kaming dalawa.

"Oh. Tumagal kayo. Sabi ko sa inyo eh. Bagay nga kayo. Magpakasal na kayo!" asar ni Karl.

"Pano? Eh wala ngang Same sex marriage dito. Kung meron man, edi sana kasal na kami ngayon" ani Isaac na nakatitig sa akin. Namula naman ang aking mukha dahil sa kanyang titig.

"Oy. Kuya. Matunaw!" ani Tinna.

"ok lang. Kung siya ang mangtunaw sa akin. Lab ko naman siya." sagot ni Isaac.

"Tss. Korni mo. Nga pala. Si mama?" tanong ko.

"wala. Reunion nila di ba? Overnight sila siguro dun sa hotel." sagot ni Tinna at nagyaya na itong kumain.

Matapos kumain ay nagpaalam na si Karl na umuwi na. May pasok pa siya bukas eh. Habang si Tinna, makikinood sa amin. Mag momovie marathon kami..

------CUT------

Jake..

"Kuya uuwi ka dito?!" tanong ni John sa akin sa kabilang linya.

"Oo. Bakit? Ayaw mo?" tanong ko sa kanya.

Si John ang aking nakababatang kapatid. 2 taon ang pagitan namin. Naiwan siya sa pinas nung sinama ako ni Mama dito sa Seoul. Doon ko din nalaman na naghiwalay pala sila ni Papa. Nasa puder ako ni Mama, si John naman, nasa puder ni papa. Mahirap ang ganitong sitwasyon. Namatay silang dalawa nang hindi nagkikita at nagkakausap. Uuwi ako para sa aking kapatid, at para sa naiwang kumpanya ni Papa.

Ang ANB Entertainment.

Ako na ang magpapatakbo ng kumpanyang iyon. Hindi pa kaya ni John eh. May napag aralan din naman ako tungkol sa pagpapatakbo ng kumpanya.

Sa pananatili ko dito, dito ko mas nakilala ang sarili ko. Dito ko napagtanto na isa akong bi. Bisexual. May gusto sa lalaki, may gusto rin sa babae. Dito ko rin narealize na...

Mali ang lahat ng nagawa ko.
Mali ang pag iwan ko.
Kay Tim..

Kamusta na kaya siya? Masaya na ba ulit siya? O di kaya, miserable pa rin siya? Mapapatawad pa ba niya ako?

Eh ako. Mahaharap ko na ba ang lahat ng takot ko kay Tim?

-----CUT-----

Tim's POV

Matapos ang ikalawang movie, K.O na si Tinna. Inantok na. Natulog na sa kwarto niya at kaming dalawa nalang ni Isaac ang natira at pangatlo na ang pinapanood namin.

Nakaupo kami sa sofa at humiga ako sa lap niya. Busy kami sa panonood. Ay. Ako lang pala. Nakatingin lang sa akin si Isaac. Napatingin ako sa kanya at nag eye to eye kami.

"Bakit?" tanong ko.

"Wala. Aniv natim eh. Pangalawang aniv. Tama si Karl. Magtatagal nga tayo." sagot niya.

"Kaya nga eh." sabi ko habang nakatingin sa TV. Tinawag ako nito at pagtingin ko, bigla niya akong hinalikan. Sa sobrang gulat ko ay tila nanigas ako sa aking kinalalagyan.

Napansin ni Isaac ang nangyari sakin.

"So.. Sorry. Nabigla kita." sabi niya. Nanigas parin ako. Naramdaman ko ulit ang naramdaman ko nung unang beses ko itong natikman. At kay Jake yun.

Pag nababanggit ang pangalang iyon, naaalala ko lahat. Lahat ng nangyari sa amin. Ano ba yan. Utak. Makisama ka nga. Aniversarry niyo ngayon ni Isaac. At wag mong isipin yang gagong yan.

"Uy. Punta na ako sa kwarto ha? Sumama ang pakiramdam ko eh." tugon ko at tumayo na ako at tumungo na sa kwarto..

*****
Vote!! Comment!! Dali!!

Boss ko si "EX" classmate?! (Classmate's Book II) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon