^Ika labing-limang Yugto^

339 11 0
                                    

Our hot and poging Isaac sa itaas. 😊😊

Tim...

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa bahay nila Karl. Nagising ako ng madaling araw at sinabihan siyang uuwi na ako. Hindi na siya sumagot dahil inaantok pa siguro to. Kaya lumabas na ako ng bahay nila at tinahak ang kalye papunta sa amin.

Pagdating ko sa bahay, humiga na agad ako sa kama ko at pinilit kong matulog kasi hindi na talaga ako makatulog. Dala ata ng paglakad ko kanina. Ginanahan ako. Kaya. Nakamulat lang ako hanggang sa hindi ko namalayan, umaga na pala. Bumaba muna ako para magpakita kay mama.

Pagbaba ko, walang mama ang bumungad sa akin. Namalengke siguro ng mga karne at gulay. Wala rin si Tinna. Bigla kong naalala. Lunes pala ngayon. Shit. May pasok din pala ako. Pero hindi muna ako papasok. Medyo masama pa ang timpla ko. Dulot ng away namin ni Isaac. At ayoko ring magpakita kay sir. Nakakabanas eh. Kaya hindi  na muna ako papasok.

Skti namang tumawag si Karl.

"O. Napatawag ka." "Uy. Nasaan ka?" tanong niya sa akin. "Andito. Sa bahay. Bakit?" sagot ko sa kanya. "Langya. Pinakaba mo ako eh. Akala ko kung saan ka na napunta." aniya.

"O. Safe na ako. Nakauwi na ako. Babye na. Mag aral ka. Wag haliparot." sabi ko at binaba ko na ang telepono.

Paglabas ko ng bahay, mag gogrocery ako. Wala na kaming stock eh. Nakita ko si Isaac. Papunta sa akin. Ayan nanaman siya. Nag iba ako ng direksyon para iwasan siya pero nahabol niya ako.

"Tim. Usap naman tayo o. Kahit saglit lang." aniya. Pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Bagkus ay dirediretso lang ako sa pag lakad.

"Tim.." pangungulit niya sa akin. "Wala naman tayong pag uusapan ah." sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya. Nagulat nalang ako ng yakapin niya ako ng mahigpit at ang masaklap pa, madaming tao. Pero buti nalang at hindi nila kami pinapansin.

"Tim. Wag nang pabebe." bulong niya sa tenga ko.

*****

Jake...

Papunta na ako ngayon sa ANB. Late na ako. Pero ok lang. Ako naman ang Boss nila eh.

Nakadungay ako sa bintana ng aming kotse at nilalasap ang hangin mula sa labas.

Ang amoy ng tinapay...

Amoy ng mga halaman...

Amoy ng mga taong bagong gising. (yuck.)

Pero pumukaw sa aking atensyon ang dalawang lalaking nagyayakapn sa harap ng grocery. Ang lakas ng loob. Pero nagulat ako nang makita ko kung sino iyon.

Si Isaac.

At Tim.

"Hindi siya papasok?" tanong ko sa sarili ko pero obvious na ang sagot. Hindi nga. Dahil inuna pa ang pakikipag landian kaysa pumasok sa trabaho. Hay. Nakakabadtrip.

Bakit ako na babad trip? Selos? Hay nako.

"Kuya. Pakibilisan na po. Malelate na ako eh." utos ko kay kuya driver at sinunod naman niya ito.

*****

Tim...

"Tim. Wag kang pabebe." bulong niya sa tenga ko. Parang nangaakit ang kanyang tinig. Nadadala ako. Ano ba Tim? Ang bilis mo namang lumambot pag si Isaac ang nang gaganyan sayo. Hay. Biglang nagbago ang mood ko.

"Bitawan mo nga ako. Lubayan mo muna ako pwede?" bulalas ko sabay kalas sa kanyang yakap at pumasok na sa grocery.

KINAGABIHAN...

"Bat hindi ka pala pumasok?" tanong sa akin ni Popo thru chat.

"Wala. Medyo masama pakiramdam ko eh." reply ko.

"Hinahanap ka ni Jake 'your loves' kanina. <3 <3" at may heart heart pa talaga.

" Anong Your loves? Yuck. Kadiri ka hindi na ako nagulat na hahanapin niya ako." reply ko nanaman.

"Ay nga pala.." una niyang sagot.

"Pumasok ka na bukas. Bukas na din kasi ipapakita kay sir yung ginawang kanta." sabi niya at sineen ko nalang.

Bukas na pala. Hindi ko pa na praktis kantahin. Pero sa piano, napraktis ko na kanina.

Malalim ang isip ko tungkol dun ng may naririnig akong kumakanta galing sa ibaba.

"Sorry na. Kung nagalit ka."

pag tingin ko, si Isaac. May hawak na gitara. Ano nanamang pakulo ng mokong na to?

"Kung nagalit ka."

"Hindi naman sinasadya"

"Kung may nasabi man ako, init lang ng ulo."

"Tim! Tong alaga mo. Kumakanta nanaman sa harap ng bahay." ani mama habag nanonood ng tv. Kaya. Bumababa na ako  at pinuntahan siya.

Pagdating ko doon, kunwari, naiinis daw ako para tumigil siya. Pero. Mas nilakasan pa niya eh. Kaya umalis na ako.

"Tim. Sorry na. Please." aniya habang sinusundan ako papasok ng bahay.

"Uy Tim. Sorry na." Nahabol niya ako sa kusina at niyakap na ako.

Hindi na kaya ng konsensya ko.

"Ikaw kasi eh. Ang bilis mong manghusga." sagot ko.

"Pagod lang kasi ako. Pagkatapos ng duty ko, dumiretso na ako dito pero siya yung nadatnan ko. Kaya. Sorry na." panlalambing niya sa akin sabay halik sa aking pisngi. Hinarap ko na siya at kinurot ang kanyang ilong. Hindi ko siya matiis eh.

"Ma pahiram ako ng..  Ay jusko! Oy!! Anong ginagawa niyo?!" gulat na tanong ni Tinna nang nakita ang lampungan namin.

"Wag mo nalang kaming pansinin." sagot ko at nag nose to nose kami. Inaamin ko. Kinikilig ako. Haha.

**********

#IsIm is hart hart!!

**********

Vote!! Comment!! Dali!!

Boss ko si &quot;EX&quot; classmate?! (Classmate's Book II) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon