Palabas na siya ng gate ng mga dela Merced nang may makabangga siya. Sa lakas ng impact, napaupo siya.
"Awwwww. Shoot!"
"Nako! Sorry, Miss!"
"Napalakas pagkakabundol niyo, tol."
"Tulungan kaya natin." Tatlong boses ang narinig niya. She looked up. Uso ba ang mga gwapo sa street na 'to?
Tatlong nakakunot na pagmumuka ang nakita niya. "Ate Bayani?!" Sabay sabay na sabi ng tatlo.
"May choir singing ba ngayon? Hindi ako informed!" She said. Hinila ng dalawang lalake ang mga kamay niya at inalalayan naman siya ng isa sa likod.
"Ikaw nga!" Turo nang isang gwapo.
"Ako nga. Ako nga si Bayani." Sagot niya.
"Ate!!" Sabay sabay na yumakap sa kanya ang tatlo.
Juice colored! Wag sana siyang makasuhan ng child abuse!
"Hep! Hindi na ko makahinga!" Pag-awat niya sa tatlo.
"Sorry." Hinging paumanhin ng tatlo.
"Wait nga. Ba't niyo ko kilala?"
"Zeno."
"Seb."
"Sean."
"What?! Kayong tatlo na yan? Sorry!" Gitlang tanong niya. E bakit ba? Nung umalis siya hanggang bewang pa lang niya ang tatlo. Ngayon, magkakapantay na sila. The three of them laughs.
"Yea. We're sorry for what happened earlier." Sagot ni Sean.
"Hindi rin kami kasi nakatingin sa daan." Segunda ni Zeno.
"Sorry talaga, ate. May masakit ba sayo? Gusto mong dalhin ka namin sa ospital?" Tanong naman ni Seb.
"OA ka, Seb." She laughs. Napakamot na lang ng batok si Seb. "Okay lang ako. Sorry din. Hindi kasi rin ako nakatingin sa daan."
"Okay lang, ate Bayani." Zeno answered.
"Thank you." She sweetly smiled at them. Nagiwas ng tingin si Sean. Napasipol naman si Zeno. At napakamot uli sa batok si Seb. All them three were blushing. "Ano yan? Ba't namumula kayo? Crush niyo pa rin ako no?" Natatawang akusa niya.
"Ate naman." Reklamo ng tatlo.
She laughs. "Teka, wala ba kayong gagawin ngayon? Gusto niyo magbake?"
"What? Really?" Tanong ni Sean.
"Yep! So, ano? Magsabi muna kayo ha? Antay ko kayong gwapo sa bahay."
"Sure!"
*
"Ate, may barbecue party nga pala kina Kuya Chance this coming saturday." Untag ni Seb sa kanya habang inaantay nilang ma-bake ang muffins nila.
"Oo nga, ate. Punta ka." Segunda ni Zeno.
"Pagiisipan ko." Sagot niya.
"What? That's unfair! You just came back here. You've been away for 5 years." Reklamo ni Sean.
"Maka-unfair kang bata ka, oo. Hindi pa nababanggit ni George sakin yon."
"I'm sure ate George will be going too. Kuya will be there e." Sagot ni Zeno.
"Even Ate Parris will be there too. And even Kuya Chase." Sagot ni Seb.
"Even Kuya Kulog will be there." Sabi ni Sean.
Natigilan siya. Ready na ba siya? Ready na ba siyang harapin ang lalaking nagsabi ng sinabi ni Sarah G kay Coco M na "There was never an us"? Napabuntong hininga siya. She knows that there's a big possibility that they will cross paths again. Especially that they are neighbors. Minsan gusto na rin niyang magreklamo bakit dun pa sila nakatira. Kaso, hindi rin naman niya makikilala si Thunder. Aish, ewan! Ang gulo!
"Sorry, ate." Napalingon siya kay Sean.
"Ha? Bakit?"
"I know there's something wrong between you and Kuya. But, don't hate me please."
"Ang cute mo." She pinched his cheeks. "I won't hate you. Don't worry. Yung kuya mo na lang." She chuckled.
