CHAPTER 8

3.9K 89 1
                                    

Finalleh! Makakapagbakasyon na rin. Makakapagchill na rin siya. Nakapag-start na kasi siya ng ojt sa AV Empire. Sobrang cool ng mga tao sa AV. Hindi siya nakakaramdam ng indifferences. Parang trato rin sa kanya ay employee na. Nalaman din niya na ang nanay ni Earth ang pinakang head ng advertising. Like, wow. Ang cool lang! Pero hindi pa niya ito nami-meet. Minsan lang daw kasi ito magpunta doon.

But for now, matutulog pa siya. Inaantok pa siya. It's just 4 in the morning no. Nagising lang siya kasi maiihi siya.

*

And at the neigborhood..

"Hey, Stark." Bati ni Kulog sa itim na alagang Labrador ni Hero. Kababaeng tao, puro malalaking aso ang trip. Cute raw e.

"Oh, Thunder. Napadaan ka." Bati sa kanya ni Auntie Bella, tita ni Hero.

"Morning po, Tita."

"Morning din, iho. Hinahanap mo ba si Hero?"

"Ah, yea. Mom wants Hero to join us today. We're going to the beach."

"Really? Nako, ikaw na ang gumising sa batang yon. Pupunta pa akong supermarket e."

"Po?"

"Stark, ituro mo kay Kulog ang kwarto ni Hero ha?" Auntie Bella patted Stark's head which made Stark to bark and wag its tail. "Wala pa kasi si Tito Simon tsaka yung kambal. Naghiking yung tatlo e. Maiwan na muna kita dyan."

"Uh, yea. Bye, Tita Bella. Ingat."

Lumuhod siya sa katapat ng itim na Labrador ni Hero. "Now, Stark. Where's Hero's room?" Tumayo ito sa pagkakaupo at pumasok sa loob ng bahay.

Sa second floor ng bahay siya dinala ni Stark. Sinusundan niya kasi ito. Tumapat ito sa isang pintuan na may letter 'H' na nakadesign dito. Yep, so this is Hero's room. Kumatok siya ng tatlong beses, pero walang sumagot. Mukang tulog pa nga si Hero.

Pinihit niya ang doorknob, and luckily, hindi ito nakalock. Naunang pumasok doon si Stark at nilalaro ang kamay ni Hero na nakalawit. Nakadapa si Hero at tulog na tulog. Saka lang niya napagmasdan ang kwarto nito. The colors of her room are playing with black, gray and white. Hindi ito manly, but it was cozy and homey. Lalong hindi ito mukang pangbabae. Sabagay, hindi naman babae kumilos 'tong si Hero e.

Lumapit na siya rito. Hero's mouth were a bit open. Ang buhok nito, nakasabog sa muka nito.

"Hey Sleeping Beauty. Wake up." Marahan niyang tinapik ang pisngi nito.

"Go away."

"Come on now, Sleeping Beauty. We're going to the beach."

"Ha? Beach?"

"Yep. Get up already."

Tuluyan na nga itong bumangon at nag-inat. Kinukusot pa nito ang mata.

"Good morning, Sleeping Beauty." He greeted her.

"Ha? Good mor--What the fuck are you doing here in my room?!" Bigla na lang nalaglag ito sa kama nito. "Aw, shet."

Napatawa siya. Ang epic kasi ng reaction nito. Hinila niya ito patayo. Magkatapatan na sila. "Anong tinatawa-tawa mong gunggong ka? Nahulog na nga ako sa kama ko. At paano ka nakapasok sa bahay ni Tita Belle? Tsaka pano mo nalaman yung kwarto? At higit sa lahat, pano ka nakapasok sa kwarto ko?"

Ang daldal pala ni Hero pag bagong gising. He murmured to himself.

"Hinay hinay, isa lang ako. Stop bombarding me with questions. Seriously? Why did you fell from you bed?" He stopped and chuckled. "I told Tita Belle that Mom invited you to go with us today. Stark led me here, and because there's a letter 'H' on your door, I assumed it's your room."

"Rereklamo pa. Sasagutin din naman." Hero frowned. Inayos niya ang buhok nito at iniipit ang ilang strands ng buhok nito sa likod ng tenga. Napanganga lang si Hero.

"Ang ganda mo sa umaga." He didn't know why but he kissed her nose and winked at her.

Bigla itong namula. At lumayo sa kanya. "What the hell?! Bakit mo ko hinalikan?!"

"Babe, it's only in your nose. I didn't stole your first kiss. Hindi pa." He used his bedroom voice that make them girls swoon. Alam niyo yung tipong inaantok na yung boses? Ganun.

"Aba't gagong 'to." Sinuntok siya ni Hero sa tyan. "Tsanggala. Wa epek, ang tigas ng tyan." He heard her murmered.

"Tsansing ka, ha? Porke friends na tayo." He teased her.

"Aba't--" tinakpan niya ang bibig nito.

"Say another word, or you'll say goodbye to your first kiss." Nanlaki ang mata nito. "Pack your things, we're going to the beach today."

Napanganga ito at tinuro ang sarili. "Yep. You're coming with us. I'll give you 30 minutes, then I'll come back. If you're not done, bid goodbye to your first kiss."

Tiningnan siya nito ng masama at nilakihan ng butas ng ilong. Hero raised her middle finger to him. Natawa lang siya.

"Oh babe. I'm sure I'll make it harder." He winked at her again at sinarado ang pinto.

Buo na ang araw niya dahil kay Hero. Bumalik na siya sa bahay, plastered on his face is a wide grin.

*

Aba't gagong lalake yun! 30 mins lang ang binigay sakin! So kailangan kong maligo ng mabilisan! Ugh! Buti na lang, may prepared siyang two piece, dahil bigla siyang nahila ni George sa isang boutique na may mga swimsuits.

After 30 minutes, natapos siya sa lahat. Nakaligo na siya at nakapag-empake. Pero teka nga, ilang araw ba sila don? Hindi manlang niya natanong si Kulog. Aish! Bahala na nga. Sakto namang nakabukas ang gate at nakita niya sa may porch si Sean.

"Ate Bayani!"

"Hi, Sean." Hinalikan niya ito sa pisngi. Sakto namang lumabas ang nanay ni Kulog.

"Good morning po." Bati niya. Nginitian naman siya nito.

"Good morning din, Hero. Ready ka na ba?"

"Opo. Naka-ready naman po agad ako ng 30 mins."

"30 mins lang binigay sayo ng anak ko?"

"Opo e." Napakamot siya sa batok niya.

"Aba'y lukong bata yon a?" Natatawang sagot ng nanay ni Kulog.

"Why?" Napatingin sila ng nanay ni Kulog sa nagsalita.

"Yung anak mong panganay, baliw. 30 mins lang binigay dito kay Hero."

"Well, he inherited his crazyness from you, my dear wife." Thunder's dad chuckled.

"Aba, hoy! Sayo rin galing yon! Tumulong ka rin!"

She can't help but to laugh at Thunder's parents. Well, she find it sweet.

"Pasok ka na dun sa sasakyan, Hero. Andun na si Sean." Saad sa kanya ni Sky.

"Okay po. Uh, good morning nga po pala." Bati niya sa tatay ni Thunder.

"Good morning, too. So, she is huh, wife?" Ngumiti ito sa kanya saka bumaling sa asawa.

"Uh huh. Ganda no? Parang ako lang." Nag-flip hair pa ito. Earth kissed Sky's nose.

*

"Ate Bayani, can I sleep in your lap?" Tanong sa kanya ni Sean.

"Oh, sure. Antok ka pa?" Sean nodded at humikab pa ito. Sakto namang may nagbukas ang pinto ng sasakyan at si Thunder ang niluwa niyon.

"Here's Sean's favorite pillow." Inabot sakanya nito ang isang unan na kulay itim.

"Thank you, Kuya Kulog." Inaantok na sabi ni Sean.

"Welcome, bud." Ginulo nito ang buhok ni Sean. Umungol si Sean na tila nagrereklamo. Napatawa na lang si Hero. Napatingin siya kay Thunder na kinindatan siya.

She rolled her eyes before saying, "Heh!"

Hello, Neighbor! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon