^Ika dalawampu't walong Yugto^

221 6 5
                                    

"Nothing can come between You and I..."

"Nothing nga ba talaga?"

Tim...

Ilang linggo na ang nakalipas simula nang nagpa ubaya si Isaac. Ilang linggo na din akong natulala, tahimik. Ilang linggo na rin pala kami ni Jake. Oo. Pinapasaya niya ako pag magkasama kami pero hindi pa rin maalis sa akin ang lungkot pag naalala ko si Isaac.

Hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos...

Hindi ko man lang siya napatawad ng maayos...

Hindi pa namin naayos 'tong gusot a pagitan namin...

" Ang lalim naman ng iniisip mo." Sabi sa akin ni Jake nang mapansin niyang tulala nanaman ako. Andito kami ngayon sa canteen, magkatabi sa mesa. Ok lang naman sa mga kasama namin 'tong relasyon namin. Pero may mga iba na hindi. Wala silang magagawa. "Wala 'to. Mema 101" sagot ko. "Si Isaac?" Tanong niya at medyo napatingin ako sa kanya. Walang emosyon yung mukha niya pero parang sa mata niya, kitang kita mo ang selos at lungkot na nararamdaman niya. Napatango nalang ako bilang aking sagot. "Sorry..." "Bat ka nagsosorry?" Aniya. "Kasi imbes na sayo, sa pamilya at sa trabaho ko itinutuon ang iaip ko eh, sa taong wala dito pa." Sagot ko.

"Ok lang. Naiintindihan ko yang nararamdaman mo. Halika nga dito." Sabi niya at mas nilapit ko pa ang katawan ko sa kanya para maakbayan niya ako.

"Alam mo bang ibinilin ka sa akin ni Isaac." "Weh. Anong sabi niya?" Tanong ko. "Ang sabi niya, alagaan kita ng mabuti, at mahalin kita ng buong buo. Ramdam mo ba yun?" Tanong niya sa akin. "Oo. Ramdam na ramdam." Malambing kong saad habanf hinaplos ang kanyang makinis na mukha at idinikit nito ang kanyang ilong sa aking ilong.

"Labyu Tim..." bulong niya. Naamoy ko ang kanyang hininga. Ang bango, mint na may halong kape. Yiee nakakakilig nemeeeen <3 "Labyu too, Panget" sabi ko at iginalaw nito pakaliwa't kanan ang kanyang ilong na nagbigay sensasyon sa akin upang makiliti.

Alas quatro na ng hapon ng umuwi kami. Syempre, sabay na kami ni Jake umuwi. Pati pagpasok.  Kaya doon na ako sa kotse niya sumasakay.

Pagbaba ko sa bahay, saktong dumating si Tinna na papasok na ng gate. Pero natigil siya nang makita niya si Jake. Nagulat siya nang makita niya ito at tila natulala pa. Palipat lipat ang kanyang tingin. Sa akin, kay Jake and vice versa. Ano yun? Nagwapuhan kay Jake? Hindi! Akin lang siya! Akin! Akin!!!! De joke lang. Pero natauhan din siya matapos ng ilang segundo at tumingin sa akin na tila nadismaya at napailing pa ito bago pumasok sa loob.

"Ah Jake, mauna na ako." Sabi ki at tumango naman si Jake. Nagpakawala muna ito ng flying kiss patungo sa akin pero di ko ito sinalo. Pa fall kasi ako. Char! Natawa nalang kaming dalawa at umalis na.

Pagpasok ko'y hinanap ko agad si Tinna para kausapin.

"Tinna..." pagtatawag ko sa kanya. "Andito..." sagot niya. Nasa kusina siya kaya dumiretso na ako doon.

Pagdating ko sa kusina, nandoon siya, nakaupo sa hapag kainan at may hawak na baso ng tubig. Nilapitan ko ito at umupo sa katapat nitong upuan. "May problema ka ba?" Tanong ko sa kanya at umiling ito. "Wala sa akin kuya. Sayo." Natigil ako nang marinig ko ang mga katagang binitawan niya. Sa akin? Sa akin ang may problema?

"Sa akin?" Tanong ko sa kanya. "At kay hayop na Jake." Sagot nito. Hayop? Si Jake? Aba. Bastos tong batang to ah. "Wag na wag mong matawag na hayop si Jake." Paalala ko sa kanya pero natawa lang siya. Tawang may halong inis at pagkadismaya. "You fell in love 'again' into a wrong person with his fucking sweet and romantic shits." Sabi niya. Tinigasan niya talaga yung salitang again para daw tamaan at maramdaman ko. Ede waw. "Ano bang pinagsasabi mo Tinna?! Hindi na 'to maganda. Hindi na maganda 'tong mga sinasabi't inaaasal mo." Sigaw ko sa kanya.

"Hindi mo ba naiintindihan kuya?!" Napatayo siya sa sobrang galit. Wow. Siya pa ang may ganang magalit eh ako nga 'tong inaaway at sinisiraan ang boypren ko.

"Eh paano kita maiintindihan?! Ipaintindi mo sa akin hindi yung puro sagot ang binibitawan mo." Sigaw ko sa kanya. Sakto namang dumating si mama. "Anong kaguluhan 'to?!" Aniya. Napatingin kaming dalawa kay mama. "Ma, kausqpin mo nga 'tong si kuya!" Sabi niya bago umalis. "Nga pala..." dagdag niya.

"Huwag kang iiyak sa akin pag hindi ikaw ang pinili niya sa huli. Dahil ginusto mo yang kinalalagyan mo." Madiin niyang sabi sa akin at tuluyan nang nilisan ang kusina.

"A- ano bang pinag aawayan niyo?" Tanong sa akin ni mama. Napaupo nalang ako sa upuan dala ng pagkagulo gupo ng aking isipan.

Anong ibig niyang sabihin? Anong hindi ako pipiliin? Ako lang naman ang mahal niya di ba?

Ako nga lang ba talaga?

Paano kung tama nga si Tinna?

Paano kung... Hindi lang ako. Hindi lang ako ang mahal niya? Na may isa pa siya?

Bakit ba ako nag iisip ng mga ganitong bagay? Hypothesis palang naman ang mga narinig ko mula sa aking kapatid. I already jumped to the conclusions without proving or testing my hypothesis. Pero ramdam ko naman ang pagiging loyal niya sa akin. Sa halos ilang linggo na ng relasyon namin, ako lang ang priority niya. Ilang beses niyang sinasabi at pinaparamdam kung gaano niya ako kamahal at pinapatunayan niya sa akin na ako lang ang mahal niya.

Pero paano kung tama pala ang mga hinala ko?

**********

Ano yung nalaman ni Tinna? Paano niya nalaman? Tama nga ba ang mga iniisip ni Tim? Bakit pasulpot sulpot ang nanay ni Tim? Tadhana ba ito o sadyang echosera lang siya? Bakit puro sagot ang sagot ni Tinna? Alam mo kung bakit? HINDI PA kaya abangan natin ang susunod na kabanta :)

**********

Vote!! Comment!! Dali!!

Boss ko si &quot;EX&quot; classmate?! (Classmate's Book II) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon