CHAPTER 33

6.1K 118 53
                                    

Parang gusto nang lumabas ng puso niya dahil sa kaba. Nadoble pa dahil sa pagkakainom niya ng wine.

Anak ng patola! Ano bang nangyayare sa kanya?

Samantalang tahimik naman na nagdadrive si Thunder. Hindi niya actually alam kung saan sila pupunta.

"Saan tayo?" She asked.

"Condo." Tanging sagot nito.

Ang pagkakaalam niya, dating condo ito ni Tatay Earth. Mas malapit kasi yon sa school. At kapag late na ng labas si Thunder ay dun na ito natutulog. Nakapunta siya dati doon, nung bigla siyang hinila ni Ethan dahil pupunta raw ito sa condo ni Thunder.

"Bayani! Samahan mo ako." Ethan casually said.

Kumunot ang noo niya. "Saan?"

"Condo ni Kulog."

"Ba't di ka magpasama kay George?"

Ethan whined at first. "Ih, busy si My Loves. May presentation yon bukas sa resto. Ayokong masapak nanaman ako ni My Loves. Ang sakit kaya nun manapak! Siguro boksingero yon nung past life niya."

Natawa naman siya. Sinapak talaga ni George si Ethan dahil sobrang badtrip dito si George. Hindi niya alam kung anong nangyare. Basta pumasok na lang si Ethan na may band aid sa right cheek. At si George na may bandage sa right hand.

"Ang gago mo, no?" Natatawa niyang sagot.

"Hindi naman. Slight lang. So, sasamahan mo na ba ako?"

"Wala naman akong choice." She rolled her eyes. Ngumisi naman ito sa kanya.

Nakarating sila agad sa condo ni Thunder. Bumungad ang isang Thunder na naka-sweatshirt at sweatpants ba magulo pa ang buhok. Na akala mo e napilitan lang bumangon.

"Akala ko patay ka na e." Biglang sabi ni Ethan.

"Mauna ka. Susunod ako." Sagot ni Thunder.

Napatawa na lang siya. Hindi pa rin siya sanay nagsasalita si Thunder ng tagalog.

"Ge. Balitaan kita." Sagot ni Ethan sabay tapik sa balikat ni Thunder. "Lumayas ka nga dyan. Ang laki mong harang." Medyo natatakpan kasi siya ni Ethan kaya hindi siya pansin. Sa tangkad ba naman ng dalawang 'to. 6'2 vs 5'8. Sige nga!

"Why are you here anyway?"

"Sabi ni Tita Sky may sakit ka raw. Tsaka pinabibigay sayo ni Tito Earth 'tong prutas. Ayaw mo raw kasi magpapunta."

"Don't want them na mahawa." Sagot nito.

"Conyo mo, bro!" Tinawanan ni Ethan si Thunder. "By the way, I'm with Hero."

Saka lang siya sumilip sa may likod ni Ethan. "Hi." She waved her hand.

"Ethan Zachary Reyes Dela Merced." Nagisang linya ang labi ni Thunder.

Ethan rolled his eyes to Thunder in a manly way. "Whatever, Erwann Thunder Altamirano Villacencio." Saka ito pumasok sa loob ng unit ni Thunder.

Sinalat niya ang noo at leeg ni Thunder. Hindi naman ito umiwas. "Ginawa mo't nilalagnat ka?" Hinilig pa nito ang ulo nito sa kamay niya.

"Naulanan after training." He answered. Dinala nito ang dalawang kamay niya sa pisngi nito. "Ah, so warm."

Napatawa na lang siya. "Uminom ka na ba ng gamot?"

"Di pa. Di pa ko nakain." Sagot nito habang sinusundan siya paupo ng sofa. Lumapit ito sa kanya saka isinubsob ang muka sa leeg niya. Then he groaned.

Hello, Neighbor! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon