Today izzzz the day! Wag naman sana akong atakihin ng Monday Sickness. Dahil talaga namang tatamarin ako. Chozz!
Good news: Pinatay ko na si Thunder ng bonggang bongga with sabog confetti. Charot. Wag niyong hahanapin sakin ngayon ang kumag na yon ha? Kung ayaw niyo patayin ko rin kayo with piñata naman.
Kikilos na nga ako. Magluluto pa ako ng breakfast ko. Saturday pa magiging maingay ang bahay ng mga Valenciaga.
*
Matapos ang ritwal, she's ready to go to the AV Empire. Yep, tama kayo ng basa. Sa AV Empire Main Branch na siya magtatrabaho. Associate Creative Director pa rin naman ang position niya. Though sabi ni Nanay Sky, may isa pa siyang makakatulong.
She just grabbed her gray tshirt dress and her pair of white sneakers. She's good to go. Ginamit niya ang itim niyang Colorado papuntang AV Empire. 8:30am ang pasok niya. Kahit gumising siya ng 7am, okay lang. Sa lapit lang naman ba ng Empire sa kanila. Less hassle.
Nanay Langit
On the way na po ako. :)She grabbed her keys and bag. Tumuloy na siya sa garahe.
Nanay Langit
Alright. See you later. :)*
"Ay! Wait lang ateng! Sasabay ako!" Magsasara na kasi ang elev ng may biglang humabol sa kanya pataas. Kokonti pa lang ang empleyado. Dahil alas nueve pa ang pasok ng mga ito. Pinapunta lang siya ng maaga ni Nanay Sky para makapaghanda na rin.
"Hoo! Nakaabot. Salamat!" The woman beamed at her. Bakit ba puro magagandang nilalang ang nakikita niya simula nung umuwi siya ng Pinas? Nasaan ang hustisya?!
"Walang anuman po. Saang floor ka po?"
"27th. Drop the 'po'. Ano ka ba? Malay mo, magka-age lang tayo no." The woman giggles.
"Sorry. Same floor pala tayo."
"Ay bongga. Dun ka rin pala pupunta. By the way, I'm Samantha Tanya Lagda-err Enriquez. Sanya for short. Ikaw?"
"Heroine Lightning Valenciaga. Hero or Bayani for short."
"Ay bongga ng namesung mo, day! Sige, I'll call you Bayani na lang. Nice meeting you." Nakipag shake hands pa ito sa kanya. "If you don't mind, anong gagawin mo sa 27th floor?"
"Uhh, pinapunta kasi ako ni Nanay Sky, I mean, ni Mrs. Sky Villacencio."
"Wait a minute, mainit na kape! Ikaw ba yung bagong director ng advert?"
"Uhh, oo? Galing ako sa US branch ng AV."
"Ay, nice meeting you talaga! Isa rin ako sa associate directors."
"Nako, its a honor to meet you." She said. Parang nahiya siya.
"The feeling is mutual! Bongga, apat na tayong babae don. Yung dalawa e kalahati. Sirena e." Sanya laughs.
"Flattered naman ako don. Salamat sa agarang pagtanggap." She smiled.
"Sus, wala yon no. Teka nga, you look familiar ha. Parang nakita na kita before." Umakto itong nagiisip. She waited for 10 seconds. "Ay oo. Ikaw yung kasama ni Kulog sa beach noon! Yung magandang babae. Girlfriend ka ni Kulog."
"Ha? Hindi no. Kilala mo si Thunder?" She asked.
"Weh? Hindi ba kayo? Ang alam ko kayo e. Oo, kilala ko siya. Pinsan kasi siya ng.." Sanya pauses and clears her throat. "Ng ex-husband ko."
Nanlaki ang mata niya. Sino don? "Ha? Nino?"
"You know Aki? Aki Lagdameo. He's my ex-husband." Sanya said.
BINABASA MO ANG
Hello, Neighbor! (COMPLETED)
Художественная прозаSabi nga ni Sarah G kay Coco M, "There was never an us." E paano kapag sinabi niya rin sayo yon? Malala nga lang, mas mahaba pa. "There was never an us to start with." So ano yung mga pinaggagawa niya? Landian lang yon? Nilalandi lang siya, ganon...