CHAPTER 28

4.4K 91 46
                                    

After that night, iniiwasan na niya si Thunder. Oo, alam niyang hindi dapat kasi nililigawan siya ni Thunder, but heck! She's hurting! Akala niya naka-move on na siya nung umalis siya at lumipad papuntang America, pero mali siya.

Pinagpapasalamat na rin niya na wala rito sa bansa si Kulog. He flew back to London. He'll stay there for a week or two.

She's still inlove with the guy named, Erwann Thunder Altamirano Villacencio! Yep, you read it right. Sarap iuntog ng ulo niya sa pader. Alam niyo yon?

She busied herself with everything. Being a creative director isn't easy. Kahit pa sabihin mong apat sila. In demand silang apat.

"Hey, H. It's already lunch time. Sama ka?" Sanya asked her. Aki's in their office again.

"Third wheel ako." She laughs.

"Okay lang yan. Tara na kasi!" Pamimilit pa sa kanya ni Sanya.

"Oo na. Teka, ise-save ko lang."

*

Sa Ramone's nila napiling kumain since nasa tapat lang naman ito ng Empire.

Nabigla siya, ang daming inorder ni Sanya.

"Mauubos mo yan?" She asked.

"Maybe? Ite-take out na lang yung iba."

"She's on stress eating mode again." Singit ni Aki.

"Huh? Bakit?"

"Nai-stress ako dun sa isang client natin. Ang daming gusto sa buhay!" Iyamot na sagot ni Sanya.

"Ang dami mo nang revisions no?"

"Sinabi mo pa!" sagot nito sa kanya habang nakasimangot siya. Napatawa na lang siya. Sanya will always be Sanya.

Pinagmasdan niya si Sanya at Aki. She's wondering, itutuloy pa kaya nito ang annulment kay Aki?

Looking at Aki, he definitely adores his wife. Muka namang mahal na mahal ito ni Aki. She never saw Aki looks to other woman. I mean, he does look pero walang emosyon unlike kapag si Sanya na ang kausap nito, its like his eyes are full of emotions. Na parang laging sumasayaw ang mga emosyon sa mata ni Aki.

Wow, lalim non!

"You want carrot cake? I'll order one." Tanong ni Aki kay Sanya.

"Talaga? Sige. Bili mo ko!" Sanya excitedly said.

"How 'bout you, H?"

"Uhh, blueberry cheesecake na lang." Sagot niya kay Aki.

"I'll just order." Tumayo ito at nagpunta sa cashier.

"Hoy, Sanz." Pagtawag niya rito.

"Hoy ka rin."

"Itutuloy mo pa ba?"

"Ha? Ang alin?"

"Annulment dun kay mamang pogi." She heard Sanz for how many times she called Aki that way.

Ngumuso ito sa kanya. "No, hindi ko na itutuloy. You know I really love that mamang pogi." Natatawa nitong sagot sa kanya.

She sigh. "Buti na lang. You know, hindi ko paman kayo nakakasamang matagal, pero alam kong mahal na mahal ka ni Aki." She smiled.

"Oo nga e. Damang dama ko ang pag-ibig ni Achilleus. Grabe lang!" Sanya finally smiled.

Sakto namang dumating si Aki na may hawak na tray. "Here's your carrot cake, peaches." Inabot nito iyon kay Sanya.

Hello, Neighbor! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon