Tim..
Naglalakad na ako sa hallway ng Building patungo sa Music Room nila. Itinuro na ni ate Information Desk ang daan. Kilala na niya ako eh.
Tama. Eto na nga ang unang araw ko bilang Song writer. Kinakabahan ako.
Pagpasok ko sa nasabing music room, bumungad sa akin ang ingay ng mga tao sa loob, ang amoy ng mga instruments, amoy kahoy, bakal at kung ano ano pa. Isama mo na ang amoy ng mga hininga ng mga tao. May mabaho, may mabango. Ang sama ko. Hahaha. Naghanap ako ng mauupuan. Nilibot ko ang aking mata, kanan, kaliwa, gitna, harap, gitna, likod, ayun! may isa pang extrang upuan sa likuran. Tinungo ko ang direksyon patungo doon bago pa ako maagawan.
Pagkaupo ko doon, inayos ko muna ang pwesto ng aking gitara na ngayo'y wala nang kwenta at dahilan para dalhin ko dito. Ang daming mga musical instrument s dito eh. kumpletong kumpleto. Habang inaayos ko ang aking gitara, may isang lalaki ang nagtawag sa akin.
"Uy. Tim! Tim!" sigaw nito. Tinignan ko ito at kinawayan ako nito. Teka, kilala ko to. Namumukhaan ko siya eh. Nilapitan ko ito ng hindi umaalis sa aking upuan.
"Ako to. Si Popo. Remember?" Naliwanagan ako nang sinabi nito ang kanyang pangalan.
"Popo? Popo! Uuuyy!! Kamusta na? Ang tagal din kitang hindi nakita ah!" Bati ko sa kanya na nakangiti.
Siya si Popocatepetl Ramos. Ka batch ko siya sa high school noon. Grabe. Ang layo ng mukha niya ngayon. Nerdy siya dati. Siya ang Valedictorian namin noon. Ako, Haha. 1st Honorable Mention lang. So ya ang kasa kasama ko kapag group projects lalo na kapag Science. Kapag Biology, Chemistry at Physics. Pero after graduation, wala na akong balita sa kanya.
"Eto. Graduate na rin. Sa wakas. haha. Ikaw. Musta na? Grabe. Ang tototoy pa natin noon. Pero ngayon. Tignan mo naman. Gwapo na." Biro nito at nagpatuloy ang aming pag uusap.
-----CUT-----
Jake..
"Andun na ba silang lahat?" tanong ko kay Lucy, si Information Desk Girl kung andun na lahat ng mga bagong empleyado ng aming kumpanya.
"Yes sir. Kumpletong kumpleto." aniya at tinungo ko na ang Music Room.
Pagpasok ko sa nasabing silid, bumungad sa akin ang napakaingay na paligid. May kumakanta, nagtatawanan at may mnga nag uusap. Ngunit naitigil sila nang nakita nila ako.
"Hello everybody. Good Morning. Im Jake Marion Buenavista, ang bagong CEO ng ANB Entertainment. And, welcome nga pala sa aming kumpanya na kung saan, " Imagination, creativity and wisdom wins.". Bilang unang araw ng inyong trabaho, i want yo.meet you all guys. Pakilala kayo isa isa start sayo." sabay turo sa babaeng nasa harapang kanan ko.
----------
Tim..
Habang nag uusap.kami na Popo, biglang natahimik ang lahat.
"Hello everybody. Good Morning..." napatingin kami ni Popo sa nagsasalita sa harapan.
Hindi..
Hindi siya yan...
" Im Jake Marion Buenavista, ang bagong CEO ng ANB Entertainment. "
"Uy. Si Jake pala oh. Siya na pala ang CEO. Ang liit naman ng mundo oh." ani Popo na nabibilib pa.
Tama. Napakaliit nga ng ating mundo. Andito si Jake. Ngayon. Siya ang CEO ng ANB Entertainment. Ang masaklap, siya pa ang makakasama ko dito. Sa trabaho ko. Paano na yan? Mukhang susuko na ako.
"Ang gwapo talaga niya. Ahahay! Ang sarap magtrabaho!" ani ng babae sa harap ko.
"Kung alam mo lang." bulong ko. Halo halo na ang emosyon ko. Galit, sakit, saya, lungkot at kaba. Diyos ko, ani ba tong pinasok ko?!
"Uy. kuya ikaw na." sambit sa akin ng isang dalaga sa tabi ko.
"A-anong gagawin?" tanong ko. "Magpapakilala ka kay sir pogi." sagot nito. Magpapakilala daw ako.. Ano?! Huwag na. Kilala naman na niya ako eh. Ako lang naman ang taong ginawa niyang tanga. But i ended up by standing and introducing myself to him. Teka. Huy. Timothy. Anong ginagawa mo?! Bakit ka tumayo?! Hay.. Bahala na nga.
Pagkatayo ko. Nagtagpo ang mga mata namin. Laking gulat niya ng nakita niya ako.
"Ha.. Hi sir. Im Ma.. Mark Timothy Alvarez, and i applied as song writer in your company sir." pagkatapos kong ipakilala ang sarili ko, sa taong kilalang kilala na ako, na kinaya akong sayangin at iwan, umupo na agad ako.
"Ano. Kamusta naman ang nararamdaman mo?" tanong sa akin ni Popo.
"Hay. Wag mo nag itanong." sagot ko.
"Di ba nung high school eh sikat na sikat kayo dahil sa relasyon niyo? kamusta naman? staying str..ong.." naputol ito dahil sinamaan ko ito ng tingin. tumahimik na ito at tumingin ulit sa harapan.
"Hello po kuya Tim. Yna nga po pala." ani ng babaeng nakusap ko kanina. si Dalaga.
"Uhm, hi Yna. Bat ka pumasok dito?" tanong ko sa kanya. Ang bata pa niya eh.
"Kasi po, para sa kinabukasan ko. College palang po ako. At hindi po kinakaya ni nanay na paaralin ako. Wala na kasi si tatay. kaya, namasukan ako dito." aniya. Kawawa naman pala tong batang to. pasalamat sa diyos at may kumpleto pa akong pamilya.
matapos nun ay pumunta ako sa banyo. Pagdating ko sa banyo, tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
"Pano na yan Tim? Anong gagawin mo?" tanong ko sa sarili ko. Naghilamos ako ng mukha upang marefresh ako. Biglang nagbukas ang pinto. Hindi ko inaasahan ang pumasok. Siya. Oo. siya.
**********
Yan na!! Hindi inaasahan ni Tim na CEO pala ng ANB si Jake. At ang masama, makakasama niya ito sa kanyang trabaho. Nakilala na rin natin si Popo. Pumasok na rin si Yna. Ano kaya sila sa buhay ng ating mga bida? Sino ang pumasok sa banyo? Atin pang malalaman sa mga susunod na kabanata.
**********
Hi readers!! Ako'y nagbalik kasama ang ang isang pasabog. Haha. Sana nag enjoy kayo. Marami pang pasabog sa mga next chapters. Salamat sa malaking suporta at sana wag kayong magsawa sa pagsuporta!!
Grae_xyz™
-----
Vote!!! Comment!!! Dali!!!
BINABASA MO ANG
Boss ko si "EX" classmate?! (Classmate's Book II) - ON HOLD
RomanceIlang taong pagkawalay.. Ang pagbabalik.. Galit.. Puot.. Sakit at Pighati.. Nagbago ang daloy ng ilog.. Mababago mo pa kaya ulit ito? Kahit alam mong wala ka nang bangkang Pinaninindigan at ang bangkang iyon ay may iba nang tagapamahala? ©2015 *Stop...