"Its fine if you hate Kuya Kulog. He's an ass for leaving you." Sagot ni Sean.
"He's the reason why you left, right ate?" Biglang tanong ni Zeno.
"Wag mong bibigyan ng cupcakes yon." Sabat ni Seb.
"Ewan ko sa inyo." She chuckles. Nagkibit balikat lang ang tatlo. Sakto namang tumunog ang oven. Tumayo na siya at kinuha ang binake nilang cookies.
"Mainit pa ha? Baka mapaso kayo. Anong gusto niyong drinks?"
"Lemonade." Sagot ng tatlo.
*
She's busying herself on her blog when the doorbell rings. Yung tatlo kasi, hindi maistorbo sa paglalaro ng 2k16.
Boys.
Muka ni Chance at Rage ang bumulaga sa kanya pagbukas ng gate.
"So you're really here." Sabi ni Chance.
"Oh my gosh! Bakit ganyan? Uso talaga ang gwapo sa street na 'to ano?" She laughs. Nakanganga lang si Rage sa kanya. "So, ano? Wala manlang akong welcome hug? Tutunganga na lang kayong dalawa?" She asked.
Both of them hugged her tight. "Hep, di na ako makahinga!" Reklamo niya.
"We've missed you, H." Saad ni Rage.
"Namiss ko rin kayo." She smiled. "Tara pasok sa bahay. We baked some cookies."
"We?" Tanong ng dalawa.
"Sean, Seb and Zeno are here. Nasan si Knight at Blaze?" Tanong niya.
"Nasa company. Sila mama at Tita Finn ang sumundo kanina e." Sagot ni Chance.
"Oh, I see. Well, how are those adorable boys?"
"They're fine. Makulit lang." Rage answers.
"Nga pala, who's Ligaya, Rage? And you, who's Perena?" She pointed at Chance.
"She's my girl." Parehas na sagot ng dalawa.
"Girlfriend niyo?" Tanong niya.
"Uhm.. yea." And that answer made them blush.
"How adorable you two! Binata na talaga kayo ha? Proud of you both! Pupunta ba sila sa barbecue party sa Saturday?"
"Yea. Pupunta sila." Sagot ni Rage.
Well, not bad for already having a girl. Chance is 21. Rage is 20. Matatanda na sila.
"Hmm. Might as well be going na rin." Sagot niya.
"Really? You'll go?" Chance asked her excitedly.
"Yea. Makikibalita na rin ako. I've been busy for the past five years. Might as well do some catch up with you guys."
Nagkatinginan si Chance at Rage at nag-high five.
"Don't you dare ask or find me a date. Lulunurin ko kayo sa pool niyo."
"Nah, we won't. Magigitla ka na lang, may date ka na." Sagot ni Rage.
She rolled her eyes. "Tantanan mo ako, Rain Genesis Asuncion Uytiengco."
"You've been single for five years, H. G's already married with Ethan. And has Pierre and Rienne. Gusto mo bang tumandang dalaga?" Chance asks.
"So sinasabi mong matanda na ako, Charles Caidence Villanueva Alvarez? 25 lang ako! Ang OA mo!" Binato niya ito ng cookie crumbs.
"You'll be surrounded with couples. Just so you know. Ate Parris and Kuya Chase will be there, together with their daughter Raiken Tyche."
"Bwisit kayo. Makapag madre pagkatapos ng barbecue party."
"Oh no, H. He won't be happy with that." Sagot ni Chance.
"Hindi rin papayag yon. So, wag na." Segunda ni Rage.
Tinaasan niya ng kilay ang dalawa. "Sino aber?"
"Its for us to know and for you to find out." Sabay na sagot ng dalawa.
"What the hell?!"
BINABASA MO ANG
Hello, Neighbor! (COMPLETED)
Ficção GeralSabi nga ni Sarah G kay Coco M, "There was never an us." E paano kapag sinabi niya rin sayo yon? Malala nga lang, mas mahaba pa. "There was never an us to start with." So ano yung mga pinaggagawa niya? Landian lang yon? Nilalandi lang siya, ganon...