^Ikawalong Yugto^

438 22 0
                                    

Jake..

Habang nakikipag kuwentuhan sila sa akin, may isang lalaking sumulpot sa may tabi ko.

"Sir.." sabi niya na may kasamang tapik. Hinarap ko siya. Ngunitian niya ako. Teka..

"Popo? Ikaw ba yan?" tanong ko at tumango naman ito.

"Naks. CEO na siya. Haha. Umaasenso si loko." sabi nito.

"Hindi naman. Pinamana lang sa akin."
"Nga pala. Andito pala si Tim. Bakit wala na kayo?" napatingin ako sa kanya nang sinabi niya ang mga iyon. Nilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Wala. Hindi ko siya mahanap.

"Wala na kami. Matagal na. Bakit mi natanong? " tanong ko at umiling lang ito. Bakit niya kaya natanong agad?

Patuloy ko parin siyang hinanap sa palibot ng music room pero wala siya. Nagpakilala pa siya kanuna sa harap ko eh. Imposible namang umalis agad siya eh hindi pa ako nagpapaalis ng mga tao dito.

Upang mahimasmasan, pumunta ako sa pinakamalapit na cr upang magmunimuni. Pagpasok ko sa banyo, hundi ko inaasahan ang taong nasa loob nito.

Si Tim.

Tim...

"Tim. " aniya. Oo. Siya ang taong pumasok sa cr. Alam kong mangyayari ang kaganapang ito pero, bakit ngayon? Hindi pa ako handa.

Mabilis niya akong nilapitan at niyakap ng napaka higpit. Habang ako, naninigas parin sa aking pwesto. Anong gagawin ko? Tim.. Isip.. Isip..

"Bitawan mo ako. "utos ko sa kanya.

"Hindi." tanggi nito. "Hinding hindi na kita bibitawan. Hindi na kita iiwan. " dagdag nito. Aba. Ang tigas ng ulo ng gagong to ah.

Ako na mismo ang kumalas sa kanyang mahigpit na yakap.

"Hindi mo na ako iiwan? Ha Jake? Hindi mo na ako iiwan? " pasigaw kong tanong sa kanya.

"Please. Let me explain.. " aniya.

"Walong taon. Walong taon Jake. Tangina. Nawala ka tapos bigla kang lilitaw? Iniwan mo ako sa ere Jake. At alam mo. Walong taon akong naghintay. Naghintay na, babalikan mo ako. Pero wala eh. Walang Jake ang dumating. " sa sobrang galit ko ay napaiyak nalang ako.

"Pamilya ko ang nanira sa atin. Pilitin ko mang kumalas at tumakas, wala. Ayaw parin. " sagot nito.

"Alam mo, tama ka. Pamilya MO.. " diniinan ko ang salitang mo. "Pamilya mo ang sumira sa atin. Miyembro ka rin ng pamilyang yon. Isa ka rin sa mga sumira. Sinira mo lahat Jake. Lahat lahat. " dagdag ko at naghari ang katahimikan sa paligid ng cr.

"Mabuti pa. Kalimutan nalang natin lahat. Lahat ng nangyari sa atin." pagputol ko sa nakakabinging katahimikan at lumabad na sa pinto ng cr.

"Tim.. " pagpigil nito sa akin. "Napatawad mo na ba ako?" tanong nito. "Napakabait ko naman para patawarin ka agad agad. Hindi pa magaling itong mga sugat na ibinigay mo sa akin." sagot ko at umalis na sa cr.

**********

Yan na po ang bagong update! Sorry maikli lang. Tinatamad ako eh. Haha. Next chapter mas mahaba na. Promise yan. :)

~Grae_xyz

**********

Vote!! Comment!! Dali!!

Boss ko si "EX" classmate?! (Classmate's Book II) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon