CHAPTER 6

3.9K 91 4
                                    

"Ang aga mo namang manligaw, bro." Sabi ni Ethan kay Thunder.

"Gwapo e." Sagot ni Thunder kay Ethan. Busy naman sa pagkain ng muffin sina Chance at Rage. Buti na lang pala maraming binake si Hero. Nasa kusina sila ng mga Valenciaga. Samantalang si Hero, naiwan sa living room. Nilalaro kasi nito si Knight at Blaze.

"Tara na dun sa living room. Ikaw naman tol, iniwan mo si Hero dun."

"She pushed me here."

*

"No, Blaze. Wag mo isubo yan. Dirty yan." Narinig nilang pagkausap ni Hero kay Blaze. Si Knight naman, busy lang sa paglalaro ng mga dalang toys nina Ethan, Zeno at Seb. Yung tatlo, nanunuod pa rin ng tv.

"Hero, kumain ka muna dun. Kami na bahala dito sa kanila." Untag ni Ethan kay Hero.

"Alright."

Nang nasa kusina na si Hero, nagsimulang pagusapan ni Chance at Rage si Hero.

"Maganda no?" Tanong ni Chance kay Rage.

"Oo, kaya naman pala andito na agad." Natatawang sagot ni Rage.

"Binabakuran na agad mga pre." Singit ni Ethan.

"Baka maagaw e." Singit ni Thunder.

"Si Hero na ba talaga?" Tanong ni Rage.

"Yup." Maikling sagot ni Thunder.

"Yon e!" Nagapir ang tatlong lalake.

"Tol, may PS4 pala dito e." Pabulong na sabi ni Rage kay Chance.

"Oo nga no? Pwede kaya?"

"Tanong natin si Hero."

"Tara!"

*

Busy si Hero sa pagkain ng muffins at paggawa ng blog niya ng pumasok ng kusina si Rage at Chance.

"Uh, hi?" Bati ni Rage kay Hero.

"Hey. Gusto niyo pa ba?" Alok nito.

"Pwede pa?" Nagningning ang mata ni Chance sa tanong ni Hero.

"Sure."

"Thank you, H!" Masiglang sagot ni Chance.

"What did you just call me?"

"H. Your name starts with 'H', right? So, I'll just call you H." Sagot ni Chance.

"Nice one, Chance. H na nga lang." Singit ni Rage.

"Ah, okay. Nga pala, may gusto pa ba kayong kainin?"

"No, wala na. We're just here to ask if we can borrow the PS4?" Tanong ni Rage.

"Oo, okay lang. Andun lang naman sa dvd rack yung mga bala. Bahala na kayo pumili." Sagot niya.

"Thanks, H!" Sagot ng dalawa. Ngumiti na lang siya.

After an hour, lumabas na siya ng kusina. Nakita niyang naglalaro ang sina Ethan, Rage at Chance ng PS4. Si Thunder, naglalaro sa phone. Sina Sean, Zeno at Seb, tulog na sa sofa nila. Pati si Knight at Blaze, tulog sa kabilang sofa. Kaya naman pala mga nakasalampak na sa carpet ang tatlo. Umupo siya sa sofang kinauupuan ni Thunder. Kinuha niya ang phone niya. She was browsing nang maramdaman niyang lumapit sa kanya si Thunder at saka inilapat ang ulo nito sa balikat niya.

"Mm, problema mo?" Masuyong tanong niya rito.

"My head hurts."

"Bakit? Kulang ka sa tulog?"

Hello, Neighbor! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon