^Ika dalawampu't pitong Yugto^

199 5 1
                                    

Isaac...

Bago ako umuwi sa bahay para mag empake at mag pahinga na rin, pumunta muna ako kila Jake. Gusto ko rin siyang maka usap eh. Pagbabantaan ko na rin ang buhay niya. Iiinform ko na rin siya na may papatay na sa kanya pagkauwi ko. Joke. Oo na. Hindi na nakakatawa. Hindi ako magaling na joker. Hay.

Kaya ako pupunta para ibilin sa kanya si Tim. Ibilin na alagaan at mahalin niya si Tim ng buong buo na dapat ako ang gumagawa kay Tim nun ngayon.

Mumunting namuo ang mga luha sa aking talukap at pilit silang hindi pakakawalan pero may isang nakawala kaya sinampal ko siya. Ang sakit. Sobra. Ngayon ko lang Napatagtanto na sinampal ko pala ang sarili ko. Ang tanga. Ahahaha

Nang makarating ako sa bahay nila, may guard na nag aabang sa may gate nila. Nainform ba siya na susugod ako dito?

"Kuya. Asan boss niyo?" Mala siga kong tanong ko sa guard nila na nagungulangot. "Thinong both?" Tanong niya habang nagungulangot pa rin. "Yung Jake." Sagot ko habang pinagmamasdan siya habang binibilog pa ang kulangot na nakuha niya. Nagulat ako nang kainin niya yun. Puta. Ang dugyot nito ah. "Ah. Nasa loob. Anong pakay mo sa kanya?" "Kakausapin ko lang. Wag kang mag alala. Di ko papaalam na kumakain ka ng kulangot." Sabi ko at binuksan na niya ang gate.

Pagpasok ko ng gate, tumambad sa akin ang isang lalaki na nakaupo sa isang bench na nasa garden nila at may binabasa na libro. Yup. Si Jake yun. Napatingin sa akin ang nasabing lalaki at ngumiti ito. Nginitian ko rin ito at lumapit sa kanya. Gwapo din naman tong si Jake. Chinito (ako na nagsasabi. Totoo yan) matangkad, maputi, mabait, hot, teka... Ew. Ew. Mas hot ako kesa sa kanya. Kaya nga siya minahal ni Tim eh. Kasi mahal niya si Tim. Bobo.

"Napadaan ka. Anong atin?" Tanong niya sa akin nang makaupo na ako sa bench na inuupuan niya. "Ah... may gusto lang naman akong pag usapan eh. Pag uusapan natin." Sagot ko. Medyo natigilan siya nang sabihin ko sa kanya yun. Parang ba nakakita siya ng multo. Problema nito?

"Ah... Tungkol saan ba yung pag uusapan natin?" May halong kaba niyang tanong. May kakaiba sa kanya. Ang weird talaga.

"Tungkol kay Tim..."

Kaunting katahimikan...

Putang ina bakit ganito tong dalawang utong na to? Pag sasabihin ko na yung pakay ko tatahimik sila bigla? Ganun na ba? Ako palagi ang gagalaw at mag aadjust para sa kanila? Hay. Bagay nga sila.

"Anong meron kay Tim?" Tanong ulit niya. "Hindi sa kanya..." sagot ko. "Sa inyong dalawa." At isa nanaman nakakapunyeta na katahimikan. Punyeta.

"Alam mo, ang sakit. Ang sakit makitang kayong dalawa na naglalambingan, masaya sa isa't isa. Minsan, napaisip ako, anong meron kay Jake na wala ako?" Kwento ko at nakikinig naman siya. "Ok lang na hindi mo sagutin. Hindi naman ako insecure sayo. Naniniwala naman ako na 'God created us perfectly in our own ways'. Alam kong naging masaya siya sa akin pero ibayong sakit din ang naibigay ko sa kanya. Sorry pala Jake sa nagawa ko. Sorry." Dagdag ko sa kwento ko.

"Wala yun. Naiintindihan kita. Alam ko naman na ginawa mo iyon dahil mahal mo siya. Bakit ako magagalit sayo eh minahal mo rin naman siya katulad ng pagmamahal ko sa kanya?" Aniya.

"Salamat. Pero gusto kong ipaalam sayo na, nag paubaya na ako." Napatingin siya sa akin ng bitiwan ko ang mga katagang iyon. "Nag paubaya? Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya. Well, magulo din akong kausap minsan. Hahaha

"Tutal aalis naman na ako..." "Aalis?" Tanong nanaman niya. See? Told ya. :v

"Oo. Aalis na ako. Pupunta akong..." "Teka nga..." singit nanaman niya. Putang ina. Panira ng moment tong gagong to ah. Sarap ingudngod sa ilong ng guard niya. Putek.

"Ayusin mo, simula sa aalis hanggang sa pagpapaubaya— go." Utos niya. Huminga muna ako ng malalim bago muling nagsalita.

"Aalis ako. Pupunta akong Singapore. Doon na ako magtatrabaho. Kaya ako nagpapaubaya kasi, nalaman kong mahal ka ni Tim, mahal niya rin ako. Eh hindi naman pwedeng dalawang puso sa iisa. Ano yun threesome? And, kaya ako nagpaubaya kasi ayoko ng LDR. Mahirap. Napakahirap. At, masakit para sa akin na nakikita kayong masaya sa isa't isa. Ibang saya ang nakikita ko kapag kasama ka ni Tim eh. Nga pala. Sayo ko palang sinabi ito ah. Hindi ko pa sinabi to kay Tim. Baka hindi yun pumayag. Alam mo naman yun." Sagot ko. At punyetang katihimikan nanaman. Putragis na katahimikan. Umalis ka nga!

"Jake..." pagtawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at bakas sa mukha niya ang lungkot.

"Alagaan mo si Tim ah."

"Oo naman." Sagot niya.

"Mahalin mo siya habangbuhay. Mahalin mo siya ng buong buo." Dagdag ko at tumango siya.

"Pag nalaman kong niloko mo siya, susugurin kita. O magugulat nalang sila na may Jake Buenavista na na nakabulagta sa harap ng gate nila." Panloloko kong banta sa kanya. "Never in a million years." Matapang na sagot nito na aking ikinatuwa. "Good bata." Sabi ko at tumayo na ako.

"Paano ba yan. Bukas na flight ko..." "Bukas na?!" Bulalas nito. "OA. Oo. Bukas na. O siya. Alis na ako. See you soon! At best wishes sa inyo." Pamamaalam ko't isang ngiti ang kanyang isinukli sa akin bago ko tuluyang lisanin ang kanyang teritoryo.

Bagong lugar...

Bagong araw...

Bagong pag asa...

Pag momove on...

Bagong pag ibig na pilit na hahanapin kung meron man o wala...

Luma at matatag na tadhana ang kanlungan, sandigan at kasangga sa lahat ng kaganapan sa buhay...

*****

Vote!! Comment!! Dali!!

Boss ko si "EX" classmate?! (Classmate's Book II) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon