After five years..
She groaned. Nasa Pilipinas na nga siya. Amoy na agad niya ang polusyon. Kakalabas pa lang niya ng airport, pero heto na agad ang sasalubong sa kanya. Air pollution. Isama niyo na rin ang noise pollution. May mga eksena kasing, yung iba sinasalubong ng mga kamag anak. Yung iba, hinahatid. Gabalde na ata ang naiiyak nung iba e. Napailing na lang siya.
Well atleast, namiss naman niya ang atmosphere rito. Summer nga pala, ang init!
"Hello, Tita? H here. Yea, I'm already in the Phils. Do I need to go already in the office? Oh, okay. Thank you, Tita. I will. You too. Bye."
Akala ko papapuntahin na agad ako sa office. Malay ko ba naman kasing hindi pala uso pahinga don sa US of A. Siguro naman kahit papano, makakapagnakaw ako ng mga anim na oras o higit na tulog dito sa Pilipinas.
Aunt Belle and Uncle Simon weren't at home for now. Niregaluhan kasi nila Kuya Cymer at Kuya Cirius ng ticket papunta sa ibang bansa. For almost two weeks, I guess? Magpapalipat lipat sila ng ibang bansa at mamasyal. Everything was arranged. While those two, nasa Singapore. May conference. So, she'll be home alone for almost two weeks or more. Well, that would be fine with her. She's used to it.
Eh, 25 years old na naman siya! Alangan naman hindi pa siya matuto magisa. Besides, living alone for five years, taught her alot. As in.
"Manong, dyan lang po sa may black and gold na gate." Sabi niya sa taxi driver.
Tumigil naman ito sa harap ng black and gold na gate. Nagpasalamat siya sa driver. Pagkabukas pa lang niya ng gate ay may tumambad na sa kanya ng limang aso. Puppies, actually. Three of them were black, two were white.
"Oh my gosh! How cute can you get?" Binitawan niya ang maleta na hila hila niya at ang bag niya. Sobrang adorable lang ng puppies na 'to! Then she heard a bark. It was from her favorite dog, Stark. "Oh my! Stark!" Muntik na siyang matumba ng dambahin siya ni Stark. Mukang namiss siya ng sobra ni Stark.
Binuksan niya ang pintuan ng bahay. Malinis pa rin ito. Mukang pinapalinis every other day ng Auntie at Uncle niya.
Binagsak niya ang sarili niya sa sofa. Wala pa siyang matinong tulog. Hindi naman siya makatulog ng ayos kanina sa flight niya. Antok na siya. Pagod na rin. Sumunod naman sa kanya ang mga anak ni Stark. Well, its his to start of.
Matutulog na siya. Besides, its just 9 in the morning.
*
Ang init. Ang init grabe. Nagising siya dahil nasa may muka na pala niya ang sinag ng araw. Iniwan pala niyang bukas ang bintana niya.
Bumangon na siya at dumiretso ng banyo. Maliligo na siya. Akalain mong nakatulog siya ng ganun siya kalagkit.
Natapos siyang maligo nang magbukas siya ng sns accounts niya. Online kaya si George? Hinanap niya ang pangalan nito.
Maria Georgina Diaz-dela Merced
Sakto, online!
Hero Valenciaga : May pagkain ba sa inyo?
Maria Georgina Diaz-dela Merced : Wow naman. Magchachat ka na nga lang, pagkain pa ang hanap mo.
Hero Valenciaga : Ganun talaga. So, ano nga? May pagkain sa inyo?
Maria Georgina Diaz-dela Merced : Oo, nagluto ako ng paella. Bakit? Wala bang paella dyan?
Hero Valenciaga : Hmm. Wala e. Antay mo. May kakatok sa inyo at naghahanap ng paella.
Maria Georgina Diaz-dela Merced : Gaga ka! Wag nga ako!
She got up. Lumabas siya at dumiretso sa may tapat bahay. Nagdoorbell siya at pinagbuksan siya ng isang batang lalake. May kasunod itong batang babae.
BINABASA MO ANG
Hello, Neighbor! (COMPLETED)
Tiểu Thuyết ChungSabi nga ni Sarah G kay Coco M, "There was never an us." E paano kapag sinabi niya rin sayo yon? Malala nga lang, mas mahaba pa. "There was never an us to start with." So ano yung mga pinaggagawa niya? Landian lang yon? Nilalandi lang siya, ganon...