CHAPTER 36

5.8K 128 41
                                    

She was busy redesigning a thumbnail nang tawagin siya ni Jaime.

"Gurl, tawag ka ni Madam Sky sa taas."

Napaangat ang ulo niya. "Bakit daw?"

Jaime shrugged. "Panagutan mo raw si Sir Thundy-baby. Charot! Di ko alam e."

She heard Nikolai laughs. Binato niya ito ng eraser na nasalo naman nito. "Seriously, H. Kasal na lang ang kulang."

"Heh! Umamin ka muna sa kababata mong si Rav." Singhal niya ito. Napatawa na lang uli ito at napailing.

"Sige na. Punta na don sa taas." Pagtataboy nito sa kanya.

Two floors pa ang kailangan niyang akyatin kung sakaling magha-hagdan siya. Pero tinatamad siya. Seriously, bakit ba siya gan'to these past few days?

Tapos pag nakikita niya si Thunder gusto niyang lamutakin ang pagmumuka nito? Bakit ang cute ni Thunder?

Aish. Ewan!

Nadatnan niya ang secretary ni Nanay Sky at Tatay Earth, si Tita Psyche. Seriously, ang ganda rin nito ha? At ang alam niya, matagal na ito sa kumpanya.

"Good morning po, Tita Psyche." She greeted her. Lumingon naman ito sa kanya.

Tita Psyche gave her a radiant smile. "Oh, good morning din, H. Pasok ka na. Pasensya ka na't kay Jaime na kita pinatawag. Marami kasi akong ginagawa e."

Napansin nga niyang ang daming folders sa mesa nito. "Okay lang po. Pwede na po bang pumasok?"

"Ay oo. Sige, pasok ka na."

"Thank you po."

She knocked three times. "Nanay Sky? Si H po 'to."

"Come in, 'nak."

Marahan niyang tinulak ang pintuan saka pumasok. Nakita niyang nakaupo ito sa swivel chair nito. Sabi na e, hindi nanaman naka-uniform si Nanay Sky. She was just wearing a loose shirt, ripped jeans and sneakers.

"Good morning, Nay. Tawag niyo raw po ako." She greeted her.

Humarap naman ito sa kanya. And smiled. Same with Tita Psyche, Nanay Sky gives off this radiant smile. "Good morning din, 'nak. Oo, pinatawag nga kita. May naghahanap sayo e."

"Po? Sino naman po?" Kunot noo niyang tanong. Alam niyang hindi si Thunder yon. May meeting yon sa labas e.

"My princess is all grown up!" Napalingon siya sa isang pintuang pinanggalingan ng boses. Nanlaki ang mata niya at napanganga.

"Yes, I know. Gwapo ako." Then he smirk at her and raises one of his brows.

"Kuya?!" She said.

"The one and only. Slade Pietro Shiloh Castro Valenciaga at your service." Bahagya pa itong nagbow sa kanya.

Napailing na lang siya. Masyadong mahaba ang pangalan ng kapatid niya. Oo, may kapatid siyang lalake. Half-brother to be exact. Kapatid niya sa ama. He was just 2 years older than her.

"Wala manlang ba kong yakap dyan? Ba, isang taon ka nang bumalik dito e." He open his arms wide.

Binatukan niya muna ito saka niya niyakap. "I miss you too." She said and giggles.

"Wala naman akong sinabing namiss kita a?" Saad nito.

"As if you didn't." She rolled her eyes. Bumitaw ito saka humarap kay Nanay Sky na magiliw na nakangiti sa kanila.

"Nanay Sky--Aray naman!"

"Maka-nanay ka. Dyan ka nanggaling?"

"Eh bakit ikaw? Nanay din tawag mo sa kanya? Ang damot talaga neto o! Nanay Sky oh!" Sumbong pa nito. Pinitik niya ito sa ilong. Nag-pout naman ito sa kanya.

Hello, Neighbor! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon