Author's POV
Matapos siyang tawagan ni Tim upang humingi ng tulong, dali daling pumunta si Jake sa presinto upang ipaalam sa mga pulis ang nasabing insidente. Humingi na rin ito ng permiso upang samahan siya kila Popo upang sagipin ang kanyang empleyado SLASH ex sa kamay ng kanyang baliw na empleyado din.
Agad agad silang tumungo sa bahay nila Popo. Nalaman ni Jake ang address nito dahil sa bio data na kanyang pinasa nung nag apply siya kaya medyo madali na sa kanila ang puntahan iyon. Pero ang hindi nila alam, malayo layo ito sa bayan at kailangan mong bumiyahe ng halos isang oras upang makarating sa kanila.
Dahil sa bilis ng pagmamaneho ni Jake, kalahating minuto lang nilang tinahak ang daan at nakarating na sila sa kanilang patutunguhan.
Sa bahay ni Popo.
Malaki ito. Two storey house, kulay beige at may tatlong malalaking bintana. Dalawa sa ibaba, isa sa taas.
"Sir. Ganito. Ako na po ang mauunang pumasok sa loob tutal empleyado ko naman silang pareho, baka pwede ko silang kausapin. King wala pa po ako makalipas ang sampung minuto, sugod na po kayo." ani Jake at sumaludo siya sa mga pulis at sumagot din sila sa paraan ng pagsasaludo.
"Ililigtas na kita Tim." bulong niya sa sarili at dahan dahang pumasok sa gate, at bahay nila Popo.
Pagkapasok niya sa loob, walang taong sumugod sa kanya. Dahan dahan siyang naglakad habng nililibot ang mata upang tignan kung may tao ba o wala.
"Popo." pan tawag atensyon niya pero walang sumagot sa kanyang tugon. "May tao ba dito?" aniya at walang sumagot. Patuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa ikalawng palapag ng bahay. Pagka akyat niya, bumungad ang isang pinto na may kandado. Dito nakakulong si Tim. Dali dali niya itong nilapitan at pilit na sinisira ang kandado pero bigo ito.
"Tim! Andiyan ka ba sa loob?" tanong niya kahit alam na niya ang kasagutan pero wala siyang nakuhang sagot na kanya namang ikinabahala.
Sa kabilang dako, halos katatapos lang na bugbugin ni Popo si Tim. Hinang hina ito na nakahiga sa kama at nananatiling hubo't hubad pa rin dahil sa pagkakabugbog sa kanya. Bumakas sa kanyang katawan at mukha ang pasa, sugat, mga kurot, at black eye sa kanyang kaliwang mata. Isama na din ang sobrang pulang mga marka sa mga braso, hita at pisngi nito dahil sa sampal, palo at mariing pagkahawak sa kanya.
Nagising siya ng kaunti nang may narinig siyang kaluskos mula sa pinto. Akala niya'y bumalik si Popo kasama ang kamanyakan nito ngunit mali siya ng akala.
"Tim! Andiyan ka ba sa loob?" si Jake pala ang gumagaw ng ingay sa labas. Pilitin man niyang sumigaw a sumagot ay hindi niya ito magawa dahil tuyo na ang kanyang lalamunan at hinang hina ito.
"Jake..." sabi niya pero walang boses na lumabas. Kung meron man ay paos. Mangiyak iyak na siya dahil alam niyang ligtas na siya. Na ililigtas siya ni Jake sa kamay ng baliw na si Popo. Babangon na sana siya mula sa pagkakahiga ngunit hindi na siya nasuportahan pa ng kanyang mga kamay dahil sa sobrang hina.
"Andito ka na pala." napatigil si Jake sa kanyang ginagawa nang marinig niya ang boses na iyon. " Kanina pa kita hinihintay." dagdag niya.
Hinarap niya ito. Si Popo. Nakasandal sa may pader.
" Nasaan si Tim?" tanong niya. "Ah si mahal. Andiyan." sabay turo sa pinto. " nagpapahinga. Napagod eh." aniya. Nagulat si Jake sa mga sinabi ni Popo. "Anong ginawa mo sa kanya?" "Wala naman. Katatapos lang naman naming magromansa. At katatapos ko lang din siyang bigyan ng leksyon. Nagcheat siya sa akin eh. Tinawagan ka niya. Nagpapasundo na sayo." pang aasar ni Popo.
Humarap naman si Jake sa pinto at tinuloy ang ginagawa kanina. Napatawa naman si Popo sa ginagawa ni Jake.
" Anong ginagawa mo diyan 'sir'?" natatawang tanong niya.
"Susunduin ko na si Tim. Di ba sabi mo nagpapasundo siya." sagot ni Jake. Biglang nag iba ang mukha ni Popo. Ngayon, galit na Popo ang nasa harapan niya.
"Ganun ba? Pwes. Dadaan ka muna sa bangkay ko." tumkbo si Popo palapit kay Jake kasama ang isang suntok pero naiwasan ito ni Jake. At dahil sa malas, hindi n nagawang iwasan ni Jake ang isa pang suntok ni Popo at napuruhan ang tiyan niya.
Natigil muna ang karambola saglit. "Ano. Kaya pa?" "Oo." sagot ni Jake at timayo na siya agad at nauloy na ang karambola sa pagitan nila.
Lahat ng suntok ni Jake ay nakukuha ni Popo. Suntok sa mukha, tiyan, braso. Kaya ilang suntok pa ay napaluhod na si Popo. Si Jake ang nanalo. Nadaanan niya ang bangkay ni Popo.
"Akin na ang susi ng kandado." utos ni Jake. Sinunod naman siya ni Popo. Pero, hindi susi ang kinuha niya. Isang baril!! Kinasa niya ito at itinutok kay Jake. Gulat na gulat si Jake nang makita ang baril. Ang kanyang pawising katawan ay mas naging pawisin pa dahil sa kaba.
"Ayoko nga. Akin lang si Tim. Yung susi? Papatayin muna kita. Bago ko ibibigay. Hahahahaha!" sambit niya sabay tawa ng malakas. Ipuputok na niya sana ito pero may pumigil sa kanya. May taong tumutok ng baril sa kanyang ulo dahilan upang mabitawan niya ang baril. Sino ito? Ang mga pulis.
"Ibaba mo na yan bata." utos ng pulis kay Popo at kanya naman itong sinunod. Dinampot niya si Popo, pinosasan at inilabas na ng bahay hanang ang ibang pulis ay sinira ang pinto at naglibot sa crime scene.
Pagpasok niya sa silid kung nasaan si Tim, hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.
Walang saplot, Bugbog sarado, sugatan at hinang hinang Tim ang tumambad sa kanyang harapan. Tumakbo ito palapit kay Tim at dahan dahan niya itong binangon marahang niyakap. Sa sobtng galak ay napayakap sa kanya si Tim.
"Ligtas ka na..." sambit ni Jake.
"Salamat Jake. Salamat." bulong ni Tim at nawalan na siya ng malay.
Naunang inilabas ang walang malay na si Tim at dali daling dinala sa ospital. Sumunod naman si Jake na may mga konteng sugat.
Pagkalabas ni Jake ay sinalubong siya ng nanay ni Tim na umiiyak, si Tinna at si Isaac. Kararating lang nila sa crime scene at hindi naabutan ang kanyang anak, kuya at nobyo.
"Kamusta na ang anak ko? Asan siya?" umiiyak na tanong ng nanay ni Tim.
"Nasa ospital na po si Tim. Papagaling na po siya ng mga doktor. Ligtas na po siya." mahinahon na sambit ni Jake na ikinatuwa nila.
"Naku. Salamat iho. Maraming salamat!!" umiiyak na sagot ng nanay ni Tim. Hindi na tears of sadness. Tears of joy na.
"Sige po. Mauna na ako." ani Jake at pmunta na sa kanyang kotse pero tinawag siya ni Isaac.
"Jake." napatngin siya sa tawag ni Isaac.
"Salamat." sambit ni Isaac at ngumiti si Jake at umalis na.
**********
WOOOOOO!!! NATAPOS DIN ANG PART NA TO!! HALOS TWO WEEKS KO SIYANG BINUO. (KASAMA YUNG CH. 19) BWISIT KA POPO. PINAHIRAPAN MO PA AKO. HINDI KINAYA NG TABA KO. MAGANDA BA? NAHALUAN SIYA NG ACTION AT THRILLER. NYAHAHAHA. SANA NAG ENJOY KAYOOO
**********
Ito na ba ang simula ng pagkakamabutihan nila Tim at Jake? Babalik pa kaya sila sa dati? O ganoon pa rin? Upang malaman, abangan sa susunod na kabanata.
**********
Vote!! Comment!! Dali!!
BINABASA MO ANG
Boss ko si "EX" classmate?! (Classmate's Book II) - ON HOLD
RomanceIlang taong pagkawalay.. Ang pagbabalik.. Galit.. Puot.. Sakit at Pighati.. Nagbago ang daloy ng ilog.. Mababago mo pa kaya ulit ito? Kahit alam mong wala ka nang bangkang Pinaninindigan at ang bangkang iyon ay may iba nang tagapamahala? ©2015 *Stop...