^Ika labing-isang Yugto^

415 17 0
                                    

Tim...

Nagising akong wala na ang dalawa sa kwarto ko. Baka umuwi na. Nag inat muna ako at tinignan ang orasan. Alas otso na pala.

"Shit!! Late na ako!" sigaw ko at kumaripas ako ng takbo papuntang cr para maligo.

Wala pang limang minuto, nakaligo na ako. Nagmadali na akong magbihis pero kailangang gwapo pa rin akong lalabas sa bahay. Pagkatapos magbihis at siguraduhing gwapo na ako, dali dali akong bumaba para umalis na pero naantala iyon ng nakita ko si Karl at Isaac, kasama si Mama sa mesa at kumakain ng almusal.

"O anak. Kumain ka na muna." imbita sa akin ni mama.

"Hindi na po ma. Late na ako sa trabaho eh." sagot ko kay mama.

"Halika na. Hahatid na kita. Sakto. Uuwi na rin ako eh." sabi ni Isaac sabay higop sa kanyang kape.

"Mauna na po kami tita. Hahatid ko pa po tong batang to." ani Isaac sabay akbay sa akin.

"Sige na. Bye anak." sabi ni mama at umalis na kami.

-----

"Ang sweet nila no tita." sabi ni Karl habang pingmamasdan ang dalawang tinutungo ang labas ng bahay.

"Oo nga eh. Buti nalang at nahanap din nila ang isa't isa." ani ng mama ni Tim.

"Ay oo nga pala. Maglalaba pa ako. Tutal ikaw nalang ang nandito at suki ka namin, ikaw na ang maghugas ng mga iyan ha?" utos nito kay Karl.

"Hehe. Ok po tita." sagot ni Karl. At umalis na ang nanay ni Tim at kinuha ang mga maruruming damit sa taas.

"Hay nako. Ako na ang bahala sa inyo. Lilinisan ko kayo ng maiiging maigi." sabi ni Karl sa mga plato, kutsara, tinidor at mga baso at kinuha na ang mga ito at inilagay sa lababo.

-----

"Ayan. Andito na tayo." ani Isaac. Nakarating kami sa ANB ng matiwasay gamit ang motor niya, limang minuto bago ang call time namin.

"Thank you Isaac. Kita nalang tayo mamaya." sagot ko at tumakbo na papasok sa building.

Pagdating ko sa music room, andoon na silang lahat. Pati si sir.

Lagot na.

Unti unti kong binuksan ang pinto, dahilan upang mapatingin sila sa kinalalagyan ko. Pati si sir. Oo. Sir na ang tawag ko sa kanya simula ngayon. Ipapamukha ko sa kanya na wala na talaga kami. At wala na siyang babalikan sa akin. Kaya wag na kayong magtaka kung sino yang sir na yan sa mga susunod na mangyayari.

"Sorry sir. Im late." tugon ko at pumasok na ako sa loob. Ngumiti lang ito at tinuloy ang kanyang ginagawa. Uy. Gusto ko yan. Walang pansinan.

"Ok. Uulitin ko. Para sa nalate.." sabay sulyap sa akin. Aba aba aba naman. Mang aasar pa ata to ah.

"Unang gawain niyo dito as a trainee ay ang paggawa ng kanta. Ganito Mr. Alvarez. Pabubunutin ko kayo ng mga topic na gagawan niyo ng kwento..." ang sinasabi niyang kwento ay ang lyrics ng gagawin naming kanta."within one week. And, ipaparinig ninyo sa amin isa isa ang mga nagawa niyo and then pipili kami ng Top 5 na kung saan, ilalabas namin siya sa tv, radio, youtube, itunes, spotify at mga cd stations nationwide. Pero..." putol nito.

"Hindi kayo ang kakanta. Ang mga artists ng ating entertainment."

Eto na. Nararamdaman ko na. Ramdam na ramdam ko na ang pagiging songwriter ko. Magiging exciting ito. Nagsimula nang bumunot ang mga tao sa kahon na nasa harap. Lumapit ako at nakita ko ag mga ekspresyon ng kanilang mga mukha. May kinakabahan, may masaya, natawa, at nanhinayang kung bakit pa niya pinalitan ang kanyang nabunot. Eto na. Papalapit na ako sa kahon ng kapalaran. Sinilip ko ang laman. Sakto. Iisa nalang ang nasa loob nito. Kinuha ko ito ng nakapikit. Bumuntong hininga muna ako bago ko ilantad ang aking nabunot.

Niloloko ba ako nito o sadyang itinadhana sa aKin ito. Kasi pakiramdam ko, niloloko ako at itinadhana sa akin ang topjc na ito.

Ang nabunot ko ay tungkol sa..

Forgiveness.

"Talaga? Forgivness pa talaga ang nabunot mo?" tanong sa akin ni Popo habang nakaupo sa cafeteria at ninanamnam ang kanyang mainit na kapehabang ako, hindi makain ang inorder kng spaghetti dahil doon.

"Uh. Oo. Isa iyong sumpa. Sumpang pang habangbuhay. Itinadhana sa akin iyon dahil, may dahilan siguro yun. Teka. Ano ba yung sayo?" tanong ko sa kanya.

"Matutuwa ka. Its all about.." "Pagkain." tanong ko at umiling naman ito. "Sabi mo ikatutuwa ko?" "Yup. Because it is all about fun." tinignan ko lang siya ng blangko ang akong ekspresyon. Nang iinis to eh.

"Yeah. Its all about fun but you got no jams dude. Ang corny mo. Mapapasubo ka rin diyan." biro ko sa kanya.

"At least. Hindi ako nag iisang machachallenge sa gagawin niya." sabi niya habany nakasabit ang kanyang mapanuksong tingin. Ibang klasr tong taong to eh. Nag evolve ng sobra sobra parang Pokemon. Dati, mukha siyang uuod pero ngayon, ang laki na ng katawan niya, ang gwapo, pero mas gwapo pa rin talaga ako.

"Hay nako. Pinaalala mo nanaman. Ang hirap mag isip ng lyrics kung nakapaligid lang yung taong hinding hindi mo mapatawad tapos, pagpapatawad pa ang napunta sayo..." "Really?" isang boses ang ikinabigla kong narinig. Boses ni sir. Sabi ko sa inyo. Nakapaligid lang tong taong to. Eh paano, sa kanya ang building na ito.

"You'll write a song about forgiveness?" tanong niya sa akin at tumango naman ako.

"Then, good luck. Mahirap para sayo yan. Magpatawad ka na kasi para madali." aniya at umalis na. Hahabulin ko na sana siya at sasaksakin gamit ang tinidor na ginagamit ko pero pinigilan ako ni Popo. Hinawakan niya ako sa kamay. Matagal ba bago mag sink in sa utak ko na magkahawak kami ng kamay. Nang marealize ko iyon, ako na mismo ang nagtanggal.

"Relax lang kasi brad. Magagawan mo rin yan ng paraan. Waf pairalin ang galit." pangaral niya sa akin at konting katahimikan.

"Alam ko na." Napatingin ako sa kanya.

"Magtulungan tayong magsulat ng kanta nating dalawa."

**********

Two boring chapters. Wag kayong magsawang mag vote ha? Hindi ko pa kasi tanggap na 5th ang UST sa NCC finals eh. Sorry.. T^T

**********

Vote!! Comment!! Dali!!

Boss ko si "EX" classmate?! (Classmate's Book II) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon