^Ika dalawampu't apat na Yugto^

241 6 0
                                    

[A/N:] Hello sa aking pinakamamahal na readers!! Ako po'y nagbabalik. Alam kong hindi niyo ako na miss. Pati itong storya ko. Oo. Tanggap ko naman. Pati nga siya hindi ako namimiss kasi may iba na siya. (Awts).

So binasa ko tong storyang ito, sinama ko siya sa aking library para dagdag reads din (haha da moves. XD) at napansin ko,

ANG GULO...
MADAMING TYPO ERRORS...
MAY CHAPTER NA NAWAWALA... PERO GAGAWAN KO NG PARAAN. SAYANG ANG GANDA PA NAMAN NUNG NAWALA. HAHA

And im very very sorry for those errors and stuffs.

Buti't nasikmura niyo to. Ahaha. Kahit ako nga may parts na naguluhan ako. Pero ieedit ko naman. Ahahaha. K fly. :3

Tim and Jake sa taas <3

P. S. Sa aking limang pinakamamahal na readers ng librong ito, oo. Alam ko yan. Lilima lang kayo. Comment niyo kung mali ako ah. Uhm, maraming salamat sa pag vote at pagbasa sito sa aking basurang malinis, makulay, masaya at masalimuot. Mahal na mahal kayo ni Grae!!! Labyuuu 😘😘😗😗😚😚

**********

Tim...

Matapos ng aming nakakakilig na tagpo, kahit ako kinilig,  lumayo muna kami ni Jake sa kanila. Kahit madilim na, naglakad pa rin kami sa dalampasigan, mag kahawak ang kamay at punong puno ng pagmamahal sa isa't isa. Hindi ko aakalain na ang taong to'y minsan ko nang kinasuklaman.

"Naalala mo noon. Nung sembreak natin, tapos sa isang resort din. Tapos ganito din. Naglalakad sa buhanginan." Ani Jake.

"Oo naman. Tapos nung nahuli tayo ni Auntie na naglalampungan noon." Sagot ko at tumawa. Talagang naalala ko yun kasi hyang hiya ako nun. Pero kalauna'y natanggap din nila ako.

"Maiba ako. Hinintay mo ba talaga ako?" Tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya. "Oo naman! Halos walong taon kang wala. Anim na taon kitang hinintay." [A. N.: Anim na taon po talaga. Hindi tatlong buwan o walong taon. Walong taon lang nawala si Jake. Minus two kasi yung relasyon nila Tim at Isaac. Arasso?] "Saan napunta yung dalawang taon?" "Yan yung naging kami ni Isaac." Sagot ko. "Na natapos na ngayon." Dagdag ko.

"Parang naging panakip butas naman siya." Biro niya. "Hindi!" Sigaw ko sabay suntok sa braso niya. "Akala ko kasi noon, nakamove on na ako sa PAG IWAN MO..." Inemphasize ko yung word na pag iwan mo. Pero pabiro. "Pero hindi pa pala." Dagdag ko.

"Ganun? Sorry na." Sabi niya sabay yakap sa akin upang maging dahilan ng pagtigil namin  sa paglalakad. "Wala. Nang iiwan ka. Pa pramis pramis ka pa noon pero ikaw rin pala ang sisira." Kunwari kong pagtatampo. Pabebe mode ako ngayon.

"Hala. Sorry na nga." Pagmamakaawa niya. Ang cute niya pag nagpapaawa. Haha. <3

"Oo na." Sagot ko at hinalikan siya sa kanyang pisngi. Napangiti naman ito at tumakbo ako palayo sa kanya.

"Habulin mo ako!" Sigaw habang tumatakbo.

"Sige! Yan pala ang gusto mo ah." Sagot niya't kumaripas na rin ng takbo upang habulin ako.

SA DI KALAYUAN...

"Brad. Tignan mo yung dalawang lalaki doon oh." Ani ng isang mangingisda sa kanyang kapwa mangingisda habang inaayos nila ang kanilang lambat para bukas. Pangalanan natin silang kuya 1 at kuya 2.

"Ano yun? Mag jowa?" Tanong ni kuya 2. "Sa tingin ko, oo. Ang sweet nga nila eh." Sagot ni kuya 1

"Sana ganyan din tayo." Ani kuya 2 sabay tingin kay kuya 1.

"Ikaw rin kasi. Pabebe ka kasi." Pang aasar ni kuya 1. Kaunting katahimikan at... "Ungas. Baka pagkamalang tayo't isumbong sa mga asawa natin. Hahaha" sabi ni kuya 2 na ikinatawa ni kuya 1.

Boss ko si &quot;EX&quot; classmate?! (Classmate's Book II) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon