New character bessies. Mabait ba siya o masama? Hmmm.
**********
Jake..."Oh shit..." Bulong ko nang marining ko ang boses niya. Di ko alam kung narinig ni Tim yung bulong ko o hindi pero wala muna akong pake. Ano ba naman 'yan. Bakit ngayon pa? Hays.
Umarte akong parang walang something na naglalaban sa loob ko. Na walang awkward air sa pagitan namin.
"Lily!!" Bati ko sa babae. Pagkatayo ko'y bigla siyang kumaripas ng takbo at niyakap ako ng mahigpit. "Namiss kita baby." Aniya. Shit. Shit talaga. Kahit di mo tignan si Tim, alam kong inis na inis na siya dahil kay Lily.
Siya si Kathryn Ellyce Soriano. Nakilala ko siya sa Seoul at sa hindi maintindihang dahilan, naging gf ko siya. Pinagsisihan ko talaga kung bakit ako nakipag landian sa kanya. Sising sisi akong nanatili ako sa tabi niya kahit alam kong mali. Eh kaalanan niya rin naman 'to eh. Alam naman niyang fling lang ang lahat pero sineryoso niya. Hays.
"Ah... Hehe..." Medyo naiilang kong sabi habang kumakalas sa kanyang mahigpit na pagkayakap. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang nililibot ko ang aking mga mata. Nakita ko si Tim na seryoso ang mukha na nakatingin sa amin ni Lily. Tangina tama ako. Hays.
"Wala lang. I just want to visit my..." Napatingin siya kay Tim na nakaupo lang sa may Piano. Kanina, nakatingin lang siya kay Lily pero nagkunwari naman siyang nahpi piano ngayon. Ang cute talaga niya pag naiinis siya. Haha.
"Who's this cutie?" Tanong niya sa akin habang nakaturo kay Tim. "Ah. Siya si Tim." "Ay siya ba?" Pabulong niyang tanong sa akin at napangiti nalang ako bilang sagot. Tumatango nalang siya na may halong ngiti sa labi ng makita ang ekspresyon ng mukha ko.
"Oh. I think maghahanap muna ako ng Hotel na ttuluyan ko. I'll be back ok?" Aniya at hinalikan niya ako sa pisngi. Nag iwan iyon ng kiss mark dahil nga sa naka lipstick siya. "Bye!!" May pa gesture gesture pa siyang nalalaman tapos sabay alis. Tiniginan ko si Tim, nakatitig ito sa akin at umiling ito saka umalis. Bakas sa mulha niya ang paglaselos at pagka dismaya sa nakita niya.
Tae naman oh...
*****
Tim..."Tim naman. Sorry na." Pangungumbinsi sa akin ni Jake. Kanina pa siya nagsosorry eh.
"Tim..." Pati sa canteen ay sinundan niya ako. "Ano?" Naasar kong tanong. Kunwari.
"Kausapin mo naman ako ah." Pamimilit niya. "Ano bang ginagawa ko ngayon?"
"Hays. Yung matino ah." "Bat mukha ba akong hindi matino?" Sagot ko. Napakamot nalang siya ng ulo sa dami ng iniisip.
Ako...
At si Lily...Putragis na Lily kasi yan. Sino ba kasi siya? Hindi pa siya nababanggit sa akin ni Jake eh. Kaya iba ang pakiramdam ko sa babaeng yun. Pero infairness. Maganda siya. Pero parng maldita. Hay. Dapat ko 'tong paghndaan.
"Sorry na ah kasi." Sabi nanaman niya. "Sino ba kasi siya?" Medyo napaisip pa siya kung ano ang sasabihin. "May tinatago ka ba sa akin Jake?" Tanong ko nang mapansin kong parang may nagtatalo sa loob niya.
"Wa-wala. Wala akong tinatago sayo." "Then sino si Lily? Bat di mo siya nakukuwento sa akin?" Tanong ko ulit sa kanya. Oo. Inuulan ko siya ng tanong. Gusto ko na kasing masagot yung mga yun eh.
Paano kung kaagaw ko pala siya? Paano kung tama ako? Hays. Bahala na.
"Kaibigan ko lang siya..." Sagot niya. "Teka nga." Lumapit siya sa akin. "Nagseselos ka ba?" Tanong nanaman niya. Teka. Ako naman ngayon ang tinatanong niya. Pero, nagseselos ba ako? Oo? Hindi? Bakit? Threat ba si Lily sa akin? Aagawin niya ba si Jake sa akin?
"Oo. Hindi. Baka. Hay. Di ko alam." Sagot ko.
"Bakit ka naman nagseselos? Ha?" Tanong ulit niya sa akin pero may halong ngiti na. Aba gago amputs. Parang pinagtitripan na ako nito ah."Kasi... Baka agawin ka niya sa akin. Malay mo ngay." Malungkot kong sagot at medyo natameme nanaman siya. Teka. Bat parang palagi na siyang tumatahimik pag ako ang nagsasalita. "Alam mo, hindi mangyayari yun. Sayong sayo lang ako. Kahit anong mangyari..." Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang kanyang napakabanayad at napaka init na palad. "... Tayo at tayo pa rin hanggang huli." Aniya. At dahil may tiwala ako sa kanya, at dahil naniniwala akong mahal niya ako at mahal ko siya, naniwala ako sa kanya.
"Don't worry. Tayo pa rin hanggang huli. Handa kitang ipaglaban. Ok?" Paalala niya sa akin at tumango ako bilang sagot at niyakap niya ako ng mahigpit.
Sana totoo yang mga sinabi mo Jake...
Sana...
**********Vote!! Comment!! Dali!!
BINABASA MO ANG
Boss ko si "EX" classmate?! (Classmate's Book II) - ON HOLD
Storie d'amoreIlang taong pagkawalay.. Ang pagbabalik.. Galit.. Puot.. Sakit at Pighati.. Nagbago ang daloy ng ilog.. Mababago mo pa kaya ulit ito? Kahit alam mong wala ka nang bangkang Pinaninindigan at ang bangkang iyon ay may iba nang tagapamahala? ©2015 *Stop...