CHAPTER 27

4.3K 92 28
                                    

H: Author, chapter 27 na tayo. Di ko pa rin alam ang rason ni Kulog kung bakit niya sinabi yon.
E: E kung tinatanong mo kaya ano? Nang nalalaman mo. Kainis na 'to.
H: Oo na. Sige na. Tatanungin ko na.
E: Cheers! 🍻

--------------------------------------------------

"Hello, T? Are you going to fetch Hero here?"

"Was planning to. Why?"

"Sunduin mo na. Tatawagan ko pa si Ethan para ipasundo si George."

"Alright. Thanks. Bye."

"Bye."

Nagbihis si Thunder para sunduin si Hero. He was already in his pjs nang tumawag sa kanya si Chase. Naabutan niyang naglalaro pa ng ps4 si Sean sa baba.

"Hey."

"Yo, brother." Sagot nito na nakatitig pa rin sa screen ng tv nila.

"I'll just be going out."

"Where you going? It's alreasy 12 midnight."

"Tito Yvo's bar. I'll just fetch H."

"Ge. Ingat."

"Matulog ka na mamaya ha?" Pahabol niyang bilin dito bago nagpunta sa garahe nila.

*

Ethan calling..

"Hello pre? San ka?"

"On my way to iCavern's. Why?"

"Sige. Nandito na ko."

"Where's H?"

"Nagrestroom lang saglit e."

"Okay. Thanks. See you. Bye."

Pagdating palang niya sa bar ay agad niyang hinanap ang pwesto nila Hero. And there was Chase and Ethan.

Parris was talking to someone on her phone.

"Diamond, samin ka na sumabay mamaya." Alok ni Akira dito. Saktong paglapit niya ay napansin siya ni Akira.

"Hoy, gunggong!" Bati nito sa kanya. He just rolled his eyes heavenward. Daldal talaga nito kahit kailan. Manang mana kay Tita Fire.

"Where's Aki and Gold?" Tanong niya.

"Tanong mo kay Sanz kung asan ang magaling kong kapatid. Si Gold? Papunta na." Sagot nito. When he looked at Sanya, nakapikit na ito.

"She's asleep." Lumingon naman si Akira sa tabi nito.

"Hindi yan tulog. Nagiisip lang yan kung itutuloy pa niya yung annulment nila o hindi na."

Mahina itong sinapok ni Sanya. "Ang daldal mo, kainis ka. Hi, T." Tinanguan naman ito ni Thunder.

Achilleus calling..

"Hello, T? Where are you?"

"iCavern. Sanz is here."

"I'll just park my car. San kayo banda?"

"Left side. Same place."

"Alright. Thanks."

Sakto namang dumating si Hero. Namumula na ang pisngi nito at namumungay na ang mata. Napatingin ito sa kanya saka siya nginusuan. Sumalampak ito ng upo kalapit ni George.

Nilapitan niya si Hero. Hinihilot nito ang ulo. "I told you to call me when you're drunk." Bulong niya rito.

"Hindi pa ko lasing no." She slurred.

Hello, Neighbor! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon