I'm back. Haha. But no one missed me. Even my story. Hays. So sad. Okeh. Bali patapos na po itong storya na 'to kahit ayoko pa kasi napamahal na ako sa kanila eh. Lalo na yung dalawang utong na yun. Hays. Again, salamat sa pag titiis at sa pagbabasa kahit medyo waley, corny at boring 'tong story na 'to. Mahal na mahal ko kayooo. Sana nag enjoy kayo kahit alam kong hindi ka nag enjoy. Hemwe.
-blckgraetrsh00**********
Tim...
Hindi ko maintindihan kung bakit maaga akong pinapasok ni Jake. Nauna na siya dun sa building eh. Kaya nag commute nalang ako. Ang sabi niya sa akin, emergency kaya maaga. Edi ako naman 'tong nagmadali. Nagmadaling kumain, nagmadaling maligo at nagmadaling nagbihis. Yun. Di ako gwapong aalis ng bahay.
"Oh. Ang aga mo naman atang aalis anak." Sabi ni mama habang nagluluto sa kusina. "Opo ma. Emergency daw eh sabi ni Jake."
"Teka teka." Pagtawag atensyon ni Mama habang nagsisintas ako ng sapatos. "Si Jake?" Tanong niya sa akin.
"Opo ma." Sagot ko habang inaayos ko yung pagkakasintas ng kaliwang sapatos ko. "Ok na kayo?" Tanong ulit sa akin ni Mama na iniwan na ang niluluto niya at hinarap ako. "Hehehe ma una na ako. Baka mahuli pa ako. Bye!" Sagot ko sabay takbo.
Pagdating ko sa building, akala ko lahat kami ang tinawag niya pero wala pang tao. Oo. Ni isa wala maliban sa akin.
Pinagtitripan ata ako ng ungas na yun ah.
Naglakad ako papasok ng building at sa di kalayuan, nakita ko ang naiinip na si Jake. Na tila may tinatawagan. At biglang nag vibrate ang phone ko. Siya yung tumatawag.
"Good Morning!!" Sagot ko mula sa telepono pero mahina lang. Pagtitripan ko nga 'to. Haha
"Asan ka na?" Tanong niya. "Sa bahay. Bakit?" "Ala. Di ba sabi ko na pumasok ka ng maaga? Para masolo natin yung Music Room. Hays." Aniya. At pinatay ko ang aking telepono. "Hello? Hello. Tim." Sabat niya sa telepono niya. Marahan akong naglakad papalapit sa kanya na nakatalikod pa rin at pilit la rin akong tinatawagan. Nang makalapit na ako, ginulat ko sa pamamagitan ng pagsakay sa likod niya. At tama. Nagulat nga siya.
"HAHAHAHAHAHA" Malakas kong tawa habang nakasakay pa rin sa likod niya. At ayun. Natawa nalang ang gago. Kaya pala ako pinapaunta ng maaga para masolo 'daw' namin yung Music Room. Ano nanaman kaya ang pakulo ng utong na 'to?
"Akala ko ba nandun ka palang sa bahay niyo?" Tanong niya sa akin ng bumaba na ako mula sa pagkakasakay ko sa kanyang likod. "Syempre joke lang yun. Duh." Sagot ko. "Kaya mo pala ako pinapasok ng maaga para masolo mo ako at yung Music Room. Ano nanamang trip 'to Jake?" Tanong ko sa kanya. "Wala lang. Di ba sabi ko sayo na babawi ako? Edi..." Hinawakan niya ang dalawang kamay na tila hindi na niya ito pakakawalan. "... Sisimulan ko ngayon." Dagdag niya. Sa bawat salitang binitawan niya, ramdam na ramdam mo ang sinseridad, yung pagmamahal niya at ramdam mong totoo yung mga sinabi niya sayo. Alam kong safe ako pag kasama ko siya.
"Sus. Pero pinamadali mo ako. Edi di ako gwapong humarap sayo." Medyo pagmamaktol ko sa kanya. "Kahit ano pang suotin mo, kahit magulo 'yang buhok mo, kahit di ka nag toothbrush..." Nilapit niya yung mukha niya sa akin. Yung tipong ilang sentimetro nalang ay maglalapit na ang mga labi namin na dati nang nagtagpo. Dahil sa posisyon namin ngayon, naramdaman kong nag init ang aking mukha. At alam kong namumula na ito. Gusto kong lumayo pero tila may nagsasabi sa akin na wag at titigan ko lang ang mukha ng dakilang utong sa mundo. "... Gwapo ka pa rin." Pagtuloy niya. Mas naramdaman ko ang hangun na kanyang nilabas mula sa kanyang napakagandang bibig. At mas lalong namula ang mukha ko na parang kamatis. Hays. Di ko mapigilan yung kilig ko eh.
"Uuuy. Namumula siya oh. Kinikilig siya." Pang aasar niya sa akin. Tumingin nalang ako sa ibang direksyon at tinago ang aking mukha dahil sa hiya. Ngunit hinawi niya ang aking mga kamay at kinurot ang aking pisngi. "Ang cute mo talaga pag kinikilig ka. Haha." Aniya.
"Ikaw kasi!!" Paninisi ko. "Pinapakilig mo ako." Dagdag ko. "Alam mo, hinding hindi ako magsasawang pakiligin ka. Kahit hanggang tumanda at pumuti lahat mg buhok natin, ikaw at ikaw lang ang pakikiligin ko." Sabi niya. Nung una, di sana ako maniniwala pero dahil si Jake yun, at mukhang seryoso naman siya dun, naniwala nalang ako. "Sus! Ang daming alam ng taong 'to." Kunwari kong pagtanggi at lumakad na palayo sa kanya at tinungo ang Music Room.
"Ala seryoso ako. Pero di na ako mangangako." Sabi niya nanaging sanhi upang tumigil ako sa paglalakad. "Bakit naman?"
"'Cause I'm not good in making promises."
Pagdating namin sa Music Room, agad siyang umupo sa may Piano. Umusod siya ng konti at tinapik ito. Sinyales na doon ako umupo. Na tabi kami. Hind na ako umangal dahil may kalakihan din ang nasabing upuan at kasya ang dalawang tao doon.
"Kanta tayo." Pag yaya niya at tumango nalang ako bilang sagot.
Kinapa niya muna ang mga key ng piano at huminga ng malalim, saka niya tinuloy ang pag tugtog.
"Can't count the years in one hand that we've been together.
I need the other one to hold you, make you feel make it feel better." Panimula niya't tuloy pa rin siya sa pagtugtog. "Ikaw naman." Aniya. At dahil alam ko naman itong kanta, pumayag nalang ako."It's not a walk in a park to love each other.
But when our fingers interlock, can't deny, can't deny, you're worth it." Pag kanta ko habang naka tingin sa kanya."'Cause after all this time, I'm still into you." Sabay naming pagkanta habang nakatingin sa isa't isang mga mata.
Parang ginawa ang kantang ito para sa amin. Parang nakatadhana para ikwento ang mala roller coaster naming love story.
"I should be over all the butterflies, I'm into you."
"And baby even on our worst nights, I'm into you."
"Let them wonder how we got this far, 'cause i don't really need to wonder at all. Yeah after all this time, I'm still into you."
Pagtapos namin sa kanta magkatitigan muli. Naramdaman ko nanaman na nag init ang mukha ko dahil sa kanyang mga titig. Titig na nakaka baliw, nakakakilig at mga titig na tila gusto kang higupin at ipadama ang pagmamahal.
"Mahal na mahal kita Jake." Aniya. "Mahal na mahal din kita." Sagot ko. Hinaplos niya ang aking mukha at unti unting lumapit ang kanyang labi sa akin, hudyat na gusto niya muling matikman ang aking matamis na labi.
Palapit ng palapit...
Konti pa...
Ngunit isang boses ang gumambala sa aming tagpo. Punyeta naman oh.
"Jakey!!" Pagtingin ko, isang babae ang nakatayo sa may pinto at tila nagagalak na makita si... Sino? Si Jake? Jakey? Lol basta. Bahala na.
"Oh shit." Rinig kong bulong ni Jake.
**********
Sino ang dumating? Sino siya? Mukhang may pasabog pang dadating. Hays. Sayang! Di natuloy! Punyeta kasi may sumingit. Hays. Sino ba talaga kasi yun? Malalaman natin sa susunod na kabanata. Hart.
Vote!! Comment!! Dali!!
BINABASA MO ANG
Boss ko si "EX" classmate?! (Classmate's Book II) - ON HOLD
RomanceIlang taong pagkawalay.. Ang pagbabalik.. Galit.. Puot.. Sakit at Pighati.. Nagbago ang daloy ng ilog.. Mababago mo pa kaya ulit ito? Kahit alam mong wala ka nang bangkang Pinaninindigan at ang bangkang iyon ay may iba nang tagapamahala? ©2015 *Stop...