"Ninong Kulog!" Narinig niyang binati ito ni Rienne. Pagkatapos kasi silang tuksuhin ng mga tao sa paligid nila, napayuko siya at nilampasan na si Thunder. Tumuloy siya sa table ng blue lemonade.
Lord, seryoso? Talagang suki na ako ng bungguan ngayon ha? Basta basta na lang may sumusulpot na pader sa mga dadaanan ko.
Napailing na lang siya saka bumalik sa table kung asan ang kambal. And there he is, smiling while talking to the twins.
"Ninong Kulog, meet my Ninang Bayani." Rienne stated. Napalingon naman siya sa gawi ng tatlo. "Shake hands po kayo, Ninong." Rienne grabbed Thunder's hand and hers.
He grabbed her hands. "Hi." Then smiled at her. Eto nanaman yung sparks na nararamdaman niya everytime na hahawakan ni Thunder ang kamay niya.
"Ehem. Hello."
3 seconds. 5 seconds. 10 seconds. 15 seconds.
"Ninong, soft ba hands ni Ninang Bayani? Bakit hindi mo pa binibitawan?" Tanong ni Pierre.
"Uh, sorry." Dahan dahan nitong binitawang kamay niya.
"No, okay lang. Twins, eto na blue lemonade niyo ha? May gusto pa kayo?" Tanong niya sa kambal.
"Wala na po, Ninang. Thank you po." Rienne gave her a toothy grin. Pierre smiled at her.
"Calling Hero here at the stage." Narinig na lang niyang tinatawag siya ni George.
Nakita naman siya ni Rage at hinila siya papunta sa stage. "Pag nagselos si Ligaya ha." She said.
"Nope. She won't. In fact she adores your beauty."
"Ano?" She asked while laughing.
"Bagay daw kayo ni Thundy boy sabi ni Ligaya."
"What? Pati ba naman si Ligaya?"
"Bakit? Dati naman kayo, di ba?"
Hindi na siya nakasagot dahil mahina na siyang tinulak ni Rage sa stage.
"Tita Sky! Eto na si Hero." Sabi ni George habang hawak ang mic. Nakita niyang nagthumbs up naman si Tita Sky.
"Hi, bff." George grins at her. She rolled her eyes.
"Hello rin naman. Akala ko ba pinagbabantay mo ako dun sa kambal?" Sagot niya na ikinatawa naman ng mga nanunuod sa kanila.
"Kay Rage muna sila tsaka kay Chance. Bff, may tanong."
"Ano yon?"
"Kung single ka pa raw?"
"What the--"
"Bes, bawal magmura. Pwede lang magmahal." Pinutol ni George ang sasabihin niya.
"Hindi naman e."
"Oh so, ano nga ang sagot?" Pangungulit sa kanya ni George.
She rolled her eyes. "Oo, single."
"Hooooooooo!"
"Ilang taon ka nang single bes?"
"Pati ba naman yon?" She asked.
"Oo, sabi ng audience." Turo pa ni George sa mga nandun.
"Bilangin ko." She pauses and chuckles. "Since pinanganak ako?"
"Ay tagal na non bes. 25 na tayo. Anong trip mo?"
"Kailangan sabihan ng edad? Ganon? Hmm. Magmamadre. Kapag hindi ako nagka-love life."
She heard someone say, "What? No way!"
BINABASA MO ANG
Hello, Neighbor! (COMPLETED)
General FictionSabi nga ni Sarah G kay Coco M, "There was never an us." E paano kapag sinabi niya rin sayo yon? Malala nga lang, mas mahaba pa. "There was never an us to start with." So ano yung mga pinaggagawa niya? Landian lang yon? Nilalandi lang siya, ganon...