Tim...
Simula nang nangyari kagabi, mas lumakas ang pundasyon ng relasyon namin ni Isaac. Hindi pa rin maalis sa aking mukha ang bakas ng ngiti at kilig na iniwan niya.
"Ma punta na ako." paalam ko kay mama.
"Teka teka." lumapit siya sa akin at tinignan ang aking mukha. " Ang gwapo mo ah. Ano bang nangyari kagabi? Hindi ko napanood eh. Iba ang pinanood ko. Yung Dolce Amore ba." tanong sa akin ni mama.
"Mamaya ko na ikukwwento ma. Aalis na ako. Malelate na kasi ako ma eh. Babye!" at tinahak ko na ang daan papunta sa akong trabaho.
Pgdating ko doon, kokonti palang ang tao. Wala pa si Popo. Baka late lang. Sakto namang napadaan ako sa pwesto ni Ate Lucy the information desk girl.
"Ay buti dumating ka na. Kahapon ka pa hinahanap ni sir. Bat hindi ka pala pumasok?" tanong niya sa akin.
"Medyo masama po ang pakiramdam ko eh. Kaya hindi muna ako pumasok." sagot ko.
Pumasok muna ako sa music room para tignan kung ano ang gagamitin kong instrumento mamaya. Hindi pa ako sure sa piano kasi medyo hindi pa ako bihasang gamitin yun. Gitara, ukelele, ah basta. Nagsimula na ring dumami ang tao. Nakita ko na rin si Popo pero nagtago muna ako. Kasabay niya pumasok si sir. Pagpasok niya, kinausap niya muna si Ate Lucy. Parang ang seryoso ng usapan nila ah. Tumango nalang si Ate at nginitian siya ni sir at tinahak ang daan papunta sa office niya.
Bumalik na ako sa music room at kinuha ang gitara pero napansin kong sira ang isang string nito. Kaya lumabas na muna ako ng room para bumili sa labas.
"Uy. Alvarez." tawag sa akin ni Ate Lucy nang makita niya akong palabas ng building. Lumapit ako sa kanya.
"Pumunta ka daw kay sir. Asap."
Bakit niya ako pinapatawag? Baka tungkol sa pag absent ko kahapon. Walang ano ano'y pumunta na ako sa office ni sir. Mamaya na ako bibili ng string.
Pgdating ko doon, bigla akong inatake ng kaba. Bakit naman ako kakabahan eh tatanungin niya lang naman ako kung bat wala ako. Nilapitan nanaman ako ni O.A..
Bumuntong hininga muna ako at kumatok sa pinto.
"Come in." sagot niya at dahan dahan akong pumasok.
"Sir. Pntawag niyo daw po ako." "Ay oo. May tatanungin lang sana ako." sagot niya at marahan akong tumango.
"Bakit ka absent kahapon?" sabi na nga ba. Tama ako.
"Ah. Sir. Masama po pakiramdam ko kahapon eh." sagot ko.
"Masama ang pakiramdam." sabi niya habang may sinusulat sa papel. "Opo."
"Masama ang pakiramdam tapos nasa labas?" nagulat ako sa mga sinambit niyang mga kataga. Nakita niya ako sa labas. Baka nakita niya rin yung tagpong niyakap ako ni Isaac. Lagot na.
"Eh sir. Kaya lang ho ako lumabas para mag grocery kasi wala po akong kasama sa bahay." nakahanap ako ng palusot. Sana tumalab.
"Hmmm. Ok lang sana sa akin. Na masama ang pakiramdam at nag grocery. Kaso.." aniya.
"May ginagawa ka pang iba. Sino yung kayakap mo kahapon?" tama ang hinala ko. Nakita nga niya kami.
Hindi na ako nakasagot sa sobrang hiya. Parang umurong yung dila ko. Nakakahiyang nakita niya kami sa labas at nakakahiyang nagsinulangin na nga ako sa kanya, nahuli pa rin ako kahit anong gawin ko.
"So.. Sorry po." sabi ko sa kanya pero wala siyang imik.
"Kamusta naman yung ginawa mong kanta?" tanong niya sa akin. Seryoso na siya. Teka. Nainis ba siya sa nakita niya kahapon? Bigla kasing nag iba yung timpla niya eh.
BINABASA MO ANG
Boss ko si "EX" classmate?! (Classmate's Book II) - ON HOLD
RomanceIlang taong pagkawalay.. Ang pagbabalik.. Galit.. Puot.. Sakit at Pighati.. Nagbago ang daloy ng ilog.. Mababago mo pa kaya ulit ito? Kahit alam mong wala ka nang bangkang Pinaninindigan at ang bangkang iyon ay may iba nang tagapamahala? ©2015 *Stop...