^Ika labing-siyam na Yugto^

258 9 0
                                    

Tim...

Paglabas ni Popo, napahagulgol ako dahil sa galit at pagkadiri kahit hubo't hubad pa rin akong nakahiga sa kama. Pero wala akong nagawa kanina. Kahit mag pumiglas ako, walang talab sa kanya yun.

"Tangina mo Popo! Pakawalan mo ako dito!" sigaw ko pero walang sumagot.

Nakikidiri siya.

Tinuring ko pa siyang malapit na kaibigan ko. Tapos, hahalayin niya lang ako dahil mahal niya "daw" ako? Baliw na ata siya eh.

Hindi pala ata.

Baliw na talaga siya. At kahit kailan, hindi aki magmamahal ng isang baliw at desperadong tulad niya.

Kailangan ko nang makatakas. Pero paano?

Nilibot ko ang aking mga mata sa palibot ng kwarto. Wala akong makita. Madilim ang kanyang silid. Walang bintana. Yun na sana ang tsansa ko para makatakas pero wala. Ni isang maliit na bintana, wala. Nagulat ako nang biglang nag karoon ng ilaw. Hinanap ko kung saan. Ayun. Nasa lamesita. Isa iyong maliit na ilaw. Nilapitan ko.

Isa itong celphone! Cellphone niya!! Naiwan niya!!

Laking tuwa ko nang makita ko kung ano iyon. Dali dali kong kinuha iyon at naghanap ng pwedeng mahingian ng tulong.

Konting hanap pa...

Letter P...

Q..

R..

S...

Sir Jake.. Siya lang ang kilala kong nakaregister ang numero sa cellphone na ito. Nagdalawang isip pa ako kung sa kanya ako hihingi ng tulong kasi alam niyo na pero nasa bingit na ako ng kapahamakan kaya, siya na ang tinawagan ko.

Pagka dial ko, nag riring ito. Kasabay ng tunog ng ring ay ang pagdasal ko na sana'y sagutin niya.

"Lord sana sagutin niya.." pabulong kong dasal at pinakinggan nga niya ang aking dasal.

"Hello?"

"Jake!! Tulungan mo ako!"

*****

Jake...

Hindi nanaman pumasok si Tim. Ano to? High school na kung ayaw pumasok eh hindi na papasok? Namimihasa na siya. Alam ko na. Tatanungin ko nalang si Popo kung bakit hindi siya pumasok.

Kaya sinabihan ko si Lucy na papuntahin si Popo sa office pero laking gulat ko nang hindi din pala siya pumasok.

Parang may kakaiba dito ah.

Wala si Tim at wala si Popo. Parang may mali. Kailangan kong pumunta sa bahay nila Tim.

Paglabas ko sa office ko, nakasalubong ko si Yna.

"Yna." tawag ko sa kanya at tumingin naman siya sa akin.

"Yes sir?" "Bakit hindi pumasok yung dalawa?" "Sir hindi ko alam. Nag half day pa nga sila kahapon eh." aniya at dali dali akong lumabas ng building nag maneho papunta sa bahay nila.

Pagdating ko doon, kumatok naman muna ako sa pinto bilang sinyales ng respeto sa ma bahay nito. Biglang bumukas ang pinto. Bumingad sa akin si Tinna at ang nanay niyang nakaupo sa sofa. Bakas sa mga mukha nila ang pag aalala. Anong meron?

"Kuya Jake?" tanong ni Tinna at tumango naman ako.

"Tita pwedeng makausap si Tim?" tanong ko kay tita.

"Teka. Wala ba siya sa trabaho?" tanong niya sabay tayo at lumapit sa akin.

"Wala po. Nag half day nga siya kahapon eh." sagot ko. "Ano?!" "Wala din siya dito eh. Akala namin pina overtime mo kasi yung pinagkaka abalahan nila ni Popo nung isang araw." sabi ng nanay niya. "Sige po. Hahanapin ko nalang siya." sambit ko at nag paalam na ako at lumabas na sa kanilang bahay.

Habang naglalakad ako papunta sa aking kotse, ako muna ang nagdrive. Pina day off ko na muna siya ng isang week. Ok. Balik. Habang naglalakd ako pabalik sa aking kotse, nag ring yung cellphone ko. Tinignan ko kung sino yung tumatawag.

Si Popo.

Hay. Buti ay nagparamdam din.

"Hello?" sagot ko."Jake!! Tulungan mo ako!" bulalas niya mula sa kabilang linya. Teka nga. Hindi niya to boses. Si ano to..

"Tim? Bakit? Anong nangyari?" tanong ko sa kanya. Tama si Tim ang nasa kabilang linya. Bakas sa boses niya ang takot at pagkataranta.

"Si Popo.. Kini... Kini..." "Ano?" "Kinidnap niya ako." "Ano?!" sigaw ko. "Puntahan mo na ako. Natatakot na ako." naiiyak niyang sabi. "Ano yan? Humihingi ka ng tulong?" rinig kong sigaw mula sa kabilang linya. Si Popo yun. Shit."Tim. Pupuntahan na kita diya... Hello. Hello! Tim!" Nagsasalita palang ako ay bigla nang naputol ang linya. Anong ginawa ni Popo sa kanya?

Wag kang mag alala Tim. Papunta na ako.

*****

Tim...

"Jake!! Tulungan mo ako!" sigaw ko pagkasagot niya ng aking tawag. Nagahalo na ang takot at pagkataranta ko sa aking isip.

"Tim? Bakit? Anong nangyari?" tanong niya sa akin.

"Si Popo.. Kini... Kini..." pa utal kong sagot "Ano?"

"Kinidnap niya ako."

"Ano?!" sigaw niya.

"Puntahan mo na ako. Natatakot na ako." naiiyak kong sabi.

"Ano yan? Humihingi ka ng tulong?" Shit. Huli na ang lahat. Nahuli ako ni Popo na ginagamit ag kanyang cellphone at humihingi ng tulong. "Tim. Pupuntahan na kita diya..." yan huling narinig ko mula sa linya ni Jake. Tinitigan muna ni Popo ang cellphone niya at tumingin ng masama sa akin sabay tapon ng kanyang cellphone sa gilid. Nawasak ito.

"Bat mo ba to ginagawa sa akin?!" sigaw ko. Pero isang malakas na suntok sa tiyan ang aking natanggap na sagot. Napaluha ako sa sobrang sakit.

"Tumawag ka sa kanya. Ano? Sa tingin mo pupuntahan ka niya? Matapos mo siyang gago gaguhin hihingi ka sa kanya ng tulong? Sa tingin mo mahal ka pa niya?" sabi niya sa akin habang sinasabunutan ako. "Mahalin mo nalang kasi ako." mahinahon niyang tugon.

"Hindi. Kasi kahit kailan, hindi ako magmamahal ng tulad mong baliw!" sigaw ko na kanyang ikinagalit. Marahas niyang binitawan ang aking buhok at lumayo muna ng kaunti sa akin. Ilang segudo pa ay sinuntok niya ako sa mukha. Masakit. Sobrang sakit. Nagsimula na ring tumulo.ang aking dugo mula sa aking bunganga dulot ng kanyang pagkaka suntok."Talaga? Paano ba yan. Wala kang matatakbuhan dito." "Paano ba yan." Patawa kong sagot. Oo. Nagmumukha na akong baliw sa ginagawa ko. "Papunta na siya dito. Kasama ang mga pulis. Huhuliin ka na nila, mabubulok sa kulungan, at mamamatay." lalo siyang nagalit dahil sa aking sinabi. Dahil doon, sinuntok niya ako sa mukha, tiyan, at sinipa sipa. Wala na akong maramdaman. Namanhid na ako. Pero tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Paulit ulit niya itong ginawa hanggang sa nagsawa siya. Iniwan nanaman niya ako sa loob at kinandado ang pinto.

Jake.. Asan ka na?

**********

Vote!! Comment!! Dali!!

Boss ko si "EX" classmate?! (Classmate's Book II) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon