Being married with Heroine Lightning Velenciaga-Villacencio for 15 years is an adventure. They have their own ups and downs. There's no perfect relationship, which is always said by his mom, Sky.
At napatunayan niya iyon, hindi lang sa loob ng sampung taon, kungdi mahigit pa. At lahat ng babae, may toyo. Yung nanay niya, yung asawa niya, pati yung bunso sa kambal niyang anak, may toyo rin.
Minsan talaga, mapapabuntong hininga ka na lang. But you have to endure it, hindi dahil sa napipilitan ka lang, pero dahil sa mahal mo yung tao. Hindi ka magsasawa.
Forever na siyang nakatali kay Hero. And he doesn't have any hint of regret with it. In fact, he enjoys every seconds of being married with her. Minsan, naiinis na rin siya. But as to what his best friend, Ethan says, "E mahal ko e. Anong magagawa ko?"
Which is true. Mas nananaig ang pagmamahal niya kay Hero, at hindi lang dito. Pati sa mga anak nila. He and Hero would always compromise. Pag badtrip ang isa sa kanila, they give each other spaces. Hindi nila sinasabayan ang galit ng isa't isa, well minsan oo. Hindi naman kasi maiiwasan yon. But at the end of the day, magbabati na rin sila.
Hero ought to be a proud and matured mother. Though hindi naman nila akalain na magbubunga agad noon, and that is Storm. Naalala pa niya yung reaksyon niya noong manganganak na si Hero kay Storm. Sobrang nagpa-panic siya. His parents would tell him to sleep, but he just can't. Hindi siya mapalagay, lalo na noong nagle-labor na si Hero.
"You can rest, you know." Ethan said as he sits beside him.
"I wanted to. But I just can't. You know she's in pain. I just can't rest. My eyes wanted to shut, but my mind can't."
"Ah, the feeling of being a first time dad." Ethan chuckles. "Ganyan din ako kina Pierre at Rienne noon. I couldn't contain my happiness knowing George is pregnant. Not just one, but twins!"
Napangiti siya. Noong si George ang manganganak, siya naman ang nasa tabi nito. Siya ang dakilang best friend. Ethan couldn't also sleep that time.
"Pag naman nanganak si Bayani, makakahinga ka na ng maluwag. Gusto ko non akuin lahat nang masakit kay George, ang sakit kasi na nakikita siyang nahihirapan. Pero masaya rin, kasi anak niyo yon e. Sa inyong dalawa galing. Ang sarap sa pakiramdam na sabihing tatay ka na."
He smiled. Minsan lang kasi maging matinong kausap etong best friend niya e. Mabibilang mo lang sa daliri. Ganon katino ang best friend niya.
They waited for a few hours nang sabihin nang doctor na manganganak na si Hero. And when that time finally came, the doctor congratulated him.
"Congrats, Mr. Villacencio. It's a healthy baby boy."
Napangiti niya. That time, may dadarating na bagyo, good thing they were all prepared at inabisuhan na rin ang hospital sa panganganak ni Hero.
And thus the name, Etienne Storm came. Plus, he is Thunder and Hero is lightning.
"Papsi, pa-open. Thank you." Oceana handled him a yoghurt.
"Seriously, Oceana? Yoghurt again?"
"It's healthy, papsi. Wag ka na ngang magreklamo." Oceana answered and took a spoonful of strawberry yoghurt.
"Where's River?"
"Tinanong mo pa talaga, Papsi? Edi ayon, tulog nanaman."
He smiled. He can't help but to be happy of how adorable their kids are. Si Storm, medyo may pagkasuplado. He sees himself to Storm, while River is like his mom, Hero. Walang pake sa mundo. Same before with his mom, Sky. And Oceana? The sunshine of the family. Nahawa na ito sa ninang nitong si George at Sanya, masayahin, palabiro at makulit. Kung tutuusin, ito ang nagiisang babae, pero pinakamakulit sa tatlo.
BINABASA MO ANG
Hello, Neighbor! (COMPLETED)
General FictionSabi nga ni Sarah G kay Coco M, "There was never an us." E paano kapag sinabi niya rin sayo yon? Malala nga lang, mas mahaba pa. "There was never an us to start with." So ano yung mga pinaggagawa niya? Landian lang yon? Nilalandi lang siya, ganon...