^Ika labing-dalawang Yugto^

411 17 0
                                    

Tim...

"Seryoso ka? Gusto mong makipagtulungan sa aking gumawa ng kanta?" patawang tanong ko sa kanya

"Oo naman. Alam mo namang tayong dalawa lang ang magdadamayan dito." sagot nito.

"Brad. Hindi mo ba natatandan nung nag pair tayo sa isang activity noon? Tapos ikaw lang ang gumalaw? At ang nakakatawa pa, ako ang may mataas na score."  "Duh. Hindi ko makakalimutan yon. Pero kahit na. Sino pa ba ang magtutulungan dito? Matutulungan ba tayo ni Jake?"

Tama naman siya. Hindi naman kami matutulungan ni sir. Sa totoo lang, gustong gusto kong makipag tulungan sa kanya. Bakit? Kasi, masipag siya. Creative, ang optimistic. O. San ka pa? At besides, may experience na kami sa isa't isa. Kabisado na namin kung paano gumalaw at mag isip ang isa't isa kaya...

"Kelan mo ba gustong mag umpisa?" tanong ko sa kanya.

"Sa weekend. Tutal wala naman tayong pasok nun. Ano? Game ka?" sagot nito.

"Oo naman. Sa bahay niyo?" " Hindi. Sa bahay niyo." napaitigil ako sa aking pag kain dahil sa narinig ko

"Sa bahay?!" "Oo. May problema ba doon?" tanong niya sa akin. "Wala naman. Kaso, madumi sa kwarto ko." sagot ko sa kanya.

"O. Edi may tatlong araw ka pang maglinis." aniya at napatango nalang ako.

"Yes! Thanks Tim!! Pag nakapasok tong mga gawa natin, pramis ko. Magcecelebrate tayo." napahawak siya sa aking kamay sa sobrang saya niya. Napakalambot ng kamay niya. Ang kinis. Ayoko na tong bitawan. Napatingin ako sa kanyang mga mata. Kitang kita mo na sobrang tuwa niya.

"Hello kuya Tim!" natauhan kami nang marinig namin ang isang napka cute na boses mula sa babaeng nakatayo sa harapan namin. Nahiya tuloy kami kaya kinalas na ni Popo ang pagkakahawak niya sa kamay ko at bumalik na rin ako sa huwsiyo ko.

"O Yna. Kamusta na?" tanong ko sa kanya. "Maupo ka." dagdag ko.

"Eto po. Namomroblema. Ang hirap ng nabunot ko eh." aniya sabay upo sa tabi ko. "Eh ano bang nabunot mo?"

"Love." mahina niyang tugon. "Alam mo. Ading, madali lang yan." ani Popo.

"Eh kuya pogi." sagot ni Yna. "Mahirap sa akin kasi hindi ako naniniwala sa forever." nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya. Parang gusto ko siyang sapakin at itapon sa bintana pero baka makulong pa ako.

"Nga pala. Yna, si Popo. Popo, si Yna." Pantanggal bwisit kong tugon.

"Oh My God. Umuulan ng gwapo. At ang masaya dun, nasa harap ko ang dalawa." nagtinginan kami ni Popo dahil sa sinabi ng batang to.

"Ahay. Maliit na bagay ading. Ok. Back to the topic. Anong mahirap? Bakit. Lahat ba ng love songs sweet? May bitter din naman." Ani Popo. "Ganito. Kung ano man yang dahilan ng pagkabitter mo, yan ang gawin mong inspirasyon sa pagsulat mo. Ok?" dag dag niya. Napaisip muna siya at tumango.

"Good. Pag may tanong ka pa, feel free to ask us." sagot ko. At ngumiti lang ito at umalis na.

FAST FORWARD
SABADO SA BAHAY NILA TIM..

"Paano ko ba to sisimulan?"

tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa blangkong papel na nasa mesa ko. Wala pa akong naisusulat ni isa. Tae naman (sorry sa pagmumura. Hindi ko na maiwasan eh.)

Mula sa mesa, sinilip ko si Popo na nasa kama ko, at busy sa pagsusulat. Aba. May idea na agad siya. Habang ako. Eto. Nga nga. Wala. Eh ang hirap kaya. Oo. May pinaghuhugutan ako pero problema ko rin yang pagpapatawad na yan ngayon eh. Pumunta ako sa tabi niya at sinilip ang kanyang gawa.

"Patingin nga ako." sabi ko at proud niyang ibinigay iyon sa akin. Teka. Ako lang ba ang nag iisip nito o sadyang ganito na to?

Ang corny. Ang tamlay ng mga joke niya.

"Ano brad. Ok na ba?" masigla niyang tanong sa akin. "Brad. Wag kang magagalit ha?" sagot ko habang nakatingin sa kanya. "May problema ba?" "Oo eh. Sa totoo lang, ang joke naman nito. Ang corny." sabi ko at tumamlay siya. Nalungkot. Hala. Hindi ko intensyong manlait. Wala akong balak na kutyain yung gawa niya. Pero bigla itong tumawa matapos ang ilang segundo.

"Hahaha. Sabi na nga ba. Buti nalang at tinignan mo yan brad. Tama ka. Ang corny ko ngang tao. Ang hirap pala ng ganito!!!!" sigaw niya sabay higa. Napaisip ako..

"Paano kung magpalit tayo." suggest ko. "What do you mean?" " Akong magsusulat ng kanta para sa topic mo, at ikaw ang magsusulat na akin. Palitan kumbaga."

Ngumiti ito ng malapad na parang batang nabigyan ng lobo. "Ang gandang idea niyan. Sige ba." sagot niya at nagsulat ulit kami.

Makalipas ng dalawang oras, natapos na rin namin sa wakas. Nag palit kami ng papel at sinimulan na naming basahin ang mga gawa ng isa't isa.

"Woah. Ang ganda nito brad. Salamat!" ani Popo habang binabasa ang aking obra. Oras naman para basahin ang kanyang gawa.

"Teka nga.. Popo." ani ko habang binabasa ang kayang gawa. "Op?" "Bakit.." "Di ba forgiveness yung sayo?" tanong niya at tumango naman ako.

Maganda siya. Meaningful. Pero parang malaking sampal para sa akin to eh. Every lyrics, parang sinasabing magpatawad ako.

Hindi. Hindi ako makokonsensya. Pero pramis. Natamaan ako doon. Well, tama nga naman. Forgiveness. Kaya hindi na ako nag reklamo pa.

Dahil gabing gabi na, at baka may mangyari pang masama sa kanya, dito ko na siya patutululugin.

"Uy. Dito ka na matulog. Gabi na o. Baka may Mangyari pa sayo sa labas. Ako pa ang may sala kung ganun man." anyaya ko sa kanya. "Ok lang sayo? Ang alam ko kasi dati, hindi ka nagpapatulog dito sa kwarto mo noon. Kahit si Jake nga hindi mo pinapapatu.." natigil nanaman siya sa pag salita dahil tinignan ko nanaman siya ng masama. Jake nalang palagi ang bukam bibig niya. Ano bang nangyayari dito? Kanina, yung kanta. Ngayon si Jake. Nakakahalata na ako sa lalaking to ah.

"Dati lang yun. Siya. Kunin mo nalang yung kutson doon sa may gilid at eto na yung unan at kumot mo." sabi ko sa kanya at kinuha naman niya ang kutson sa sinabi kong pwesto nito. Nang naayos na niya ito ay pinatay ko na ang ilaw at natulog na.

**********

Tama ba ang hinala ni Tim kay Popo? Gumagawa nga ba ng paraan si Popo para magkabalikan ang dating mga lovers?

**********

Vote!! Comment!! Dali!!

Boss ko si "EX" classmate?! (Classmate's Book II) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon