^Ikaapat na Yugto^

586 29 0
                                    

Tim..

Pinag iisipan ko pa hanggang ngayon ang pag apply bilang songwriter sa ANB. Parang kasing may masamang mangyayari eh. Parang... Basta.

Kasama ko si Isaac at Karl. Bonding namin. Pupunta sa mall, palengke, eskenita at marami pang iba pa.

"Uy may narinig ako sa TV kanina. Naghahanap daw ang ANB ng songwriter at singer. Sali tayo. Bukas na yung pag apply." sabi ni Karl habang kumakain kami ng Fishball.

"Bukas na?!" gulat kong tanong. Seryoso?! Bukas na?! Wala pa akong nasusulat na kanta!

"bat sumali ka?" tanong ni Isaac.

"oo. Wala lang pandagdag pambayad lang." sagot ko.

"Seryoso ka dun?" aniya. At tumango lang ako.

"Eh may nasulat ka na na lyrics?" tanong ni Karl.

"haha. Yun nga eh. Hehe. Wala pa."

"Tulungan ka nalang naming magcompose." request ni Karl. "Oo nga." dagdag nhp Isaac.

"Sure."

(maya maya)

"ang hiraaap.." reklamo ni Karl sabay ngudngod ng mukha niya sa mesa na may mga papel. Gabi na pero ni isa, wala pa kaming nasulat.

"Sino bang nag sabi na tulungan ka namin?" tanong ni Karl. "Ikaw kaya." sagot ko at napa tulala nalang siya.

"Teka, ano ba ang nasa isip mo ngayon?" tanong ni Isaac sa akin.

Ano nga ba?

Health...
Buhay...
Pagkain...
Gastusin...
Family...
Pagkain...
Revenge...
Pag...

"Revenge!!" sigaw ko. "Revenge ang nasa isip ko ngayon! Guys may lyrics na ako." sabay kuha ng lapis at papel at sinimulan nang magsulat.

(After 10 minutes...)

Makalipas ang ilang minuto, ten tenenen!! Tapos na! Umuwi na rin yung dalawa. Nabagot. Ako lang kasi yung kumilos nung mga oras na iyon kaya umuwi na sila. Pinabasa ko kay Tinna tong lyrics, maganda naman daw. Hay. Handa na ko bukas.

(Kinabukasan...)

Andito na ako sa harap ng building. Kinakabahan ako. Paano kung.. Hindi ako nakapasok? Paano kung.. Napangitan sila? Paano kung.. Hay. Bat ba ako nag iisip ng mga non sense na bagay na alam ko naman na hindi mang yayari?

Bumuntong hininga ako (breath in.. Breath out) at pumasok na ako sa loob.

"Hi sir. How can i help you?" tanong ng isang babae sa information desk.

"Ate, san po mag aapply nung as songwriter?" tanong ko.

"ah sa may second floor po at ung pinaka unang room po doon." sagot niya.

"Salamat.." sagot ko at sinundan ko ang kanyang sinabi.

Second floor, at pinaka unang room.. Eto. Pero parang pang VIP naman tong room na to eh. Buti nalang at may dumaan na matandang parang nasa mataas na posisyon dito at tinanong ko siya.

"Good Morning po mam." napatingin ang matanda. "How can i help you?" tanong niya. Aba. Mataray.

"Mam itatanong ko lang po sana kung saan po mag aapply as song write..."

"Mag aapply ka? Oh. Maaga pa anak. Wala pa ang ibang mag papaapply. Pero isa ako sa kanila. Pwede ko bang masilip ang iyong gawa?" pabor niya at iniabot ko ang folder na naglalaman ng lyrics.

Pagkatapos niyang basahin ay nakangiti ito.

"Well,not bad. Maganda yan. May chance na sumikat." aniya. Weh?! May chance to?! Nanloloko ba tong matandang to? O baka naman. Baliw to.

Biglang napalingon ang tanda. Yun na pala ang mga kasama niya. Isang lalaki at dalawang babae. Pangalanan natin silang lalaki, babae 1 at babae 2. Pinapasok nila ako sa room at ipinaupo sa harap nila. Yung dating Level 1 na kaba ko, naging Level 3 na. Malakas na ang tibok ng puso ko. Rinig ko na nga eh.

"Ang lakas ng heartbeat ah." sabi ni lalaki.

"Ano ba. Wag kang kabahan. Hindi ka naman matetense dito." dagdag ni babae 2.

Iniabot ko ang folder at kinuha naman nila ito. Unang nagbasa si Babae 1. Sumunod si lalaki at panghuli ay si babae 2. Seryoso ang kanilang mukha. Parang, poker face nung binabasa nila yung lyrics. Mas lalo akong kinabahan. Level 6 na. Jusko!!

Matapos nilang pag pasa pasahan ang lyrics ay nagtungo naman sila sa Q & A portion.

"So your lyrics is all about revenge.." ani babae 2 "obviously." panloloko ni lalaki, "may pinaghuhugutan ka ba?" dagdag ni babae 2 at tumango naman ako.

"Pwede mo bang ikuwento?" sabi ni lalaki.

"Anong kuwento?! Sabihin na natin ang resulta." kontra ni babae 1 at ngumiti sa akin.

"Mauna na ako." aniya. "You know what, ang masasabi ko lang ay... Wow. Just wow. Epekto yan ng pinahugutan at yan ang numero unong kailangan ng mga song writer." nawala ang kaba ko nang narinig ko ang mga iyon. Parang sarcastic pag narinig mo pero nakakagaan ng loob.

"If ever ba na ipakanta namin ito sayo, payag ka?" tanong ni tanda. Oo. Andun siya.

"Hindi po ako sigurado mam. Kasi matagal na akong hindi kumakanta eh."

"Ok. Then congratulations!! Isa ka na sa mga song writers ng ANB entertainment. Hahanap pa kami ng apat par maging kasama mo. Congratulations again mister?" ani tanda.

"Mark Timothy Alvarez po." sagot ko at naki shake hands sa kanila.

Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganito. Ang pagiging sobrang saya. Hindi ko inexpect na makakapasok ako. Jusko. Eto na ba ang kasagutan sa aking mga dasal? Na makaahon kami sa kahirapan? Eto na ng sana.

Pagkababa ko ay nadatnan ko na napakaraming gwardiya. Anong meron? Sakto namang may isang lalaki na lumabas sa may kotrte. Siya na siguro ang may ari nito..

Teka...

Imposible...

Jake?!

Vote!! Comment!! Dali!!

Boss ko si "EX" classmate?! (Classmate's Book II) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon